Chapter 1

6 0 0
                                    

Mukhang nagkamali yata ako sa paniniwalang okay lang maging mahirap basta masaya. Hindi ko naman kasi alam na ganitong kahirapan pala ang naghihintay sa akin nang mamulat ako sa reyalidad ng buhay.

Kung alam ko lang na ganito kahirap ang buhay, hinding-hindi ko na ito gugustuhin pa.

Naiinis na ako ngayon kapag nakakarinig ako na dapat maging masaya tayo sa kabila ng kahirapan; kailan pa naging masaya ang kahirapan ng buhay?

Sumpa iyang kahirapan, papatayin tayo, pisikal man o mental. Kaya hindi ako naniniwala na dapat maging masaya pa rin tayo sa kahirapan. Paano ko magawang maging masaya kung sa bawat tingin ko sa hapag, wala akong makitang pwedeng punan ang gutom ko ngayong hindi pa rin nakakauwi si mama galing sa paglalaba sa mga tita ko.

Napatingin ako sa orasan na nakakabit sa pader. Alas onse na pero wala pa rin si mama. Alam nya kayang hindi pa ako kumakain simula tanghalian?

Bumuntong hininga ako at ipinatong ang kabilang pisnge sa aking nakabaluktot na mga tuhod.

Nagtratrabaho si mama bilang labandera, minsan sa mga kapitbahay namin pero madalas ay sa mga kamaganak lang namin. Minsan din ay nagplaplantsa sya ng mga damit, o di kaya'y nagtitiklop, dagdag na rin sa kikitain.

Hindi ko nga alam kung matutuwa ako na pumapayag ang mga kamaganak ko na maging labandera nila si mama, pero sige, nagpapasalamat pa rin naman ako... kahit na naiisip ko minsan na masyadong mababa ang tingin nila kay mama, kahit alam ko namang marangal ang pagiging labandera, pero alam kong hindi lahat ay ganoon ang tingin sa kanila.

Nagliwanag ang mga mata ko ng marinig ko ang pagtunog ng pintuan, sumungaw ang mukha ni mama at napangiti nang dumiretso ang mga mata nya sa akin.Halata ang pagod sa mga mata nya, akala nya yata'y hindi ko mapapansin dahil malinis na naka-ipit ang buhok nya, hindi nakabagsak ang iilang hibla para mapatunayang pagod talaga sya sa maghapong paglalaba. 

Mabilisan akong tumayo. Nakapasok na sya nang tuluyan."Gutom na ba ang maganda kong Ligaya?" Malambing nyang tanong, halata ang pag-aalala at ang hindi maitagong pagod. 

Dumiretso sa kusina habang nakasunod ako sa likod nya. Sabik dahil magluluto si mama!Pagod na nga kakalaba, magluluto pa. Iyon ang munting boses na bumubulong sa akin, ngunit siguro'y dahil sa gutom, mabilis ko rin napalis sa isip ko.

Tumuntong ako ng highschool na hindi ako marunong magbasa, hindi ko nga rin alam kung paano nangyari iyon, pero siguro, ayaw nang mga gurong mai-stuck ako katulad ng iba pang mga estudyante na hindi na naka-usad pa sa elementary.

Hindi ko naman alam na kailangan pala matutong magbasa, hindi ko naman kasi inaalala iyon noon. Basta nag-aaral ako dahil iyon ang gusto ni mama, ayoko syang suwayin kahit wala naman akong interes sa pag-aaral. Ano namang kasing makukuha ko sa pag-aaral? E hindi naman ako kumikita roon, hindi naman iyon nakakatulong kay mama, dagdag gastusin lang din.

"Kapag nakapagtapos ka ng pag-aaral, paniguradong magkakakuha ka ng magandahang trabaho, hindi ka na mahihirapan. Tyaka, para sa iyo rin iyang ginagawa mo." Iyon ang pangaral nya sa akin, isang gabi na nagreklamo ako sa kanyang wala naman akong nakukuha sa pag-aaral.Inintindi ko nalang sya at sinunod.

Dahil siguro sa inggit at nahuhuli na rin ako sa mga kaklase kong marurunong nang magbasa nang tumuntong ako ng grade 8, sinubukan ko na rin matutong magbasa.

Sabay kaming nagbabasa ng kaibigan kong si Isabel tuwing wala pinapagawa sa amin ang mga guro namin.Kahit hindi namin alam kung tama ba naming nababasa iyong mga sinusubukan naming basahin, wala na kaming pakialam basta napapasadahan namin ng boses, nabibigkas namin kahit hindi sigurado kung tama.Basta sinubukan namin.

Minsan nga ay naiisip ko kung naririndi ba si mama sa boses ko, pero wala naman syang imik kapag malakas akong magbasa sa bahay, natutuwa pa nga yata sya, lalo na kapag magkasama kami ni Isabel magbasa. Minsan kasi ay bumibisita sya sa amin, minsan para makipaglaro, minsan para samahan akong magbasa.

Crushing Into YouWhere stories live. Discover now