Prologue

85 5 4
                                    

dedicated nga pala ito kay @imclarissapadilla. Siya kasi ang best friend ni Kath dito.


——————————————————————————————————————————————————



Prologue



 

"Georgie, wish us luck! Sana matanggap tayo sa trabaho!" ani Clariz, ang best friend ni Georgina.


 


"Sure! Me too Clarie, sana matanggap tayo sa trabaho. Kailangan ko talaga ng trabaho, para matulungan si kuya Greg. Alam mo na, tatlo pa kaming nag-aaral. Ako naman graduating na." wika ni Georgie sa kaibigan.




Kasalukuyan silang nasa labas ng opisina ng HR head, nag hihintay na tawagin ang kanilang pangalan para sa kanilang final interview. Ang sabi ng HR head ang Operations Manager daw dapat ang mag conduct ng final interview sa kanila, kaso may importante daw gagawin ang OM. Ang Executive Assistant na lang ng OM ang mag-iinterview sa kanila.  


 


"I hope this day will be our lucky day! Pag matanggap tayo, gagawin ko talagang worksary ang date ngayon." Excited na sabi ni Georgie sa kaibigan.



"Nice idea bes, sige ise-celebrate natin." Excited na sang-ayon din ni Clarie or Clariz sa sinabi ni Georgie. 




Napatigil lang ang dalawa sa pag-uusap ng tawagin ang pangalan ni Clariz.



"Good luck bes, kaya mo iyan fightto!" pagbibigay ng lakas loob na sabi ni Georgie kay Clarie.



"Thank you bes! Mamaya na kita i-good luck pag ikaw na ang iinterviewhin, pasok na ako ha." Paalam ni Clarie.




After ng ilang minutes lumabas na si Clariz, na naka poker face.




"Oh bes, ano na? Tanggap ka na?" kinakabahang tanong ni Georgie kay Clarie.




"Uhm bes, mamaya ko na sabihin, pagkatapos ng final interview mo. Good luck bes! Alam kong kaya mo iyan, fightto!" pampalakas ng loob na sabi ni Clarie kay Georgie.



"Okay kung iyan ang gusto mo. Thank you bes! Sige pasok na ako ha." Paalam ni Georgie kay Clariz.

The Mascot | #KathNielReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon