Teaser (Part 3)

12 2 0
                                    

Limang buwan ang lumipas mula nung may pumuntang matanda sa bahay ng mag-asawang Jack at Juliet.

Sinabi ng matanda na matutulungan niyang magka-anak ang mag-asawa. Pinainom ng matanda si Juliet ng asul na tubig para sila'y magkaanak. Sa kagustuhan nilang magka-anak, ininom ito ni Juliet nang walang pagdududa. Matapos mahimatay ang mag-asawa, hindi na muling nagpakita ang matanda.

Ikinatuwa ng mga kababayan ng mag-asawa ang balitang nag-dadalang-tao si Juliet. Ang iba naman ay may pagtataka dahil alam nilang hindi nakakapagbuntis si Juliet.

Nasa maliit na paaralan ang mag-asawa para tumulong sa dekurasyon ng paaralan. Disyember na kasi kaya nag-de-decorate sila na ang tema ay pampasko.

Nagsasabit ng parol si Juliet sa mga binta at si Jack naman ay nagsasabit din ng mga parol sa kisame.

Masayang nag-de-dekorasyon ang mga taong naroon nang biglang sumigaw si Juliet.

"JAAAAAACK! ANG SAKIT!"
Nang marinig ito ng mga tao, pinuntahan agad nila si Juliet.

Naging maselan ang pagbubuntis ni Juliet. Lagi na lang siya giniginaw kahit init na init ang mga nasa paligid niya. Lagi ring sumasakit ang tyan ni Juliet.

Dahil sa pangyayari, umuwi na ang mag-asawa para hindi na mapagod si Juliet.

-

Nagliligpit ng pinagkainan si Jack at si Juliet naman ay nakaupo na at nananahi ng damit ng kanilang magiging anak.

"Jack, ano na kayang nangyari dun sa matandang nagbigay saten ng anak?"

"Wala akong alam, Juliet. Hindi na siya nagpakita sa'tin matapos ang gabing iyon"

"Natatakot lang ako sa sinabi niya, Jack. Sana walang masamang mangyari sa anak natin"

"Tulad ng sabi ko sa kaniya, po-protektahan ko ang anak naten."

"Ako rin naman. Gagawin ko ang lahat para sa anak natin. Kahit na nakakatakot siya, nagpapasalamat pa rin akong binigyan niya tayo ng anak"

"Basta't walang makakaalam nito, Juliet."

"Oo, Jack"

Natulog na ang mag-asawa pagkatapos nilang pag-usapan ang matanda.

Lalabas na siya. Mag-uumpisa na ang lahat. Ahihihihihi

Muling napanaginipan ng mag-asawa ang matanda.

-

"Jack! Jack! Gising! Masakit na talaga!" Sigaw ni Juliet sa asawa.

"Mamaya na, madilim pa, oh" sabi ni Jack ng nakapikit ang mga mata at antok pa.

"Jack! Umaga na! Manganganak na ata ako!" Sigaw ni Juliet at napabangon agad si Jack.

"Juliet, sandali lang. Wag ka munang manganganak. Tatawagin ko muna yung kamadrona. Sandali lang" sabi ni Jack at dali-daling lumabas ng bahay.

Sikat na ang araw at nagtatrabaho na ang mga tao sa labas.

"JAAAAAACK! BILISAN MO!" Sigaw ni Juliet. Hanggang labas ay rinig ito.

"Manganganak na ata si Julieta" yan ang bulung-bulungan ng mga tao.

Bumalik na si Jack kasama ang magpapaanak kay Juliet.

"Jusko. Limang buwan pa lang ang dinadala mo, bakit manganganak ka agad?" Pagtatakang tanong ng kamadronang si Aling Gina.

"Hindi ko po ALAAAAAM! masakit na POOOOO" sagot ni Juliet. Napapasigaw na siya sa sobrang sakit.

Isang oras lang tumagal ang panganganak ni Juliet. Ligtas na lumabas ang kanilang anak.

Ang kanilang mga kabit-bahay ay nasa labas lamang at nagdarasal.

Matapos manganak, nakatulog si Juliet pati ang bata.

"Isa itong milagro! Normal ang inyong anak kahit na limang buwan ka pa lang na buntis." Sabi ni Aling Gina.

"Baka naman hindi lang limang buwan? Baka hindi na'tin alam na nakakatatlong buwan na pala si Juliet nung malaman nating buntis siya." Sabi ni Jack.

Alam ng mag-asawa ang totoo. Isa talagang milagro ito. Baka kasi malaman ang kanilang sikreto kaya pinagtakpan nila ito.

"Baka nga. Pero hindi pa naman ako nagkakamali sa mga buntis. Imposible rin ito. O baka naman, Jack at Juliet!" Pagdududang tanong ni Aling Gina. "May matanda bang pumunta rito at pinainom kayo?" Tanong niya.

"A-a-a.. ano po iyon?" Pailang na tanong ni Jack.

"May sabi-sabi kasi dito saten na  may matandang babae na nakatira sa bundok na sakop ng kabilang baryo ang nagpapainom sa mga babae para mabuntis."

"Ano naman po ang masama dun?" Mahinang tanong ni Jack kay aling Gina.

"Iba't-iba kasi ang sumpang dala niya. Lahat ng ibinibigay niya, sumpa ang kapalit. Sabi-sabi rin na kaya mainit ang ating lugar na dati'y hindi naman, ay siya ang dahilan. Isinumpa niya ang ating bayan."

Napalunok na lang si Jack sa kaniyang nalaman. Hindi niya inaasahan ito. Wala siyang kaalam alam. Natatakot siya sa pwedeng mangyari sa kanilang anak.

"Ano po bang pwedeng gawin para mawala ang sumpa?" Tanong ni Jack habang hindi mapakali ang kamay.

"Wala. Hindi ko alam." Sagot ng matanda. "Kaya sana hindi siya ang nagbigay ng anak ninyo."

-

Alam na ng buong Pook Initan na may anak na ang kanilang pinuno. Isang batang babae. Pinangalanan nila itong Maulyn.

Ang ibang tao ay hindi pa rin matahimik sa milagrong nangyari sa mag-asawa. Himala at sila'y nagkaroon ng anak. Kaduda-duda din na limang buwan lang nagbuntis si Juliet.

Mau ang ginawang palayaw ni Maulyn. Si Mau ay mayroong itim at tuwid na buhok, maputing balat, malalaking mata, mala kulay roses na mga labi at pisngi.

Hindi iyakin si Mau. Palangiti ito sa mga tao at mukhang masiyahin.

Hindi pinagdadamot ng mag-asawa ang kanilang anak. Kung gustong kalungin ng kanilang kababayan si Mau ay pumapayag sila.


VOTE!
COMMENT!
God bless us :)

Winter 彡 ❄Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon