Pagpasok ko sa loob ng room medyo marami na din ang mga kaklasi kong nandito . Saktong pag-upo ko ay agad akong umub-ob sa armchair dahil natatakot ako sa pweding sabihin ni Prince dahil sa pagsigaw ko sa knya .
Naramdaman kong may umupo na sa katabing upuan ko which is yung pwesto ni Prince . Pero halos 10 mins na ang nakakalipas e wala parin akong naritinig na khit ano mula sa kanya kaya napagdesisyunan kong tignan siya .
Hayy... kaya naman pala tahimik e, tulog na naman >________<At dahil nag-absent ako kahapon ng hapon hindi ko alam ang nangyare dun sa election pero nabigla ako nung makita ko yung pangalan ko sa tarpaulin kung saan nakaprint na yung pangalan ng mga officers .
President: Sigrid Ellyn Garcia
Vice-President: Clyde Rodriguez
Secretary: Monique Leanna Rodrigo
Treasurer: Ken Villafuerte
Escort: Alexander Patrick Charles Dominguez
Muse: Ayesha Patricia Chelsea MonterealFor real?! Bat ako? E wala naman ako kahapon ah . Ang daya :3 At dahil ayoko mgmuse...
"Hmm Ma'am bat ako po yung muse? Pwedi po bang iba nalang ?." Tanong ko na medyo kinakabahan.
"Ahh miss Montereal pasensya na kung hindi kita agad na-inform na ikaw ang magiging muse. Si Alexander kase yung namili ng magiging muse niya."
Agad naman akong napatingin kay Prince na nakatingin din pala sa akin . I gave him bat-ako-pa-marami-namang-iba-dyan- look pero gaya ng dati . Tinaasan niya lang ako ng kilay . Bwisit talaga sa buhay ko tonh lalaking to e .
"Excuse me Ma'am pero ayaw naman pala magmuse ni Ayesha so pweding ako nalang at siya ang magiging secretary. Is it okay with you Ayesha?" Tinignan ako ni Monique na parang sinasabi sakin na um-oo ka kundi lagot ka nanaman sa akin.
Pero ang ikinabigla ng lahat ay ng sumigaw si Prince...
"No!! She'll be my Muse or else mawawalan kayo ng Escort. What do you think,Ma'am?" Sabay lagay ng kamay niya sa shoulder na lalong ikinabigla ko .
"Ahmm Monique hayaan nalang natin si Alexander sa gusto niya." Ani Ma'am na medyo parang nag-aalinlangan o natatakot na ewan .
"Okay fine!!" Yan nalang yung isinagot ni Monique at padabog na umupo sa upuan niya .