Post Prelude:
Ginawa ko ang lahat para mapapalapit sa kanya. I even act as a stupid dumbass sa lahat para sa kanya kahit na alam kong napapahiya na ako at natatapakan na rin ang pride ko.
Nagpanggap akong wala na talagang pag-asa na makapasa sa exams at binagsak ko lahat ng grades ko sa First Quarter ng taon na iyon kahit alam ko ang lahat ng sagot sa mga tanong. Kahit alam ko sa sarili ko na sisiw lang ang mga tanong sa exams but still binagsak ko pa rin para sa kanya.
Kahit sabihan pa niya akong ang tanga-tanga ko at walang nang pag-asa na umangat sa buhay ay ayos lang sa akin. Nilunok ko basta mapansin niya lang ako.
I am considered as the Gifted and Smartest student in my previous school pero gumawa ako ng isang katangahan in the name of love.
I am Ella Rivero, At na-love at first sight ako sa isang Patrick Dela Rosa.
___________
"Nandyan na yung bobo!"rinig kong sigaw ng isa sa mga estudyante na nag-aaral sa Student's area.
"Doon ka nga Ella! Panira ka naman eh."pagtataboy sa akin nila Sharmaine at ng mga kaibigan niya.
Psh! Umiling na lang ako at pumunta na lang sa Garden tutal walang masyadong tao na pumupunta doon. Masyado kasing maraming malalagong puno at halaman na tinanim ng mga Biology Student sa College Department.
Isa pa ayaw ng mga feeling smart na wala naman sa kalingkingan ko ang talino sa mga last section which saan ako napapabilang.
Nagtataka siguro kayo ano? Kung bakit sinasabi kong matalino ako pero nasa last section? Hindi naman sa hambog. Nagsasabi lang ako ng totoo.
Ehem!
In my previous school, Kilala akong Campus Sweetheart, Famous top notcher sa lahat ng exams with a 299 IQ. Pero nagtataka talaga kayo? Kung bakit nasa last section ako pero matalino naman ako?
Simple lang.. Para malaman ko kung sino ang totoo kong kaibigan kahit hindi ako matalino. At dahil na rin sa pagpapansin ko sa isang Patrick Dela Rosa na katulad kong may 299 IQ din.
Bakit ako nagpapansin? Na-love at first sight ako sa kanya. I observe him at sa tingin ko ayaw niya sa mga babaeng nagpapansin sa kanya (yung masyadong obvious). Maraming babae ang nag-try na magpapansin sa kanya sa pamamagitan nang pag-aaral ng mabuti.
Siya lang naman kasi ang anak ng may-ari at the same time rank 1 sa lahat ng mga students dito sa Dela Rosa University. Maraming sumubok pero walang nanalo. Hindi sila napapansin ni Patrick.
Akala ko nga nung una hater siya ng mga babae kaya hindi niya pinapansin yung mga babaeng 'yun pero may kabarkada naman siyang babae sa Magic Elite (ang tawag sa barkada nila na consistent sa Top 10 rankings.), Sina Tammy Montenegro, Britney Munoz at Cassie Santos kaya hindi malabo na hater siya ng babae.
"Paging Miss Rivero at the Principal's Office. Paging Miss Rivero at the Principal's Office now."rinig kong boses ni Miss Urylle, Ang pager ng Dela Rosa University na parang sa mga Mall.
Ako naman ay hindi na tumuloy sa Garden at bumalik muli sa Main Building kung saan malapit ang Student's area.
Habang naglalakad ako sa hallway ay marami ang tumitingin sa akin at pinagbubulungan ako. Hindi ko sila pinansin, Pake ko ba sa kanila? Alam ba nila yung plano ko? Hindi naman kaya hinayaan ko sila.
Nature na kasi ng tao na mag-isip sa mga bagay-bagay tungkol sa isang tao na hindi naman nila alam kung ano ang totoong meron.
"Ayan na yung trouble maker."
"Balita ko bagsak na naman siya sa exam. Nakakaasar lang di ba?"
"Oo nga sobrang nakakaasar! Hinahatak niya ang grades natin!"
"Alam mo ba ang usapan na asar na asar si Patrick sa kanya? Ang bobo kasi."
Napangisi ako sa huling narinig ko. Asar na asar sa akin si Patrick? Seryoso? Gusto kong matawa!
Well.. Sinadya ko talagang ibagsak ang First Quarter exam ko kahit na sisiw lang talaga sa akin ang mga tanong sa exams. Kaya nga ang bilis kong natapos kasi alam ko na agad ang tamang sagot. Ang ginagawa ko minali ko yung sagot at ganoon din ang ginawa ko ngayong Second Quarter exam kaya siguro pinatawag na ko.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa Principal's Office ay sinigawan na agad ako ng Prince Epal namin.
"Miss Rivero! What is the meaning of this?!"tanong ni Prince Epal, Iyan ang tawag ko sa Principal namin dahil sobrang epal niya.
