Pumasok na sina Cole at Vexalia sa lagusan nang magkahawak-kamay. Ang dalawa ay nakarating na at nakatayo sa isang hardin malapit sa gate ng paaralan, kung saan may dalawang anghel na nagbabantay. Di muna sila lumapit dahil kailangan nilang inumin ang potion kaya naman nagtago muna ang dalawa sa likod ng punong malapit sa kanila at ininom ang likido. Pagkatapos nila itong inumin lumiwanag ng kaunti ang kanilang katawan at dito naramdaman nilang may nagbago na sa kanila. Nagtinginan muna sila ng kaunti bago sila tumayong muli at naglakad papalapit sa gate.
"Hahahaha nakakatawa ka talaga Cone." Biglang sabi ni Vexalia ng malakas habang tumatawa at naglalakad papunta sa gate.
"Anong Cone?" Nagtatakang tanong ni Cole sa dalaga nang pabulong.
"Makisakay ka na lang, kungwari nga diba anghel tayo na medyo nageenjoy sa life. At we need a new name. Baka may nakakakilala sa original self natin." Bulong ng dalaga sa binata.
"Ay oo nga no" Bulong naman pabalik ni Cole kay Vexalia.
"Ay nako Vexie ngayon mo lang napansin na nakakatawa ako? HAHAHA! Eh ang tagal-tagal na kitang pinapatawa, mula pa pagkabata mo" Sabi ni Cole at tinawanan naman ito ni Vexalia habang papalapit na sila sa guards. Nanonood lamang ang mga anghel sa kanila bago..
"Huminto muna kayo sa paglalakad, kailangan muna namin kayong icheck." Pinigilan sila ng isang guard sa paglalakad gamit ang isang mahabang espada. Lumiwanag ang espada at nakapikit naman ang guard na may hawak nito. Tinapat ang espada sa kanilang dalawa. Matapos ang ilang segundo dumilat na ang guard nang pagulat, dahilan kung bakit nagulat rin ang dalawa sa reaksyon ng guard at halata ang kaba sa kanilang mukha.
"Sige na makakadaan na kayo."
"Okay po. Thank you manong guard" Sabay na pasasalamat ng dalawa. Binuksan ng guard ang gate habang nakangiti.
"Diretso kayo sa Guidance office para sa enrollment procedures." Pinaalam ng isang guard ang inpormayon.
"Thank you po. Have a nice day po" Hinanap ng dalawa ang guidance office at nang makita nila ito, dali-dali silang tumayo sa harapan ng gintong pinto.
"Corn kapag nanghingi sila ng specific requirements, gamitin mo na lang yung kapangyarihan mo ha. Eto ang pinaka effective na paraan para tumagal tayo dito sa eskwelahan." Bulong ni Vexalia sa kaniyang kaibigan.
"Sige Vexie" Binulong din ni Cole ang sagot niya.
After Enrollment pumunta na sila sa dorm ni Vexalia. Napakaganda ng lugar, meron itong kulay puting mga pader na may gintong edges at makikintab na puting lapag, mayroon ding balcony na para bang pang palasyo at sa labas ay matatanaw ang hardin na may fountain sa gitna. Namangha ang dalawa sa ganda ng lugar.
Humiga na si Vexalia sa kulay gintong Queen size bed na may kulay puting punda at unan.
"Grabe nakakapagod magisip ng palusot ." Reklamo ni Vexalia habang nagiinat.
" Pero atlis binigyan tayo ng ganitong kagandang kwarto. Tingin mo ganito rin itsura ng kwarto ko?" Sagot ni Cole habang nakatanaw sa balcony. Tumango naman si Vexalia sa tanong nito.
" Sabi ni ma'am mamayang hapon pa daw babalik yung makakasama ko sa kwarto. Dahil may klase pa daw sila ng ganitong oras. Ikaw anong sabi sayo Cole?"
"Ganun din sinabi sakin. Mabuti pang agahan ko ang pagbalik sa dorm, para makilala yung roommate ko" Nagbabasa ng magazine si Cole at si Vexalia naman ay nakatingin lang sa ceiling ng kwarto habang yakap-yakap ang isang malambot na puting unan.
BINABASA MO ANG
11:11
FantasyVexalia, the strong and determined daughter of the Demon King, is constantly disrespected by other demons due to her lack of magic. Desperate to prove herself, she's given a rare opportunity: to accept a dangerous mission involving the Angel's Acade...