Vol.2 Chapter 52: Kulitang Haruko x Rukawa and Sakuragi x Inami

255 18 3
                                    

Pagkauwi ng Team Kanagawa sa tinutuluyan nila

Hapon bumagsak si Sakuragi sa higaan nya, ilang segundo palang ay

"Kraahhahhk kkrahhhkk" malakas na hilik ni Sakuragi

Sa tindi ng binantayan nya kanina, napagod talaga si Sakuragi

Maging ang mga naglaro kanina nakatulog din ka kani kanilang silid, hindi na sila instorbo, lalo na si Sakuragi hinayaan nilang magpahinga

4:30 ng hapon nang magising si Sakuragi

"Ahhhh ang sarap ng tulog ko, nagugutom na ako" sabi nya paglingon nya sa pinto nakita nya si

"Ahhhk Ina-chan?" Sabi nya

Nakaupo si Inami sa sahig nakasandal sa pinto ng kwarto nya nakapikit ang mga mata na parang tulog

"Anong ginagawa nya dito? Nakalimutan ko nga pala may usapan kami na magkikita kami, diko na lock ang pinto kaya nakapasok sya" sabi nya

Bumangon si Sakuragi at lumapit

"Hihihi cute parang batang tulog" sabi nya sa kanyang sarili na tamang bungingis

"Ano kaya kung mag drawing ako sa mukha nya hihihi mukhang masaya yun" sabi nya

Nang biglang

"Subukan mo lang, baka gusto mo nang mamatay" sabi ni Inami

Nagsitayuan ang mga balahibo ni Sakuragi

"Ahhhk gising ka pala, Sorry Ina-chann" sabi ni Sakuragi na takot na takot

Ngunit napansin ni Sakuragi na tila hindi nakikisabay sa mga pang aasar nya si Inami, inaasahan nya na susuntukin sya ngunit hindi yun nangyari tahimik lang ito na parang

"May problema kaba?" Tanong ni Sakuragi

"Sakuragi-kun, Ang totoo nyan kanina" sabi ni Inami

Sumandal din si Sakuragi sa pinto ng kwarto nya

"Sabihin mona sakin" sabi ni Sakuragi

"Hindi ko alam kung sasabihin koba ito o hindi, Nakita ko kanina si Jed at Airi nanonood sila kanina" sabi ni Inami

"Jed? Airi? Teka sila yung kinuwento mo sakin na unang batang studyante ng Lolo diba? At yung Airi kababata ni Kenzo na iniwan si Kenzo tama ba?" Tanong ni Sakuragi

"Oo, magkasama sila ano kayang ginawa nila dito sa Japan? Matapos silang umalis ng hindi nagpaalam kay Lolo, shaka paano kung malaman ni Kenzo na nandito sila? Kaylangan ko bang sabihin sa kanya? Hindi ako makapagdesisyon kaya anong dapat kung gawin?" Tanong ni Inami

"Hhmm sa tingin ko kailangan mong sabihin sa kanya, Kapag nalaman ni Kenzo na nilihim mo sa kanya nalalaman mo at nalaman pa nya sa iba baka magalit sya sayo" sagot ni Sakuragi

"Tama ka, pero paano kung bumalik sa dati si Kenzo?" Tanong ni Inami

"Bumalik sa dati? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Sakuragi

"Noong oras na umalis si Jed at Airi, nawalan ng pag asa si Kenzo, Galit na galit sya sa basketball dahil sumama si Airi kay Jed na isang magaling na basketball player, sa tulong namin ng Team Takashita, ni Mommy at ni Kuya Ichiro nakabangon si Kenzo, Nagsimula na sya sa training nya at ang naging inspiration nya para matuto ng basketball ay si Airi at Jed para sa paghihiganti nya, Gusto nyang matalo si Jed balang araw kapag nagkaharap sila" sabi ni Inami

"Ganun ba? Hindi nman babalik si Kenzo sa dati, Ikaw na nga nagsabi basketball ang pinagtuunan nya ng pansin para sa paghihiganti nya, Kahit na ilang buwan ko palang kilala si Kenzo, alam kong ang basketball ang dahilan kaya sya nabubuhay ngayon, Kung hindi mo kayang sabihin sa kanya, sasamahan kita para sabihin sa kanya" sagot ni Sakuragi

Suramu Danku: All District Tournament Arc Volume 1 And 2Where stories live. Discover now