Lalo na nung unang beses kong binagsak yung apat na Summative exams namin para sa paghahanda ng First Quarter. Straight na nilagang itlong ang scores ko sa lahat ng subject at sobrang nainis sa akin si Prince Epal.
Hinatak ko raw yung grade ng mga Matalino, Masipag mag-aral at yung mga nagsisikap umangat ang grade. Note the sarcasm. Masyadong perfectionist hindi naman bagay sa kanya na maging perpekto.
Samantalang hindi lang naman ako ang hindi nag-aaral at bumagsak noon, May Delinquent students din naman dito sa University na bumabagsak sa exams.
"Sir hindi niyo po alam? Exam sheets po iyan."sagot ko at napasapo siya ng noo. Narinig kong natawa ang homeroom teacher ko sa gilid na naglilinis ng kuko.
"Tama! Miss Rivero, Ito ay isang exam sheets hindi ako tanga.. Pero bakit bagsak? Lahat ng exams mo this Second Quarter ay bagsak!"nanggagalaiting sabi ni Prince Epal sa akin. "Noong First Quarter ay ayos lang. Pinagbigyan ka ng Faculty staffs pero ngayong Second Quarter ay hindi namin ito-tolarate ang ganitong pangyayari, Miss Rivero. Habang si Patrick Dela Rosa ay hinihila ang ibang grades pataas ay ikaw naman ay hinihila mo pababa!"
"Woah! Edi meant to be pala kami?"pang-aasar ko kay Prince Epal na napabuga ng hangin sa inis sa akin.
"Miss Rivero let's be serious here please? Pangalan ng eskwelahan ang nakataya rito."namomroblema na ang panot na si Prince Epal habang nakahawak sa kanyang ulo? noo? what?
Huminga ako ng malalim at nag-inarte este umarte. "Pero Dear Prince-i-pal, Ginawa ko naman po ang lahat sa abot ng makakaya ko pero wala po talagang pumapasok na kahit katiting sa isip ko tuwing exams."
"Saka kung alam niyo lang po na hindi na po ako natutulog before exams para lang po mag-aral pero hindi ko po talagang magawang ipasa."pagdadrama ko, Bumuntong hininga pa si Prince Epal.
Sa loob-loob ko gustong-gusto ko nang humalagakpak sa tawa. Pwedeng-pwede na talaga akong tumayo sa Oscars, Emmys at Famas dahil dito sa galing ko sa pag-arte.
"I think we don't have any choice but to put you under a Tutorial Program, Miss Rivero. Sana ay maging maayos na ang Third Quarter exam mo next two months matapos nito. Hindi kasi kami makapaniwala na bumaba ang rankings ng Dela Rosa University sa National Stats na mula sa Top 2 ay ngayon ay nasa Top 10 na ngayon lang nangyari.
Ang akala namin ay matatalo na namin ang Greenbelt University dahil umalis ng bansa ang Top notcher nila pero this is such a Disappointed."sabi ni Prince Epal habang umiiling-iling na nagdadrama.
Nga pala did i forget to tell you guys na ang previous school ko ay sa Greenbelt University?
"Dear Prince-i-pal, Ipinapangako ko po sa inyo na gagawin ko po ang lahat sa abot ng aking makakaya!"pagdadrama ko.
"Sir Principal, Nandito na po ang tuitor ni Miss Rivero."sabi ng Secretary ng Faculty.
At doon pumasok ang nakabusangot na si Patrick Dela Rosa lalong lumukot ang mukha niya nang makita ako.
"Patrick pasensya na kung pinatawag kita, Nakakaabala ba ako sa study time mo?" =tanong ni Prince Epal kay Patrick.
Sa tindig at itsura ni Patrick mukha siyang karespe-respeto na kahit si Prince Epal na mas matanda sa kanya ay nirerespeto siya.. O dahil sa anak siya ng may-ari kaya sumisipsip?
"Opo, Nakakaabala po kayo."straight forward na sagot ni Patrick.
"Pasensya na talaga Patrick pero pwede mo bang i-tutor si Miss Rivero?"tanong ni Prince Epal kay Patrick at ngumisi ako sa likod ng isipan ko.
Ngayon alam niyo na kung bakit ko binagsak ang mga exams ko, Hindi lang isa kung hindi dalawang beses.
Iyon ay ang conclusion ko na kapag hinila ko ang grades ay may possibilty na ipapa-tutor nila ako kay Patrick for almost two months at sa tingin ko ay sapat na sapat na ang two months para mapalapit sa kanya.
Ito ang tinatawag kong Reverse plan. Based kasi sa mga observations ko, Hindi napapansin ni Patrick ang mga nag-aaral ng mabuti para lang magpapansin sa kanya. Pero yung mga humahatak ng grades?
Napapansin niya.. Iyon nga lang asar siya. Tulad ngayon, Asar na asar siya sa akin.
"What? Seryoso? She's a- Argh!"asar na react ni Patrick. "She's stupid! Will she learn?"
