Elehiya ng Tinta

12 3 0
                                    

Aking buhay ay maihahambing sa tinta
Tinta na nagbibigay saya
Kagamitan na nagbibigay kalayaan
Kalayaan na nais makamtan.

Ngunit sa bawat pagbuhos nito
Kalunguta'y nabubuo
Hindi mawari kung ano
Sadyang emosyon na para sa'yo.

Ako'y isang makata
Na nais ay maging malaya
Nabigyan ng kakaibang talento
Na sa tingin ko'y dapat pakinggan mo.

Ang bawat duyog sa aking pangarap,
May naka kubling nais malasap.
Ang bawat hiraya sa aking imahinasyon
Salamisim ang hatid sa emosyon.

Ika'y naging inspirasyon
Sa bawat letrang naiiaayon
Sa iyo nagmumula
Ang aking mga tula.

Ngunit tadhana'y malupit
Hindi naging patas at may kapalit
Panandaliang kasiyahan
Saglit lang pinagbigyan.

Filum MementoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon