“Attachment is scary. But avoiding to be attach with someone is scarier.”
View point of Magus
“Saglit lang!” Sigaw ko mula sa kusina. Kanina pa may kumakatok. Hindi siguro marinig ng dalawa dahil nakasara ang pinto ng kwarto namin. Taging ako lang ang naiwan dahil ako ang naka-assign ngayon sa paghuhugas ng pinggan.
Pagkatapos ko sa urungin ay pinunasan ko na ang aking kamay. Tinungo ko na rin ang pinto, baka magtampo sa amin ‘yon at kanina pa siya binubukulan nang kung sino man ang kumakatok.
Pagbukas ng pinto, sumalubong sa akin ang mukha ni Sting at ilang ulong nakasungaw mula sa kaniyang likod. “Bakit ba an—” hindi niya na naituloy ng kaniyang sinasabihin dahil pinakatitigan niya ako mula ulo hanggang paa. May nalalaman pang palunok-lunok.
Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya at sa mga nasa likod niya. Nang makasalubong ko ang tingin ni Prince Salver at Myhrr ay parehas na nakakunot ang noo nila. Si Gian ay takip ni Zeel ang mata habang si Czillex naman ay sa iba nakatingin habang namumula ang pisngi.
Bakit?
Bigla na lang akong dinamba ni Myhrr habang si Prince Salver naman ay humarang kay Sting na hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang tingin sa akin.
“Magbihis ka, Magus. ‘Yong matino, magtra-training tayo.” Seryosong utos sa akin ni Prince Salver. Alam kong siya ‘yon kahit nakatalikod siya sa akin.
Bakit naman ako pagpapalitin…. Eh! Nanlaki ang mata ko ng maalala kong hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Nakapantulog pa rin ako, to think na kulay puti ang pantulog ko at manipis pa!
“Waaaaah!” Napatakbo ako sa kwarto namin at pabalibag na isinara ang pinto.
Sabay na napabalikwas ng bangon ang dalawa. Naihagis ni Suzy paitaas ang librong binabasa habang si Alexa naman naitapon sa lapag ang kinakain.
“PROBLEMA MO?!” sabay rin na sabi nila na binigyan ako ng masamang tingin.
“Si... si.. Sa salas..” hindi ko matapos ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
“Sino? Sa salas?” Nagtatakang tanong ni Alexa.
“Oo, magbihis daw.”
“Teka nga! Umayos ka muna.” Utos sa akin ni Suzy. Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin. Susmarya! Patawarin niyo po ako sa aking nagawa. Sa susunod magpapalit muna ako ng damit bago pagbuksan ang kumakatok.
“Sila Myhrr.... nasa salas. Magtratraining daw tayo.” Nagkatinginan muna sila bago ibalik ang tingin sa akin. “Bakit?”
Tumaas ang kilay ni Suzy “Kaya ba sumigaw ka kasi nakita ka nilang ganiyan?” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at balik ulit sa ulo. Hindi ko siya sinagot.
“Magbihis kana, Magus. Mauuna na kami sa iyo.” Tumayo si Alexa at kumuha ng kapa, ganon din ang ginawa ni Suzy bago sila lumabas.
Nang lumabas sila ay nagpalit ako. Inabot ko ang aking kapa saka ito isinuot kaagad. Nagdadalawang isip pa ako kung lalabas pa o hindi na. Maiilang lang ako sa kanila, lalo na kay Sting. Tsk!
BINABASA MO ANG
Acre 1: The Erroneous Identity
Fantasy[Acre- UNDER MAJOR EDITING⚠️] Have you ever been in a situation that brought you to tears? Made you laugh? Made you smile? Made you broken into pieces? Have you ever been that even making decision is hard to do? Just imagine what it would be like to...