Chapter 2

2 0 0
                                    

Pinagtaasan ko lang sya ng kilay.

"Yung kinekwento mo?" Tanong ko. Kunwari ay interesado.

Dali-dali namang umupo si Isabel sa tabi ko. Hindi mapakali sa inuupuan kaya natawa ako sa isipan.

"Oo! Nandyan sila! Kakakita ko lang, kasama ko si Desiree. Yung dalawang mag-asawang Ortega tyaka si Mikael, pati yung bunso pang babae, si Millicent. Hindi ko lang alam yung panganay, mukhang wala e."

Tumango ako at natameme. Wala naman akong masabi, hinihintay ko lang syang magkwento pa pero nagulat nalang ako ng hinggitin nya ako para samahan syang sumilay sa kras nya.

"Ayoko nga! May gagawin pa ako!" Pagtanggi ko habang pilit na tinatanggal ang paghawak nya sa braso ko.

Pinanliitan nya ako ng mga mata.

"Wala ka namang gagawin! Sus!" Inirapan pa ako!

Pero sa huli, hindi na rin nya naman ako napilit dahil may gagawin pa naman talaga ako, magpapasama nalang daw ulit sya kay Desiree.

Ang babaeng 'yon!

Ayoko namang mapagkamalan kaming nakiki-osyosyo sa mga Ortega lalo't kababalik lang nila. Kilalang pamilya pa naman iyon dito. Kumbaga, hindi basta-basta. Ewan ko nga kay Isabel kung saan nya nakuha ang tapang at lakas ng loob, nakakahiya kaya!

Senador pa naman yata ang tatay ni Victorio Ortega--ang tatay nang tinutukoy ni Isabel na Mikael. Nitong nakaraan ko lang din naman nalaman ang mga ito, dahil lang din kay Isabel.

Napaisip pa ako na baka kaya matapang si Isabel na sumilay ay dahil kaibigan ng pinsan nya iyong Mikael!

Napailing-iling nalang ako at pumasok nalang sa loob ng bahay para magtiklop ng natirang kakatanggal lang sa sinampay na mga damit.

Nitong sumunod na araw ay panay pa rin ang kwento ni Isabel tungkol kay Mikael na halos kahit hindi ko pa naman ito nakikita ay parang kilala ko na base sa mga kinekwento nya. Bukambibig kasi palagi! Minsan nga ay gusto ko nalang takpan ang tenga ko dahil wala yatang oras na hindi nya naisisingit iyong si Mikael sa mga kwento nya.

"Pupunta ulit kami ni Desiree mamaya. Sasama ka?" Aya pa nya sakin.

Tinapunan ko lang sya nang tingin. Nagkibit balikat nalang sya, hindi pa rin maitago ang kilig sa kabila ng pagtanggi ko.

"Ang gwapo talaga! Sinasabi ko talaga sayo, Gaya! Sobrang gwapo!" Ulit nya. Para bang matitinag ako.

Sinukbit ko ang bag ko. Sabay kaming lumabas ni Isabel ng gate pero magkaiba kami ng direksyon ng uwi, bukod kasi sa magkaiba talaga ang direksyon ng bahay namin, sa iba rin ang diretso nya ngayon.

Ang dalawa kong pang kaibigang si Kristen at Mia ang naghihintay sa akin sa tindahan na puno ng mga estudyante. Mas lalo pang sumikip dahil sa mga sasakyan sa gilid, ang iba ay naghihintay ng pasahero.

Nasa gitna ako nina Kristen at Mia pero sila lang dalawa ang naguusap, hindi kasi ako maka-sabay dahil hanggang dito ba naman, iyong mga Ortega pa rin naririnig ko.

Napabuntong hininga ako sa isip.

"Ang bilis nga kumalat ng balita hanggang sa kabilang baryo, kahit iyong malalayo na sa atin." Kwento ni Mia.

Gumilid pa kami dahil muntik na kaming matamaan ng ibang estudyanteng muntik ng mahulog dahil sa humarurot na sasakyan.

"Hinay-hinay lang naman, aba!" Rinig kong reklamo ng iba.

Dire-diretso kami nang lakad hanggang sa makalabas sa kumpol ng mga estudyante, animo'y araw-araw na hamon ng mundo sa amin, palagi kasing sinusubukan ang pasensya namin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crushing Into YouWhere stories live. Discover now