#WRHTYS01

4 0 0
                                    


Facebook Messenger

07-29

Tapsi Quadro

Wexler Miranda

Mga ate, may kwento ako!

Tulog na ba kayo?

Hala, nagbabagong buhay?

Elly Quinn Yuchengco

Alas-dos na ng madaling araw, Wex!

Magpahinga ka naman.

Anyways, ano'ng meron?

Kirby Suarez
Nagrereview ako but I'll read the messages. Spill the tea, Wex.

Seen by Sean Mendoza

Wexler Miranda

Seener si Sean, kapikon.

Kilala niyo si Jace, 'di ba?

Elly Quinn Yuchengco

Yeah, 'yung third year? Kapatid nung Jake na president last year ng student council?

What's with him?

Sean Mendoza

Crush mo, 'no?

Wexler Miranda

Hala, ang epal mo talaga, Sean.

Kwento mo ba 'to at nangunguna ka?

Sean Mendoza

Tagal mo magkwento!

Wexler Miranda

Whatever, Sean!

So, nag-update kasi siya ng story. Alam niyo kasi napakatahimik ng account niya. Like we've been fb friends for 2 years pero I haven't heard him update his story nor share posts or posts something for himself. His account was deserted and left with his Kuya's tagged posts on him kaya nakakapanibago na nag-update siya ng story.

Eh, biglang nagnotif sa akin. Kaya tinignan ko naman.

Hala ka! Na-shook ako kasi nagstory ng topless sa gym! My eyes almost pop out of my eyes sockets. Grabe! Ang yummy pala nung kapatid na 'yon ni Kuya Jake.

Sean Mendoza

Ang harot mo, Wex.

Wexler Miranda reacted angry in this message.

Elly Quinn Yuchengco

Pinag-uusapan nga ng mga kaklase nating babae 'yang story na 'yan ni Jace a while ago. Haven't seen the story but by seeing how girls reacted, I guess that's something that is really surprising.

And alluring, I guess.

Kirby Suarez

Anong ginawa mo noong nakita mo, Wex?

Wexler Miranda

Tinadtad ko ng heart, mga ate ko!

Tapos 'di ko napigilan 'yung daliri ko! Nagreply ako ng “ang gwapo mo po”.

Holy cow! Nahiya ako after kasi nagreact agad sa message ko! Ba't ba online din siya ng ganitong oras? Nahiya ako bigla!

Sean Mendoza

Sa kapal ng mukha mo, nahiya ka bigla?

Tsaka pinuri mo lang naman. Ba't parang mamatay ka na sa hiya dyan? Crush mo nga talaga siguro.

Wexler Miranda

Crush na kung crush. Okay ka na, Sean?

Wala lang! Nahihiya lang ako, ano ba? Kasi hindi naman kami close to begin with tapos bigla-bigla akong nagreply lol. The only connection we had was his older brother is a dear friend of mine.

Still, nahihiya ako kasi 'di kami close.

Ewan. Basta, mahirap i-explain. Intindihin niyo na lang ako.

Elly Quinn Yuchengco

Okay Hahaha.

Sean Mendoza

Baliw.

Wexler Miranda disliked this message.

Wexler Miranda

#basher

#SeanPanget

#EpalKahitKailan

Sean Mendoza

Hashtag Baliw

Kirby Suarez

Aware naman siguro kayo na may recit tayo mamaya, ano? Bukas na 'yang asaran.

Wexler Miranda

Si Sean kasi.

Elly Quinn Yuchengco

Masyado kang good student @Kirby.

Sean Mendoza

Go lang, baby @Kirby ko.

Kirby Suarez

Kadiri ka, @Sean.

Wexler Miranda

Sige na, madam. Magre-review na rin ako. Baka mahawa pa ako sa kulelat na grades sa recit ni @Sean panget.

Elly Quinn Yuchengco

Yeah, ayoko ring mangulelat tulad ni @Sean.

Sean Mendoza

Mga basher kayo. Ganyan kayo, eh. Mamental block sana kayo mamamya.

Wexler Miranda disliked this message.

Elly Quinn Yuchengco disliked this message.

Kirby Suarez reacted haha in this message.

WEX REACTED HEART TO YOUR STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon