Chapter 3 - Finding Sam

21 1 3
                                    

DUSTIN'S POV

"Bro, bilis bilis naman diyan, ma lalate na tayo." Sigaw ni Kirk.

"Makapagsalita to parang maaga gumigising. Oo na, Bihis lang." Sigaw ko pabalik sa kanya, sabay punta sa kwarto ko.

Papasok ako ng kwarto ko ng may bigla akong napansin na itim na kumikinang sa ilalim ng kama ko. Agad kung kinuha ang bag sa ilalim ng kama.

"Sino naman kaya to. Di naman to sakin, kailan pa ba ako nagkaroon ng shoulder bag."

Binuksan ko ang bag at laking gulat ko na lang ng makita ko ang I.D ng babaeng nakatabi ko noong isang araw.

"Siya nga! Naiwan niya bag niya."

"Kirk!"

"Kirk, Hali ka dito! Halika!"

"Hoy Bakla Punta ka na muna dito!" Sigaw ko pa ulit.

"Oh! Ano ba kasi. Nagbibihis pa yung tao." Sabi ni Kirk sabay lapit sakin.

"Bro, Yung Babae! Yung Bag niya. Naiwan niya. Heto oh!" Sabi ko habang pinapakita ang bag.

"Hala oo nga. May mga I.D ba diyan?" Tanong niya.

"Oo heto oh!" Abot ko sa kanya.

"SAMANTHA ADAMS. XYZ UNIVERSITY. 4TH YR." Basa niya sa I.D ng babae.

"Eh, pareho lang pala tayo ng pinapasukan nito eh." Sabi niya.

"Oo nabasa ko na yan. Pero bakit di ko ata siya napapansin doon."

"Baka ayaw sayo. Hahaha Ang pangit mo kasi." Sabi niya habang tumatawa.

"Langya ka! Kung tulungan mo na lang kaya akong hanapin siya."

"Oo na, pero alam mo anong napakagandang gawin ngayon?" Tanong niya.

"Ano?" Tanong ko.

"MAGBIHIS KANA! DAHIL LATE NA NAMAN AKO LANGYA. MAMAYA NA YANG MGA BABAE MO." Sigaw niya sabay alis ng kwarto ko. Nagmamadali akong nagbihis at pinasok ang shoulder bag sa bag ko.

"Ang lamya mo talagang kumilos, Mas malamya ka pa kay Lola Sita."

"Oo heto na nga oh pasakay na."

Pagkarating namin sa school agad bumaba si Kirk at nagpaalam sakin.

"Sige Bro una na ako. Text kita mamaya."

Dahil late na din ako sa klase nagdesisyon akong pumunta na lang ng Gym para magpalipas ng oras. Nilabas ko ang Bag ni Samantha at kinuha ang I.D niya.

"Samantha Adams. Saan ko nga ba siya makikita." Bulong ko sa sarili ko ng may mapansin akong taong papunta sa inuupuan ko.

"Dustin! Anong ginagawa mo dito?" Tawag ng taong palapit sakin agad kung pinasok ang bag ni Samanta sa bag ko.

"Oy! Mike. Ikaw pala yan kumusta kana? Nagpapalipas lang ako ng oras dito late na kasi." Sagot ko sakanya.

"Okay lang pare. Hindi kana talaga nagbago, di kaparin pumapasok sa mga klase mo." Sabi niya sabay tawang mahina.

"Oo nga eh medyo traffic din kasi sa daan. Nga pala anong ginagawa ng mayaman kung kaibigan dito?" Tanong ko sakanya.

"Bumibisita lang, na miss ko din naman ang unibersidad na ito." Sagot niya.

Si Mike ay team leader noon ng basketball ng XYZ University Naging kaibigan at barkada ko siya dahil magkaibigan din ang mga magulang namin. Pero dahil graduate na nga si Mike minsan na lang kaming magkita dalawa.

The Contract With The DevilsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon