Pluma

12 3 0
                                    

Ako'y isang makata
Makatang hatid ay pag-asa
Sumusulat hindi para makilala
Kundi maghatid ng isang salita

Salita na hatid ay para sa iyo
Na hiling ko'y sana pakinggan mo
Ito'y binuo ko para malaman mo
Na kahit anong sabihin sayo, sana hindi ka magbago

Bakit ba pinakikinggan mo sila?
May mapapala ka ba?
Wala dahil hanggang salita lang sila
Sana'y huwag ka magpadala

Sinasabi ko ito upang malaman mo
Upang ipaalala sa iyo ang halaga mo
Isa kang mabuting tao kaya't ipagpatuloy mo,
Ang busilak ng iyong puso.

Filum MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon