Nagising ako ng may maramdaman akong umupo sa kabilang side ng kama ko .
At biglang may sumigaw ng..."SUNOG!!! SUNOG!!! SUNOG!!!"
Sabi na nga ba si Mommy to e. Ang ingay grabe!
"Mom style mo bulok! Gasgas na yan e"
Sabi ko kay Mom habang nakatakip ang dalawang unan sa magkabilang tenga."Anong gasgas ha? Hoy Ayesha! First day of school mo ngayon at may balak kang magpalate?" Mom.
"Mom naman e. Please 5 minutes nalang . Promise."
" Ayesha Patricia Chelsea Montereal!!!
It's already 7:00 in the morning!!!."
Hala galit na!Waitt! 7:00 ?! As in 7 o'clock?! OmyG!!!
Dali dali akong pumasok sa banyo para maligo. Habang nagmamadali akong maligo ay narinig ko pang tumatawa si Mommy. Yung totoo? Nanay ko ba talaga siya? Parang hinde e . Pagkatapos kong makapagbihis tumakbo ako pababa ng hagdan . At ngayon ko lng narealize na napakahaba pala ng hagdan sa bahay!
Bwisitt! Kung kailan nagmamadali e.
Dumiretso ako sa Dining Area at naabutan ko si Mommy at Daddy na nag-aalmusal na." Good Morning Dad! Mom!!!. "
Tinawanan ba naman ako ng Mommy kong magaleng . Ayy naku . Mommy tlga oh!" Halika at sabayan mo na kame ng Mommy mo. " Dad.
"Uhh dad, aalis na po ako . Malelate na e." Ako.
" Teka ln--."
" I gotta go na po. Bbye!."
Mabilis akong nagkiss sa cheeks nila at lumabas na ng bahay .Paglabas ko ng bahay ay nakita kong naghihintay na si Manong Driver.
Dali dali akong pumasok at sinabihan si Manong na pakibilisan ang pagdadrive.
After 123456789 years ay nakarating na din kame dito sa school. (Tingin sa wrist watch) 7:35 Omg! Mabilis akong tumakbo papunta sa building ng 4th year at mabilis na hinanap ang section ko . Pagtapat ko sa section 1, ay nagdalawang isip ako kung kakatok ba ako o ano. Syett kinakabahan ako. Pero andito na e . Aja! Kaya ko to!.Tok* Tok* Tok*
At mabilis naman na binuksan ang pinto.
"So you must be the transferee from Westly Academy?." Tanong ng teacher na mukhang ewan dahil nakamakapal na glasses at makapal na make-up. Hahahaha grabe! Laughtrip tong teacher na to. Pero sa isip ko lang ako tumatawa ah?
" Ahmm yes Ma'am. I'm sorry for being late." Ako habang nakacross fingers dahil sa kaba.
" It's okay . Kakapasok ko lang din naman." Hayy. Napabuntong hininga ako don ah.
Pagpasok ko naghanap ako ng pwedi kong mauupuan kaso ang nag-iisang bakanteng upuan nalang ay dun sa tabi ng isang lalaking ubod ng gwapo pero suplado! Kung makatingin naman ng masama to. Dukutin ko mata mo e.
"Mr. Dominguez may nakaupo ba dyan
sa seat beside you?." Si Ma'am."None Ma'am." Sabi niya ng nakatingin pa rin ng masama saken . Hala! Anyare sa lalaking to?
"So pwedi na siyang umupo?." Ano ba yan! Kailangan pa bng itanong yon? Kanya ba yung upuan na yon? May pangalan niya?
"As if I have a choice." Sabi niya. Hmp! Sunget!
"Sabi ko nga. Okay you may take your seat Miss Montereal, right?." Teacher tumiklop sa estudyante nya? Nice hahahaha.
"Ahmm yes ma'am." Sabi ko nalang at umupo na.