Napalunok ako ng laway ko. Kahit na pumintig ang tenga ko at nasaktan ako sa sinabi niya hindi ko na lang pinansin. Nilabas ko na lang sa kabilang tenga ang narinig ko.
Alam kong masakit magsalita si Patrick, Normal lang sa kanya 'yan.
"Exactly Patrick! For the Ranking please?"paki-usap ni Prince Epal kay Patrick at bumuntong hininga si Patrick sabay tingin sa akin.
Umiling siya sabay sabi nang.. "Sure."
Tumalon ang puso ko nang marinig ko 'yun. Patrick Dela Rosa, Mahuhulog ka sa akin sa loob ng dalawang buwan. Itaga mo sa kokote mo 'yan.
"Ano pang inaantay mo diyaan? Let's start today. Bilis! Time is Gold."sabi ni Patrick at tinalikuran na kami para umalis sa Office ni Prince Epal.
Ako naman sumunod na sa kanya and to make everything realistic, I act. The clumsy one.
"Sorry."sabi ko matapos kong mabangga este banggain ang likuran niya.
Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad. Napangisi ako, As i started to remember my first day in Dela Rosa University. Doon ako nagkaroon ng interes sa kanya after ng banggan naming dalawa..
=======
Naglalakad ako papasok sa Main Building ng Dela Rosa University para mag-inquire habang dala-dala ko yung Frappe na binili ko kanina sa Coffee Shop diyaan sa labas ng University.
Napatigil ako ng makita ko ang Map ng Dela Rosa University kaya naman tinitigan ko iyon para malaman ko kung ano ang maaari kong daanan at magpasikot-sikot kung sakali para hindi na ako maligaw dito sa University.
Matapos kong titigan at malaman ang mga Buildings at mga rooms ay umalis na agad ako. Kaya lang hindi sinasadya na may natapunan ako ng Frappe na dala ko dahil hindi ko siya nakitang nandoon sa gilid ko.
"Ano ba? Bulag ka ba?"sabi niya sabay tingin sa damit niyang natapunan ko ng Frappe. Napa-rolyo ako ng mata ko, Mukhang unang araw ko palang dito sa DRU may makakaaway na agad ako.
"Kung bulag ako bakit nakikita kita?"tanong ko sa kanya at ngumisi siya, Napataas naman ang kilay ko.
"Psh! I don't have time to a person like you. If i know nagpapapansin ka lang."sabi niya tapos nilampasan ako habang pinapagpag ang kamay niya.
Napanganga ako sa sinabi niya sa akin kaya naman sa sobrang asar ko sa kanya kinuha ko ang atensyon niya.
"Nagpapansin?!"sigaw ko.
At iyon nga nakuha ang atensyon niya maging ng lahat matapos niya akong lingunin. Nilapitan ko siya at binuksan ko yung lid ng Frappe saka ko itinapon sa kanya 'yun. Ice Coffee shower ang kinalabasan niya.
"Ayan nagpapansin na nga ako, Nang matigilan ka na."matapos kong sabihin iyon ay umalis na ako sa harapan niya.
Umalis ako sa harapan niya na may ngising panalo.
=======
Matapos nang pangyayaring iyon ay nagkaroon ako ng interes sa kanya lalo na nang malaman kong siya pala ang Rank 1 sa lahat ng students sa Dela Rosa University at siya rin ang anak ng may-ari kaya pala ganoon kung maka-asta.
Halos seventy-five percent ng mga babae sa Dela Rosa University ay nagpapapansin pala sa kanya kaya ganoon din siya maka-asta.
I started observing him nung nalaman ko na lahat ng babae sa DRU ay nagsisikap mag-aral ng mabuti ay para magpapansin sa kanya. Kung magpapapansin ako sa kanya sa pamamagitan ng pagpapakitang gilas ko tulad ng nakagawian ay hindi niya ko papansinin kaya gumamit ako ng Reverse Plan at iyon ay ang hatakin ang grades niya.
Balita ko rin na after high school ay sa States na siya mag-aaral ng College kaya kailangan kong subukan ang plano ko at ngayon nga ay gumagana na.
"Ano ba? Di ka ba nakikinig sa akin? Na saan na ang utak mo?"sigaw ni Patrick sa akin dahil hindi ko pinapakinggan ang sinasabi niya.
Ngumisi ako saka ko sinagot ang tanong niya."Nasa Venus, May coffee break." sagot ko.
Napabuga siya ng hangin sa sobrang asar sa akin. Nakangiti lang ako sa kanya. Studies show that the more you hate a person, The more you remember everything about them. Eventually fifty percent falls in love to that certain hate person, Lalo na kung Opposite sex.
"Ang tino mo namang kausap."iiling-iling niyang sabi. "Once ko lang sasabihin ito kaya makinig kang mabuti or else i won't tutor you."tumango ako at umayos ng tayo. "Kailangang every after class mo pumunta ka sa Special Room ng Magic Elite, Doon kita tuturuan. Get it?"
"Okay."sagot ko at mauuna na sana akong maglakad sa kanya..
"Teka.."at hinawakan niya ang pulsuhan ko. Napalingon ako sa kanya.
"Anong kailangan mo?"tanong ko at tinitigan niya lang ako kaya naman napakunot ang noo ko.
"Wala sige na umalis ka na."sabi niya at binitawan ang pulsuhan ko. Nagkibit balikat na lang ako saka umalis sa harapan niya.
*******
Rivero's Residence
"Anak ano ba talaga ang trip mo? Akala ko pa naman tulad sa Greenbelt University ay ikaw ang magiging Top Notcher.. Eh bakit sa Dela Rosa University ay bagsak ka? Ikaw pa raw ang humihila ng grades sa lahat ng students? Ella ano ba ang nangyayari sa'yo?"tanong ni mama sa akin.
Gusto kong matawa ng sobrang lakas.
"Mama, Hayaan niyo na po ako saka wala na akong pake sa Top na 'yan. Pero tataasan ko si Patrick Dela Rosa nang makuntento kayo."sagot ko kay mama.
"Anak eh hindi ba sinabi sa akin gusto mo siya? Bakit ganyan ka?"tanong ulit ni mama.
Alam ni mama lahat ng mga bagay tungkol sa akin dahil Open ako sa kanya. Mas nagkakaintindihan ang Parent and Children kapag open ang anak sa magulang.
"He's the reason why i failed my first quarter and second quarter exams, Ma."sabi ko at nanlaki ang mga mata ni mama.
"Anak that was a stupid idea!"
"No ma, It wasn't. Kasi kung hindi 'yun binagsak hindi nila kukunin si Patrick as my Tutor. Kaya mama simula sa araw na ito ay lagi akong male-late umuwi dahil sa Tutor Session namin ni Patrick. Your daughter is Brilliant! Am i?"fishing for compliments kong sabi kay mama at umiling na lang siya sa akin.
"Bahala ka anak basta wag kang magpapabuntis agad."sabi ni mama kaya naman nanlaki ang mata ko at muntik ko nang mahampas ang mesa sa narinig ko.
"Agad-agad ma? Hindi pa nga kami."sabi ko at tumaas ang kilay ni mama saka umalis.
Natawa na lang ako at uminom ng juice dito sa kusina. Naalala ko na may assignment pala kami pero hindi ko na lang gagawin.
Bukod sa tinatamad ako ay may plano kong ginagawa.
"Ella! Na saan ka?"rinig kong tawag ni Camille sa akin kaya naman sumigaw ako.
"Nandito sa Dinning naka-upo sa bangko."sigaw ko at agad naman siyang pumunta dito sa Dinning area at umupo sa harapan ko.
"Patambay muna."sabi niya.
"Buti nakalabas ka? Na saan si Lola Paula?"tanong ko sa kanya at ngumiwi siya.
"Ayun kasama si Whitney at April, Bumwisita kasi si Boom at Rocky."
"Hindi pumunta sa inyo si JB? Sabi niya pupunta siya sa inyo."
"Pagsabihan mo nga 'yang kapatid mo! Porket member na siya ng Basketball team ng GU at MVP na hindi na namamansin."
Nalungkot naman ako para sa kaibigan ko. Gago talaga 'yung kapatid ko. Kung sasaktan niya lang si Camille edi sana hindi na niya niligawan, Gago talaga.
"Nga pala naalala mo? May nakalaban ka sa Dela Rosa University noon."napakunot ang noo ko sa sinabi ni Camille.
"Ha?"
"Nakalimutan mo? Nung third year tayo may nakalaban ka sa National Quiz Bee na taga-Dela Rosa University."sabi niya at napatango na lang ako.
"Ahh, Oo."sagot ko kahit na wala akong maalala na may nakalaban akong taga-DRU noong National Quiz Bee.
Wala naman kasi akong pake sa mga kalaban ko noon, Ang importante lang sa akin ay matalo ko silang lahat. Kaya naman kinabahan agad ako.. Paano kung may makakilala pala sa akin sa DRU? Edi nasira ang mga plano ko.
Kinabukasan, Habang naglalakad ako sa hallway ng Dela Rosa University ay sinalubong ako ng grupo nila Sharmaine.
"Narinig namin na Tutor mo raw si Patrick?"tanong niya kaya naman tumango ako at sinagot siya ng Oo.
Subukan mo lang magpakita ng motibo sa kanya, Makikita mo humanda ka sa amin."sabi niya at tinaasan ako ng kilay.
"Okay sabi mo eh, Gorilla."sabi ko pero bulong lang yung huli.
"Anong sinabi mo?!"sabi naman ni Carol na sa tingin ko matalas ang pandinig. Wow! Pinaglihi siya sa Paniki!
"Ang sabi ko okay, Bingi lang?"pambabara ko at nilingon ako ni Sharmaine at tinulak.
"Lumalaban ka na? Ha!"sabi ni Sharmaine at akmang sasampalin ako nang sumigaw si Patrick.
