Acre VIII - Fully aquatic creature (Sirenia)

4.9K 123 5
                                    

“Everything is possible. Open your mind and don’t make things much more complicated.”

View point of Magus

Nakaramdam ako ng kung anong malamig na dumampi sa aking balat.

Ano ba ang nangyari? Sa pagkakatanda ko ay nahulog ako sa bangin.

Nahulog sa bangin.

Nahigit ko ang aking hininga at dali-daling iminulat ang aking mga mata. Ginalaw galaw ko ang aking mga paa, baka may nagkulang sa aking katawa, nararamdaman ko pa naman pati ang aking mga daliri. Sunod kong pinakiramdaman ang aking kamay at mga daliri, chineck ang buong katawan kung may kulang. Wala namang nawawala so buhay pa ko?

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at nabuhay pa ako kahit pa nahulog na ako sa bangin.

Nasaan pala ako? Inikot ko ang aking paningin. Maliwanag ang paligid dahil sa mga diamond, kumpol-kumpol na nagkalat sa paligid, na nagbibigay ilaw. Malalaki ang mga ito na may sukat sigurong isang metro.

Jesus!

Hindi basta-basta ang halaga ng mga ito kung ibebenta! Sa structure pa lang ng paligid, at sa mga diamond na nagkalat, alam ko nang nasa loob ako ng kweba. Ngunit ang tanong, paano akong napunta dito?

Tumingin ako sa taas, baba, kaliwa at kanan ngunit wala akong makita dahilan kung paano ako napunta dito. Hindi naman pwedeng tinangay ng alon sapagkat malayo ako sa tubig.

“Tignan niyo, gising na siya.” Napalingon ako sa aking kanan dahil sa mahinhing boses na aking narinig ngunit walang tao, maging sa kaliwa ay wala rin. Sinunod ko ang likod, but nuh-uh.

Bumalik ang tingin ko sa dagat. Sa pagkakataong ito’y mapapatawag ako sa mga santo at santa! Mula sa naniningkit na mata ay lumaki bigla ang aking mata. Napalunok rin ako ng ilang beses dahil sa nilalang na aking nakikita.

Is that a mermaid? No scratch that a mermaid, mermaids I should say. A..ang dami nila! What should I do in times like this? Saan ako pupunta? Lalangoy? Hindi pwede! Aabutan nila ako dahil iyon ang forte nila!

“Hi!” Napaigtad ako nang may nagsalita sa gawing gilid ko, bumungad sa akin ngiti niya. Napaatras ako nang makita ko ang pangil sa kaniyang ngipin. May nakakaakit na mukha at nakahahalina silang boses, hindi ko pa rin maiwasan ang matakot. Mermaid sila! Guardian ng karagatan. Isa pa, hindi ako lumaki na araw-araw may nakikitang katulad nila. Sa totoo lang ay ito ang unang beses na nakakita ako. Sino ba naman ako para hindi masindak?

Daddy!

Paano ba ako makakaalis dito? Hindi nga ako namatay sa pagkakalunod ngunit ito namang mga magagandang  sirena na ito papatay sa akin sa takot.

Tatayo na sana ako ngunit nananakit pa rin ang aking katawan kaya hindi ako makatayo ng maayos. Kumabog ng malakas ang aking dibdib nang matanawan ko na nakalapit na sa akin ang isang sirena.

“Huwag ka munang gumalaw.” Sabi niya. Nagdatingan na rin ang mga kasama niya. Pinanood ko silang gumapang papunta sa pwesto ko.

Pigil hininga akong nanonood kung paano sila gumapang marating lang kung nasaan ako. Hindi naman siguro sila kagaya ng mga nasa movie, hindi ba? ‘Yong nangangain ng tao.

Pero teka? Nasan ba talaga ako? Paano akong napunta dito? Bakit parang nasa fairytale na ako? Matapos kong ma-encounter si Ayesha na isang Sorcerer, mga sirena naman ang makikita ko? Susme! Kung nananaginip ako, gusto ko nang magising.

“A..ah pano ako napadpad dito?” Kahit magagandang sirena ang nakapalibot sa akin ay natatakot pa rin ako. Isa lamang akong tao. Hindi pa ako maka-get over doon sa mga lalaking napapalibutan ng itim usok saka kay Ayesha na isang sorcerer pala, may nadagdag na naman. Magugunaw na ba ang mundo at kung anu-ano ang nakikita ko? Ito pa ang isang tanong, nasa Earth pa ba ako?

Acre 1: The Erroneous IdentityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon