Fake 2

2.6K 66 11
  • Dedicated kay To all SOLID KN Fans
                                    

"Psst!"sutsot sa akin ng isang napakagandang nilalang.

"Oh ano 'yun?"tanong ko sa kanya.

"Uhm.. Gusto ka na makilala ni Mama."sabi niya sa akin..

And then BANG it hit me hindi pa ko ready! "H-Ha?"

"Bakit ayaw mo?"tanong niya sa akin.

"No. Hindi naman sa ganoon, Kasi ano eh.. hmm, Paano ko ba sasabihin."matalino ako pero pagdating talaga sa babaeng ito natatameme ako.

"Ano? Bilis bago may makakita pa sa atin dito."sabi niya sa akin, Kaya huminga muna ako nang malalim.

"Kapag pinakilala mo na ko sa Mama mo kailangan ipakilala na kita sa parents ko."sabi ko sa kanya.

"Ha? Eh paano yan alam ng parents mo yung tungkol sa akin."sabi niya sa akin magsasalita na sana ko kaso biglang dumating si Jao at Tammy.

"Ah! Ano Ella mag-note ka mamaya ng lesson tapos iyon yung rerebyuhin natin."pagdadahilan ko.

"A-Ah! Oo sige."una naguguluhan pa siya tapos na-gets niya naman.

"Tss.. Pat, Ella hindi niyo na kami maloloko."sabi ni Jao kaya natigilan kaming dalawa.

Alam na nila yung tungkol sa relasyon namin ni Ella?! Paano? Kung ano man, I compose myself.

"H-Ha? Ano ibig niyong sabihin?" "Huh?" sabay naming sabi ni Ella.

"Alam namin na matalino si Ella."sabi naman ni Tammy.

Nagkatinginan kami ni Ella tapos nakahinga kami nang maluwag and yumuko siya.

"I am really sorry kung niloko ko kayo."sabi niya kaya hinawakan ko balikat niya.

"Grabe! Sabi sa iyo Jao, Si Ella Rivero ng Greenbelt University iyan.  Yung Campus Sweetheart, Queen at Top Notcher nila."sabi ni Tammy na matawatawa tapos napatingin naman sa kanya si Ella tapos sinamaan ko ng tingin si Tammy.

"Opps Sorry Pat hehe."sabi ni Tam tapos tinakpan yung bibig niya.

"P-paano niyo nalaman?"sabi ni Ella.

"Ako kaya yung nakalaban mo sa Quiz Bee noon. Kaya sabi ko na nga ba familiar ka kasi hindi kita makakalimutan first time na may tumalo sa akin kaya tumatak sa akin yung mukha at pangalan mo kaya nag-aalinlangan talaga ko nung nakita kita One Month ago eh."sabi ni Tam kay Ella kaya ayun kami ni Jao display.

"Pat tara OP ako eh ikaw ba?"sabi ni Jao sa akin.

"Tara."sabi ko, Aakmang aalis sana kami ni Jao ng pigilan kami nung dalawa.

"Subukan niyong lumayo ng tatlong hakbang, Break na tayo!" "Mr. Dela Rosa stop! Three step, We're through!"sabay nilang sabi kaya nagkatinginan sila kami naman ni Jao nagkatinginan din.

"Pat naglihim ka?"sabi ni Tammy tapos si Ella nanlalaki pa rin ang mata.

"Tss.. Let's talk later wag dito sa may Garden, Luckly walang students dito."sabi ko sa kanila.

"Mamayang Lunch at Special Room, Explain Pat!"sabi ni Jao tapos umalis na sila ni Tam kaya naiwan kami ni Ella.

"Sorry Pat hindi ko sinasadya."sabi ni Ella kaya yinakap ko siya.

Fake [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon