"Ali wake up!. My God Althea Astrid what time is it!."
natatarantang napa bangon ako ng higa sa sigaw ni Mommy.Agad kong inabot ang cellphone ko sa ibabaw ng bedside table at napa mulat talaga ang mga mata ko sa nakitang oras.
"I told you last night that you should sleep early but you're so stubborn."
Walang tigil sa sermon si mommy Hindi ko na siya pinansin pa at dali-daling pinasok ang bathroom para makaligo. Rinig na rinig ko pa rin ang sermon ni mommy sa labas pagkalipas ng ilang minuto narinig kong lumabas na siya. Nagmamadaling tinapos ko na agad ang pag ligo and after 20 minutes I'm done.
Pababa na ako ng hagdan ng marinig ko na parang my bisita ata sila mommy ngayon bakit hindi ko alam yun?. Tanga ka talaga Ali malamang late kana nagising...
Nasa huling baitang na ako ng hagdan ng makita ko kong sino ang bisita nila mommy napa tigil talaga ako sa lalaking nakikita kong masayang nagkukwentohan kila mommy at daddy.
"There you are sit here princess"
tawag sakin ni daddy ng makitang papalapit ako sa kanila, agad naman akong umupo sa tabi ni Kuya Luka. Ang malas ko naman magkaharap pa talaga kami ng ungas na ito tsshh!.."Oh, Ali! Hindi mo ba babatiin ng good morning si Nico?"
Striktong sabi ni mommy agad naman akong napa angat ng tingin sa harapan ko sabay bati ng good morning.Napangisi naman ang loko at nginitian ako ng malapad.
"Good morning too Astrid. Late ka ata?". Nang aasar ba siya? bwesit siya hindi na good ang morning ko kasi sinira niya.
Hindi na ako sumagot pa at mabilis na kinain ang pagkain ko para makaalis agad sa bwisita nila mommy.Napatayo na ako kahit hindi pa na ubos lahat ng pagkain ko sa plato paano ba naman kasi nakakailang ang mga sulyap ng loko. Nakakainis talaga siya bakit ba bumalik pa yan dito sa Pinas? akala ko ba for good na talaga sila sa Canada.
He's Koa Nicholas Carter, my ex-boyfriend. Yes, my ex who left me 3 years ago until now I was clueless about the reason why he left me. He's my brother bestfriend also.
"You're done?" tanong sakin ni daddy ng akmang tatayo na ako.
"Yes, Dad I'm already late for my class."
Hindi na nakasagot pa si daddy ng magsimula na naman si mommy ng sermon. Mabilis na akong lumabas ng bahay at hinanap si Mang Lito ang driver ko, Ewan ko ba kila mommy I have my Drivers license pero ayaw akong payagang mag drive.Agad akong nilapitan ni Mang Lito ng makitang naghihintay sa kaniya.
"Good morning po mam Ali, Mam pasensya na po nasiraan po ngayon tayo ng sasakyan papunta pa lang po yung mekaniko pasensya na po talaga mam"
Hindi na ako nakapag react pa sa sinabi ni Mang Lito ng marinig ko ang isang tikhim sa likod ko.
"Mang Lito ako na lang po ang maghahatid kay Astrid"
presinta ni Koa kay Mang Lito aangal pa sana ako nang sumagot agad si Mang Lito at tudo ngiti pa ito kay Koa na akala mo naman naka jackpot tsshh!."Ay maraming salamat po Sir Koa pasensya na talaga baka na abala
pa kita matatagalan pa kasi bago maayos ang sasakyan yung dalawang sasakyan kasi gagamitin nila Sir Anton at Mam Belinda mamaya at yung isa naman gagamitin din ni Sir Luka"Paliwanag ni Mang Lito. Bakit ba napaka malas ko Today first late na ako nagising second late na ako sa school third this nasiraan pa ng sasakyan. Hindi na ako nakapag paalam pa kay Mang Lito ng hatakin na ako palayo sa matanda ni Koa, agad niyang binuksan ang pinto sa passenger seat, Balak ko sanang sa likod nalang uupo pero na unahan na ako ng loko at pinagtulakan talagang makaupo lang ako katabi niya bwisit ka talaga Nicholas.
"Sit here I'm not your driver lady"
mapang asar na sabi nito at kitang kita ko talaga ang mga ngiti niya. Mas lalong nag init ang ulo ko sa mga ngiti niya dahil ang gwapo niya parin. Sh!t, kumalma ka self parang hindi ka niloko nito ha!. Bigla ko nalang natampal ang bibig ko when I heard him chuckle. Napalakas ata ang sabi ko."How are you?"
Seryosong tanong nito, napaigtad naman ako. sasagutin ko ba ang tanong niya? seryoso after 3 years yan agad ang tanong niya sakin?
"Good" walang ganang sagot ko dito hindi na sana ako nagpahatid pa sakaniya, I feel suffocated when i'm with him. I'm not ready to be with him again, until now I'm still hurt.
"I'm sorry for what happened to us."
malungkot na sabi nito hindi nalang ako sumagot pa at tinanaw nalang ang mga puno na nadadaanan namin hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko mabilis ko itong ipinahid. Brace yourself Ali nakaya mo nga noon ngayon pa ba?.After a long ride yes long ride talaga kahit 20 minutes away from home ang paaralan na pinapasukan ko dahil kasama ko siya feeling ko napakatagal nang biyahe namin. Mabilis na inalis ko ang seatbelt at agad na lumabas sa loob ng sasakyan niya agad naman siyang bumaba.
"Thank you for the ride".