Di ko alam kung ilang page ito pero sana mag-enjoy kayo halos One month din ito dahil pinag-isipan kong mabuti ang tungkol kay Gino kasi mas matanda siya kay Mikay sa In My Heart Series so pinag-isipan kong mabuti XD
__________________________________
Graduation Ball pinakamasayang araw para sa iba at sa iba naman kalungkutan. Masaya dahil natapos na nila ang isang yugto sa buhay nila at tutungtong sa pinaka-bagong yugto ng buhay. Malungkot dahil maghihiwa-hiwalay na kayo ng mga Classmates, Friends at yung mga Close mo.
Diyaan sa dalawang iyan Malungkot ang nararamdaman ko. Una aalis si Patrick, Pangalawa nagluluksa din ang Barkada at Pangatlo natatakot ako.. Natatakot ako na mag-antay ako sa WALA!
Paano kung i-arrange marriage si Patrick sa iba habang nasa States siya?Paano kung may mahalin siyang iba habang nasa States siya?
Paano kung makahanap siya ng iba pang mas maganda kapag nasa States siya?
Paano kung puppy love lang ang nararamdaman niya sa akin?
Paano kung na-paparanoid lang ako! Bwisit hindi naman ako ganito na nag-wawat ip!
"Ella."tawag sa akin ni Patrick, Tinignan ko siya hinawakan niya kamay ko.
"Wag ka namang malungkot ngayon please."sabi niya i smiled at him.
"Tara sayaw tayo wag ka nang malungkot."sabi niya at inalalayan ako at nagsayaw kami sa may gitna. Hindi yung pinaka-gitna ah! Hindi kami si Cinderella at si Prince.
"Ella.."tawag sa akin ni Patrick.
"Ano yun?"tanong ko sa kanya. Nakayuko ako kasi ayokong makita niya na umiiyak ako, Ayokong umalis siya pero ayoko din suwayin niya ang parents niya.
"Tumingin ka nga sa akin."simple niyang sabi, Hindi ako makatingin ng maayos kahit na gusto ko.
"Please Ella, Last night ko na makakasama ka kaya please lang kahit na ayokong iwan kita at ayoko namang umalis na makikita kang malungkot. Smile ka na please?"sabi niya kaya tumingin na ko sa kanya at pinilit ngumiti pero hindi pa rin maiisawasan ang pagtulo ng luha ko sa mata, Gusto ko siyang titigan magdamag at makasama magdamag dahil baka hindi ko na makita ang gwapong mukhang ito.
Napatigil kami sa pag-sasayaw, Hinawakan niya yung dalawa kong kamay. Alam kong kanina pa pumapatak ang mga luha sa mata ko. Yung feeling na mawawala yung taong mahal mo sa tabi mo kahit na sabihin natin na Four years lang yun pero kapag nag-antay ka mararamdaman mo na sobrang tagal."Wag ka nang umiyak, Babalik pa naman ako eh. Saglit lang ang Four years."sabi niya at pinunasan ang luha ko.
"Pat, Natatakot ako. Natatakot ako na mawawala ka sa akin."sabi ko sa kanya habang nakatitig sa mata niya.
"Ella wag mo naman akong pahirapan."sabi niya sa akin at yinakap ako. Yakap ko siya ng mahigpit na parang ayaw ko siyang bitawan, Ayoko siyang mawala sa harapan ko.
"Promise mo, Babalik ka. Promise mo sandali lang ang Four years. Babalik ka."sabi ko at nararamdaman kong umiiyak na din siya.
"Promise."pagkasabi niya noon medyo nakahinga ako ng maluwag. Ang kailangan niya na lang gawin tuparin ang Promise na iyon.
"Lovebirds tama na muna ang Drama, Enjoy muna natin ang gabi natin. Last Day na ni Patrick pero ang drama wag ganun."sabi ni Nico natawa na lang ako dahil kahit na malungkot ang barkada nagagawa niya pa rin kaming patawanin, Kahit na alam kong malungkot din siya tulad namin ay nagagawa niya pa rin magpasaya.