"Ano ba Rivero? Kanina pa ko hanap ng hanap sa'yo. Late ka na sa Tutorial Session natin. Bilisan mo, My time is Gold."sigaw ni Patrick kaya naman ngumisi ako at umalis sa harapan nila Sharmaine at ng mga kaibigan niya.
"Time is Gold? Iyan lang ba ang alam mong kasabihan?"tanong ko sa kanya at halatang nabwisit siya sa sinabi ko kasi kinaladkad na ko.
Dahil sa pangangaladkad niya ay hindi ko nakita yung paso na nandoon sa gilid kaya naman nadapa ako doon. Napahawaka ko sa likuran ni Patrick at natulak siya. Since hawak niya ang kamay ko dahil sa kinakaladkad niya ako ay bumagsak ako sa kanya.
Nanlaki ang mata ko, I didn't expect this.. This is unplanned!
"Ayos ka lang? Ang clumsy mo talaga alam mo 'yun?"sabi niya habang nakapatong ako sa kanya. Napatitig ako sa mata niya at napansin kong kumislap iyon kaya naman agad akong tumayo.
"H-Ha? Oo okay lang.. Sorry."mabilis kong sabi at pinagpagan ang sarili ko.
"Ang kapal ng mukha mong Ella ka! How dare you?!"sigaw ng nanggagalaiting si Sharmaine na papalapit sa akin at akmang sasampalin ako kaya lang..
"Shit!"bulalas ni Patrick matapos dumapo sa pisngi niya ang kamay ni Sharmaine.
Saktong pagkatayo kasi ni Patrick ay nasambot ng mukha niya ang kamay ni Sharmaine na dapat sa akin tatama. Kaya ayan, Siya ang nasampal.
"Patrick! Oh my gosh i am sorry! Bakit ka kasi humar-"di pa natatapos ang sinasabi ni Sharmaine ng hatakin na ko ni Patrick.
Habang hinahatak niya ko ay sunod-sunod ang pangangaral niya sa akin.
"Sa susunod kasi kapag sinabi ko sa'yo na pumunta ka sa ganoong oras pumunta ka. Kaya ka napapahamak at pati ako nadadamay sa kamalasan mo."litanya niya habang kinakaladkad ako papunta sa Special Room na nakalaan lamang sa Magic Elite.
Pagkadating namin sa Special Room ay natigilan sila sa mga ginagawa nila, Lalo na nang makita nila kami ni Patrick.
"Siya yung tuturuan mo Pat?"tanong ni Tammy habang nakatingin sa akin at tumango naman si Patrick habang hinahatak ako papasok pa sa loob.
"Kung siya ang tuturuan mo ano relasyon niyo? Bakit magkahawak kayo ng kamay?"tanong ni Cassie kaya naman agad na binitawan ni Patrick ang kamay ko.
"Wala, Na saan na yung textbooks mo?"tanong ni Patrick kaya naman umupo na ako sa upuan doon at nilabas ang textbooks ko na hindi ko naman sinasagutan pero binabasa ko.
Habang nilalabas ko yung mga textbooks ko narinig ko na nagsalita si Jao. "Parang familiar ka.."
Nanlaki ang mata ko! Shit don't tell me.. "A-Ako?"
Narinig ko ang pag-hiss ni Patrick kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Nandito ka para sa Tutor session hindi para makipagkwentuhan sa kanila kaya naman makinig kang mabuti sa akin blahblahblahblahblah.."litanya niya na hindi ko naman pinakinggan.
Dakdak lang ng dakdak si Patrick sa gilid ko habang nakatingin sa notebooks at textbooks ko habang ako naman ay napapahikab na lang sa antok habang nagtuturo siya.. Heck! Alam ko na yung tinuturo niya.
"Nakikinig ka ba?"inis na tanong niya kaya naman nagising ang diwa ko.
"Ha?"
"Ang sabi ko ano yung X dito."sabi niya at tinuro pa yung "X" sa notebook ko.
'Yun lang pala. "Edi Alphabet."sagot ko at nagtawanan ang mga kaibigan niya.
"Ano ba 'yan? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi kong solutions? Ang sabi ko ano ang ibig sabihin ng X dito."asar na asar na tanong sa akin ni Patrick kaya naman napa-palakpak ako!
"Ah! Hindi ba yung "X" na 'yan yung dating kasintahan ni "Z" na mahilig itanong kung "Y", Hindi ba?"sabi ko at napahinga ng malalim si Patrick at tinignan ako ng masama.
Aww! So cute! Ang sarap niyang ibulsa!
"Naku Patrick! Mukhang ma-ii-stress ka kay Ella."panloloko ni Nico habang nagbabasa ng magazine at nakabukangkang sa Couch.
"Ella pwede bang magseryoso ka ngayon? Ako nahihirapan sa'yo! Daig ka pa ng bata sa kabobohan mo."sabi niya at natahimik naman ako.
"Ano ba 'yun?"tanong ko.
"Okay, Ano ang "X" sa 5x+7<27 or -3x£28 ?"tanong niya.
"Ha?!"react ko dahil sa tinanong niya.
Pucha! Ang dali lang niyaan eh, Basic Variables in Algebra.. Pero akala ko Trigo ang itatanong niya sa akin or Logrithm. Expected ko na mahirap pero walang halong yabang at biro kahit tulog masasagutan ko 'yan.
"Pwedeng gumamit ng Calculator?"biglang lumabas sa bibig ko, Ewan ko pero may sariling pag-iisip yung bibig ko.
"Sure."sabi niya tapos may inabot naman sa akin si Cassie na Calculator at nagpasalamat naman ako.
Habang nag-sasagot ako eh may naririnig ako. Kahit na alam ko na eh tinatagalan ko lang siyempre kasama yun sa acting.
"Familiar talaga siya di ba?"rinig kong sabi ni Jao.
"Parang.. Pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita, Saan kaya 'yun?"sabi naman ni Tammy.
"Sa Greenbelt Universy ata?"sabi ni Cassie.
Natigilan ako saglit nung narinig ko 'yun. Nilagay ko yung ibabaw ng ballpen sa bibig ko na kunwari nag-iisip pero sa totoo lang nakikinig ako sa kanila. Wrong Move Ella, Wrong move and you're DONE!
"Malamang doon siya galing di ba? Baka nakita natin siya noon doon."sabi ni Whitney kaya medyo nakahinga ako ng maluwag kaya minali ko yung sagot ko.
"Sakit naman sa Ulo niyaan, Ayan na."sabi ko tapos inabot ko kay Patrick yung Papel.
And the Correct Answer is..
"Ella nagbibiro ka ba? Kahit 1st year kayang itama ang sagot dito eh."sabi ni Patrick kaya naman nilukot ko ang mukha ko.
"Ha? Mali ba? Ano?"
Napahampas si Patrick sa table. Napa-flinched ako habang natigilan naman sa kanya-kanya nilang ginagawa ang mga kaibigan niya.
"Anong Mali? Maling-mali Ella! Ang tamang sagot dito ay x<4 or x³-6 hindi x=6 or x>2! Yung totoo? Paano ka nakapasa ng fourth year kung simpleng ito lang hindi mo nasagot ng tama? Ang tanga-tanga mo alam mo ba 'yun? Wala kang pag-asang umangat sa buhay kung ganyan ka ng ganyan!"sigaw ni Patrick sa mukha ko. "Tumigil ka na sa pag-aaral sinasayang mo lang ang pera ng magulang mo."
Napatayo ako. Hindi ko kasi inaasahan na sasabihin niya 'yun. Oo alam kong hindi totoo lahat ng pinapakita ko pero yung sinabi niya, Hindi natanggap ng ego ko 'yun. Nasaktan ako sa sinabi niya kaya naman umalis ako sa harapan niya at napaiyak.
Oo ginusto ko 'to kaya wala ako dapat karapatan mag-inarte pero tao rin ako. Nasasaktan din ako kahit pa matalino ako.
"E-Ella.."tawag sa akin ni Patrick kaya naman hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Tinatawag niya ang pangalan ko ng paulit-ulit gusto kong lumingon pero ayaw ng Pride ko. Masyado nang natapakan ang Pride ko para sa kanya, Mukhang ayaw niyang magpatalo kay Patrick this time.
"Ella please.."sabi ni Patrick at hinawakan ako sa braso at hinatak kaya naman umiwas na lang ako ng tingin. "Ella i'm sorry."
Inangat niya ang kamay niya, Kitang-kita ko sa gilid ng mata ko na inangat niya ang kamay niya papunta sa direksyon ng mukha ko.
Anong gagawin niya?
"Ella i am sorry, Sorry kung napagsalitaan kita ng ganoon. Sorry kung nasaktan kita, I am sorry."sabi niya kaya naman napakunot ako ng noo at tinignan siya.
He keeps saying "sorry" yung totoo? Patrick Dela Rosa? For the first time since my observation to him, Ngayon ko lang narinig sa kanya ang salitang "sorry".
"Sorry na please?"sabi niya at naramdaman ko yung palad niya sa pisngi ko na pinahiran ang luha ko.
Shit! Bumagsak agad ang white flag ni Pride! Sumuko siya agad kay Patrick dahil lang sa ginawa ni Patrick.
Napalunok ako at tumango.
"Pwede ba na seryosohin mo naman ako?"ewan ko pero parang double meaning yung sinabi niya o sadyang nag-a-assume lang ako? Whatever! Kinikilig pa rin ako.
Tumango ako at ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko't hinatak ako papunta sa Special Room. Nagpahatak na lang ako.
Pagdating namin doon wala na ang mga kaibigan ni Patrick. May kinuha si Patrick sa bag niya at inabot sa akin.
"Ito ang i-review mo. Siguraduhin mo na makakabisado mo ang notes diyaan, Medyo mahirap pero madali lang 'yan."sabi niya at may tinuro siyang mga lines. "Ayan, Nilagyan ko ng higlights at pointers yung mga importante diyaan sa notes. Gawin mo yung assignment mo at mag-take ka rin ng notes everytime para maintindihan mo yung lesson."paliwanag niya habang ako naman tumatango lang at nakatitig sa kanya habang nagpapaliwanag.
Sumasagi sa isip ko kung kailan ginawa ni Patrick 'to at bakit parang effort na effort ang notes na 'to? Yung parang pinagpuyatan? Hindi ko na lang pinansin at nag-focus ako sa mga sasabihin ni Patrick.
"Naglagay din ako ng guides diyaan para hindi ka mahirapan, Ngayon lang 'to pero sa susunod ikaw na mag-research niyaan."sabi niya kaya naman tumango na lang ulit ako habang tinitignan yung ginawa niya.
"Okay!"sabi niya at bumuga ng hangin. "Dismiss muna tayo at ililibre kita ng Ice cream.. Peace Offering."
Hindi pa nga ako nakakapagsalita ay hinatak na niya ako agad sa Gelato shop na malapit sa DRU. Napatingin ako sa kamay namin na hawak niya habang hinahatak ako, Hindi ko maiwasan na mapangiti.
Ibang-iba ang mga galaw ni Patrick ngayon. Anong ginagawa niya? Hindi naman siya ganito based sa mga observation ko sa kanya.
Pagpasok namin sa loob ng Gelato shop ay humanap muna kami ng mauupuan bago umalis si Patrick para pumila sa counter.
Napatingin ako sa paligid at nakita ko yung mga ilan sa taga-sunod ko sa Greenbelt University.. Nanlaki ang mata ko at agad na tinago ang mukha ko. Shit lang! Mukhang masisira na nga ang plano ko dahil sa mga 'to, Pinagdadasal ko na lang na hindi nila ko makita.
"Hey! Si Ella Rivero ba 'yun?"napakagat ako ng labi ko.
"Ha? saan?"
"Ayun oh."
"Ella Rivero? You mean yung Former Queen natin? Na saan?"sabi pa ng isa, Lalo akong nagtago.
"Ayun nga!"
"OMG! Siya nga! Teka uniform 'yun ng Dela Rosa di ba?"
"Oo nga! Bakit siya lumipat? Sikat pa naman siya sa GU."
"Tara lapitan natin siya at tanungin."
Nanlaki ang mata ko lalo na umupo na sa harapan ko si Patrick dala-dala yung Gelato namin.
"Ella, Yung ice cream mo."sabi niya at nilapag sa harapan ko yung Gelato ko at siya naman kinain na yung kanya.
Nakangiti lang siya sa akin kaya naman ngumiti ako ng pilit. Kinakabahan kasi ako eh lalo na at papalapit na sila.
"P-Patrick ano.. Pwede bang sa park na lang natin kainin 'to?"sabi ko at napatingin ako sa papalapit na mga babae.
"Ha? Ayaw mo ba dito? Dito na lang tayo saka paano kapag nabitin ka sa ice cream?"sabi niya at sumubo ng ice cream, Napakagat ako ng labi ko.
"Ano kasi Patrick yung tungkol sa an-"
"Uh Hello po, Ikaw ba si Ella Rivero? Yung Former Queen sa Greenbelt University?"shit!
"H-Ha?"nanlaki ang mata ko at si Patrick naman ay natigilan sa pagkain niya't napatingin sa akin.
Napalunok ako ng laway ko. Wala na! Sira na ang plano ko! Shit lang ang sarap bugbugin ng mga babaeng 'to!
"OMG girl! Siya nga si Queen Ella! Ang swerte natin mas maganda pa siya sa Queen ngayon!"sigaw nung babae tapos nagtilian sila. Nakatingin lang ako kay Patrick na halatang naguguluhan pero mukhang may hint na siya.. Patay na talaga.
"Ay alam na namin kung bakit ka lumipat, May Boyfriend ka pala Miss Ella OMG! OMG! Bakit ba ang swerte natin ngayong araw?"
"Oo nga eh, Biruin mo si Miss Ella Rivero ang Former Queen sa school natin ang nandito sa harapan natin? We are so lucky!"
"Sinabi mo pa! Bukod sa Maganda na, Mayaman, Popular at Oh my God! ..."
"Matalino!"sabay na sigaw nila kaya naman feeling ko para akong binaril ng sampung beses.
Bukong-buko na ko, Hindi ko maalis ang tingin ko kay Patrick na inis na inis at nagtatagis ang bagang.
"P-Pat-"natigilan ako kasi tumayo na siya at umalis sa Gelato Shop.
Shit lang! Wala pa ngang One Month, Tinignan ko ng masama yung mga babae bago ko sila iniwanan at sinundan si Patrick.
Nakita ko agad ang likod ni Patrick kaya naman hinabol ko siya. Good thing i am a runner sa previous school ko kaya naabutan ko siya, Agad kong hinawakan ang braso niya.
"Patrick let me explain, Patrick."sabi ko sa kanya tapos ang sama ng tingin niya sa akin at ngumisi siya.
Isang ngisi na halatang galit siya, Lalo kong nakumpirma na galit siya nang tinanggal niya ang kamay ko sa braso niya.
"Explain? Hindi na kailangan saka isa pa hindi na kita tuturuan tutal matalino ka naman pala."sabi niya at pinagdiinan pa ang word na "matalino" bago siya umalis.
Pero hindi ko siya hinayaan. Malayo na ang narating ko para lang sumuko agad. Hinarangan ko ang daraanan niya.
I spread my arms widely para hindi siya makadaan.
"Pwede ba Ella? Kung wala kang magawa sa buhay mo wag ako ang pag-tripan mo!"inis na sabi niya pero sinigawan ko siya.
"Pwede rin ba? Let me explain first you damn bastard!"sigaw ko sa kanya at natigilan siya.
"Naaalala mo pa ko? Hindi ba ako yung nagbuhos sa'yo ng frappe nung First day ko sa Dela Rosa University? Natatandaan mo pa?"tanong ko sa kanya at dahan-dahan siyang tumango habang nakatitig sa akin.
"You interest me a lot. I observed you and i noticed na hindi mo pinapansin yung mga babae na nagpapapansin sa iyo na nagpapataasan ng grades para lang mapansin mo. Naisip ko na if i did the same hindi mo rin ako mapapansin tulad nila. Naisip ko na if hahatakin ko ang grades mo mapapansin mo kaya ako?
Sinubukan ko. Binagsak ko ang exams ko at nalaman ko na asar na asar ka sa akin. Natuwa ako kasi napansin mo ko kahit na asar yung nararamdaman mo sa akin, Masaya ako. Until this opportunity came, Itong tutor session na 'to.
I want to be close with you kasi damn.."sabi ko sa kanya at napayuko. Nangangawit na ang braso ko pero kaya ko pa.
"Anong ibig mong sabihin?"tanong niya sa akin, Napa-angat ako ng tingin.
"Akala ko ba matalino ka? Bakit hindi mo agad nakuha yung sinabi ko sa'yo?"sabi ko sa kanya at akmang aalis siya kaya naman sinalubong ko siya ng yakap.
Pinulupot ko ang nangangawit kong braso sa bewang niya. Natigilan siya sa ginawa ko.
"Oo matalino ako pero pagdating sa iyo hindi ko alam kung paano ko maipapaliwanag.. Damn Patrick!"sabi ko sa kanya at inangat ko ang mukha ko't hinawakan siya sa kwelyo niya.
Nakatingin lang din siya sa akin at napahinga ako ng malalim bago ko ibinaba ang ulo niya, Para mapalapit sa mukha ko saka ko pinaglapat ang labi namin.
Naramdaman ko ang braso niya na pumulupot din sa likuran ko habang magkalapat ang labi naming dalawa.
"I am sorry Patrick for pretending, Wala akong maisip na paraan para mapalapit sa'yo.."bulong ko sa kanya at binitawan ko ang kwelyo niya.
"Hindi ko naman intensyon na lokohin ka, Patrick."sabi ko at ibababa ko na sana ang kamay ko sa bewang niya para talikuran siya nang yinakap niya ko ng mahigpit.
"I love you, Ella."bulong niya kaya naman nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Kung kanina siya ang natigilan, Ngayon ako ang natigilan.
"I love you.. Gusto kong nakikita ka na nakatingin sa akin at pinagmamasdan ako. Gustong-gusto ko yung pagpapansin mo sa akin tulad nung pagbangga mo ng sarili mo sa likuran ko."huminga siya ng malalim at yinakap pa ako ng mahigpit. "Gustong-gusto ko yung pang-aasar mo sa akin tuwing hinahatak mo ang percentages. Gustong-gusto ko yung presensya mo, First day mo palang sa DRU natuwa na ako sa iyo. You dared to do that to me, You interest me too."
Nakatitig lang ako sa mata niya..
"Hindi ko alam kung paano ka lalapitan, Nakaka-intimidate ka kasi. Sabi ko noon sa sarili ko na kahit na wala siyang alam, Kahit na bagsak siya. Okay lang sa akin, Ayos lang sa akin. Ako ang mage-effort na turuan siya.
Ella, Hindi ko alam kung kailan ko 'to naramdaman. Hindi ko alam kung paano basta mahal kita. Mahal na mahal kita at kahit na nagsinungaling ka mahal pa rin kita."i was left speechless.
"Even if you faked everything about you, I still love you."pabulong na ang pagkakasabi niya. Napangiti ako at hinawakan niya ang magkabilaang pisngi ko.
At sa muli, Pinaglapat niya ang mga labi namin. Wala na, I was lost! Patrick made me lost.
"Tayo na, Sa ayaw at sa gusto mo tayo na. Hindi na kita pakakawalan. Finders keep first."bulong niya saglit bago ko halikan ulit.