TM-1

46 3 1
                                    

TM-1

Georgie's POV



Sakay na ako ng bus pauwi sa amin sa Bulacan. Dumaan muna kasi ako sa boarding house ko para kunin ang mga gamit ko. Naka ugalian ko na kasing umuwi sa amin tuwing weekends, para kamustahin ang mga nakababatang kapatid ko.



Ulila na kasi kami, namatay ang aming mga magulang tatlong taon na ang nakaraan. Namatay sila nung binangga ang kanilang sasakyan kotse ng isang truck. Lasing kasi yung driver. Kami nalang apat ng aking mga kapatid ang naiwan. Mabuti naman at nakapagtapos na si kuya Greg sa pag-aaral nun at nagtrabaho siya sa middle east bilang isang Engineer. Siya ang nag papaaral sa amin ngayon. Buti na lang at graduating na ako sa college sa kursong Business Administration major in Finance. Kaya heto naghanap ako ng trabaho bilang part-time working student. Para hindi na mahirapan si kuya at matulungan ko pa siya. Noong una ayaw niyang pumayag, dahil kaya naman niya daw kaming pag-aralin. Pero dahil makulit ako, at pinipilit ang gusto, ayun pumayag na rin siya sa gusto ko. Ay tama na ang kwento dahil maiiyak lang ako.



Tinext ko na lang si Clariz nang maka uwi ako sa bahay namin. Ang bahay na ito ay tanging pamana ng aming magulang sa amin.


To: Clarie Bessy

Bes, I'm home na. See you on Monday! Good night.


From: Clarie Bessy

Thanks God, you're home na. okay see you on Monday too. Wag na reply sleep ka na alam kong pagod ka sa byahe. Good night!



Gaya ng sabi nya di na ako reply. Pagpasok ko sa loob ay gising pa ang mga kapatid ko, nag iinternet. Siguro hinintay nila na maka uwi ako. Ganito naman kasi sila, hinihintay nila ako maka uwi saka kami matutulog.



"Ate Gie, salamat sa Diyos at nakauwi ka ng safe dito sa bahay." Sabay tayo at yakap sa akin ng bunso naming si Shinubo. Niyakap ko rin siya pabalik, si Seiji naman kinuha yung mga dala ko. Pumunta kaming tatlo sa dining area, para kainin namin yung donut na binili ko.



"Oo nga thanks God. Si Uncle Rob, yung driver ng bus kanina yung sinakyan ko kaya kampante ako na maka uwi dito sa bahay ng safe. Bakit di pa kayo natutulog?" tanong ko sa kanilang dalawa. Si Uncle Rob ay kapitbahay naming bus driver.



"Ay naku ate, kanina ko pa sinabi sa kanya na matulog na siya. At ako na ang maghintay sa iyo na maka uwi. Eh ayaw naman niya matulog kasi hihintayin ka rin daw niya. Ang sabihin mo Shin ang pasalubong lang ang hinihintay mo kay ate." Sabi ni Seiji sa akin, sabay iling. Sabay kagat sa donut.



"Weh, eh ikaw nga din diyan kuya. Iyan din ang hinihintay mo kay ate, ang pasalubong." Pang-aasar na sabi ni Shinubo kay Seiji. Sabay hila sa buhok ng kuya niya.

The Mascot | #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon