Vol.1 Chapter 2

429 24 4
                                    

Dumating si Haruko sa bahay ni Sakuragi para sundin ang utos ni Coach Anzai, Upang tuluyang makabalik sa paglalaro ng basketball si Sakuragi kaylangan nya munang magpahinga ng isang buwan

Sa Shohoku gym

Habang nagpapractice ang buong Team, wala si Rukawa, napag usapan ni Miyagi at Ayako si Sakuragi

Nakaupo sila sa bench

"Namumublema ako dahil wala tayong malakas na defensive player sa ilalim, buti na lang pumayag si Akagi na maglaro ulit" sabi ni Miyagi

"Oo nga, importante ang pagbabalik nya hindi tayo nanalo sa Interhigh pero sa Winter Tournament malaki ang chance natin, siguradong ngayon na babawi si Captain Akagi, Nakakatuwa din kasi sumusunod sya sa captain" sagot ni Ayako na nakangiti

Namula ang pisngi ni Miyagi, Kahit na bumalik si Akagi sa paglalaro ng basketball sa Shohoku, Si Miyagi parin ang Captain, Huling laro rin nman ito ni Akagi at Mitsui, Hindi sila nakunyebto

"Pero si Hanamichi, kahit na nakabalik na sya hindi sya pwedeng maglaro akala ko mabubuo ulit ang starting five ng shohoku" sabi ni Miyagi

"Kamusta na kaya ang gong gong na yun? Hindi nga pala alam ni Captain Akagi na pumupunta si Haruko sa bahay ng gong gong na yun" sagot ni Ayako

"Ano?" Sabi ni Miyagi

"Natural sa tingin moba papayag si Captain Akagi na pumunta ang kapatid nya sa bahay ni Sakuragi? Kahit na utos ni Coach Anzai pa yan siguradong hindi papayag si Captain Akagi baka kung anong gawin ng gong gong na yun kay Haruko, yan ang iisipin ni captain Akagi, Kaya sekreto lang ang pagpunta nya don" sagot ni Ayako

"Wala nman gagawin masama si Hanamichi kay Haruko" sagot ni Miyagi sabay tayo nya

"Ewan ko lang, tinaggap nman ni Haruko utos ni Caoch Anzai" sagot ni Ayako

"Papasok na ako, Ayako" sabi ni Miyagi

"Galingan mo sa practice, Captain Miyagi" ngiting sabi ni Ayako

Namula na lang ang pisngi ni Miyagi

Alam ng lahat na may gusto si Sakuragi kay Haruko, at dahil babae sya alam nila na hindi papayag si Akagi na pumunta ang kapatid sa bahay ng isang lalaki, kaya para magawa ni Haruko ang utos sa kanya ni Caoch Anzai sinabi nya sa buong Team na i-sekreto kay Akagi ang pagpunta nya sa bahay ni Sakuragi tuwing umaga

Sa gitna ng court

Habang naglalaro ng basketball si Akagi kaharap nya si Mitsui

"Masyado ka yatang ganado Akagi" sabi ni Mitsui

"Ganun ka rin nman diba Mitsui? Heto na ang huling laro natin, kaya kaylangan natin maging champion sa winter Tournament" sagot ni Akagi

Ngumiti si Mitsui

"Tama ka, Si Kogure anong balita sa kanya? Hindi ba sya babalik?" Tanong ni Mitsui

"Hindi ko alam" sagot ni Akagi

Lumingon lingon si Akagi sa paligid ng gym

"Nakita nyo ba si Haruko?" Tanong ni Akagi

"Guhhhhh" napangiwi sa takot ang lahat

Tumayo si Ayako

"Ahhh captain Akagi baka na late lang" sabi ni Ayako

"Na-late nauna pa syang umalis sa bahay tapos na-late" sabi ni Akagi

Nang biglang

"Nandito na ako" na kararating lang na si Haruko

"San ka galing?" Tanong ni Akagi

Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2Where stories live. Discover now