Finding Out The History

2 0 0
                                    

Makalipas ang ilang minuto, pumasok na sila sa susunod na klase at umupo sa usual nilang upuan.

"Hello everyone. I'm Mrs. Wasi. Ako ang magiging instructor niyo for History Class. Since it's only the start of our Lecture gusto kong pagusapan natin ang past wars against the devils. Meron ba sa inyo ang nakakaalam ng buong timeline?" Agad nagtaas ng kamay ang lahat ng estudyante, maliban kina Zeyl, Cole, Vexalia at Asha.

"It's quite impressive na halos lahat kayo alam yun. Pero let me discuss again para di niyo makalimutan at kung sakaling kulang ang naituro sa inyo before" Pinagpatuloy ng guro ang kanyang klase. Taimtim na nakikinig si Cole, Asha at Vexalia habang si Zeyl naman nakatanaw sa labas ng bintana, dahil ang kaniyang upuan ay nasa dulo at katabi ng malaking gintong bintana, maraming naglalakad na magaaral sa labas kaya naman nalilibang ang mga mata ni Zeyl sa hardin.

"Let's start with the origin. Tahimik na namumuhay ang mga anghel hanggang umiral ang kasakiman ng king of hell, gusto niyang sakupin pati ang lupain natin kaya nagpadala siya ng mga espiya. Sa oras na iyon dumami ang mga anghel na naglalaho, reasearch shows that they were killed. Tayo namang mga anghel hindi napansin since he's using a potion to hide the demon's real identities. One day an angel heard one of the fake angel's conversation, pinaalam niya ito sa mga nakakataas at gumawa sila ng plano. Hinuli nila ang lima na kabilang sa kwento nung witness at pinilit makuha ang lahat ng impormasyon mula sa kanila. Nahuli ang lahat ng demonyo. At doon nagsimula ang digmaan. We built an army para lumusob sa lupain ng mga demonyo, medyo mahihina pa noon ang mga demonyo, pagdating sa elemental magic mas angat ang mga anghel pero wala sa plano natin ang ubusin sila. Pero halos maubos tayo. Bakit kaya?" Kwento ng guro ngunit sa pagtatanong niya, may magaaral na nagtaas ng kamay.

"Ma'am, dahil sa oras na mapalapit ang kahit anong nilalang sa hari ng kadiliman ay mawawalan ng kapangyarihan"

"Tama. Sumama sa digmaan ang hari. But we already finished our plans by killing whoever made the potions. Alam niyo ba kung sino?"

"Sino po ma'am?" Tanong nang ilan sa mga estudyante.

"Ang mismong reyna" Sagot ni Mrs.Wasi. Ikinagulat ni Cole at Vexalia ang narinig nila ngunit hindi nila ito pinapahalata sa lahat, ang nagawa na lamang ni Vexalia ay pigilan ang mga luha niya.

'Bakit hindi sakin sinabi ni ama? Ang sabi niya lang umalis si ina dahil may trabaho siyang kailangang tapusin sa ibang mundo' Mga salitang nasa isip ni Vexalia habang naririnig niya ang lahat mula pa sa bibig ng kaaway.

"Well since we already tackled the demon side of the story. How about we talk about the endless war between angels and demons. So dahil nga sa origin na yun, lagi nang may nagaganap na digmaan tuwing 11pm. Sa unang tatlong digmaan kasali pa ang king of hell but after that hindi na kailanman sumasama sa digmaan ang mismong hari ng impyerno at yun ay dahil sa naimbentong machine ng panig natin. Bibigyan ko ng plus 5 sa exam kung sino man ang makakapagsabi sakin kung ano man ang nagagawa ng machine na ito sa mga demonyo! " Tinuloy ni Mrs. Wasi ang kaniyang discussion. Walang nagtataas ng kamay kaya naman nagvolunteer na si Asha na sumagot sa tanong.

"Mrs. Wasi, I think this machine . Sinisira niya po ang kaluluwa hanggang maglaho nang tuluyan ang ginamitan nito. At hindi lang isa or sampu ang kaya nitong sirain, kahit lahat pa ng demonyo." Paliwanag ni Asha.

"Tama ka diyan! You got the exact answer. Sinasadya ata talaga ng hari na wag sumabak sa digmaan dahil natatakot siya sa makina. Since nandito na tayo sa topic and alam kong kabisado niyo na ang tagapamahala sa heaven and land of the angels, so let's skip that and let's talk about the three most important creatures in hell."

"First one is Mammon the king of hell, pinili siyang taga pamuno since everyone have elemental magic but his magic is different. Napatunayan sa digmaan na lahat nang lumapit sa kanya kahit nasa layong 100 meters, nawawalan ng mahika. Hindi kita mukha niya dahil lagi niya itong tinatakpan ng maskara at hood naman para matakpan ulo niya."

11:11Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon