Facebook Messenger08-05(03:12 pm)
Tapsi Quadro
Wexler Miranda
@everyone SOS
HOY! TULONG, MGA ATE KO!
Kirby Suarez
Anong meron? haha
Sean Mendoza removed Wexler Miranda in the group.
Elly Quinn Yuchengco
HOY! @Sean Mendoza! HAHAHAHAHAH LAKAS MO!
Kirby Suarez
'pag napikon sa 'yo si Wex kahit ako, hindi ka kakausapin.
Sean Mendoza
Sorry po :((
Iaadd ko na po ಥ‿ಥ
Sean Mendoza added Wexler Miranda to the group.
Facebook Messenger
08-05(03:17 pm)
Tapsi Trio(Banned Sean)
Wexler Miranda created this group.
Wexler Miranda name the group Tapsi Trio(Banned Sean).
Wexler Miranda
Ayan, wala ng epal sa mundo.
Kirby Suarez reacted haha in this message.
Elly Quinn Yuchengco reacted haha in this message.
Elly Quinn Yuchengco
Anyare ba, Wex? Akala ko kasama mo mga co-officers mo noon tsaka si Kuya Jake?
Kirby Suarez
Nag-SOS ka, Wex. So for sure, may something na alarming na nangyayare.
Wexler Miranda
KATABI KO DITO SA SASAKYAN NI KUYA JAKE SI JACE!!!
OH GOD! PARA AKONG HIHIMATAYIN!
Kirby Suarez
Kalma lang, Wex. Bakit ba nandyan siya? I mean, alam kong magkapatid sila pero akala ko ba sila Travis at Iyah kasama niyo ni Kuya Jake?
Wexler Miranda
Okay, ganito kasi 'yan. 'di ba nga nilibre kami ng samgyup ni Kuya Jake kanina kasama yung dalawang bubwit. Tapos after namin kumain, hinatid ni Kuya Jake yung dalawa since wala silang pasok. Ako naman, ihahatid na lang daw ako ni Kuya Jake sa uni. Tapos habang hinahatid niya yung dalawa, biglang may nagtext sa kaniya.
Elly Quinn Yuchengco
Nagtext yung kapatid niya?
Wexler Miranda
Oo, ate ko! Nagpapahatid kasi may pasok din pala ng alas-kwatro tulad ko!
Kaya tinanong ako ni Kuya Jake kung pwede bang sunduin namin si Jace para maisabay na maihatid so pumayag ako. Sinundo namin doon sa bahay nila sa Makati.
Akala ko nga uupo sa shotgun seat sa tabi ni Kuya Jake! Nabigla ako naupo sa tabi ko dito sa likuran though nabigla din siya noong pagbukas ng pinto ay nakita niya ako. Naghi lang ako tapos nanahimik.
SHET! NAAAMOY KO YUNG PABANGO NIYA! ANG BANGO-BANGO SOBRA!!!
Kirby Suarez reacted reacted haha in this message.
Kirby Suarez
Ang tagal niyo ng magkakilala ni Kuya Jake, ngayon lang ba kayo nagkita ni Jace at nagpapanic ka?
Wexler Miranda
FIRST TIME KO LANG SIYANG MAKITA!
LEGIT!
Napakatahimik kasi nito at mailap sa tao. Kabaligtaran ni Kuya Jake. Simula talaga noong nakita ko 'yung story niya, grabe, para akong kinikiliti sa bewang.
Elly Quinn Yuchengco
So, ano ng ganap ngayon? Anong ginagawa niya? Kinausap ka naman ba?
Wexler Miranda
Sad to say, maliban sa pagtango niya noong binati ko kanina, eh hindi pa ako kinakausap o pinapansin.
May binabasang libro eh. Nakakahiya naman kung magsasalita ako tapos maistorbo siya.
Kirby Suarez
Mamaya mo na lang siguro kausapin pagkababa niyo or habang papunta na kayo sa mga building niyo.
Magkatabi lang naman building nating mga HRM sa kanilang Computer Engineer.
Wexler Miranda
Hihiya ako eh :'(
Elly Quinn Yuchengco
Sabi nga nila, “Take the risk or lose the chance.”
Sige ka. Baka hindi mo na siya mameet next time. Ito na chance mo, 'no?
Kirby Suarez
Kaya nga. Ikaw din. Tulad nga ng sabi mo mailap sa tao 'yan. Ngayon na magkatabi na kayo, kausapin mo na mamaya.
Try mo lang. Support ka namin ni @Elly.
Wexler Miranda
Okay. Sige, tatry ko.
WAH!!! TAKE THE RISK NA TAYO, MGA ATE!
Kirby Suarez reacted haha in this message.
Elly Quinn Yuchengco reacted haha in this message.