PROLOGUE

22 0 0
                                    

Sa buhay mo, hindi imposible na walang taong magbibigay ng oras niya para sayo. Yung tipong taong lagi nandyan. Yung kaya niya ipagpalit ang ano mang bagay para lang mapasaya, makausap, at makasama ka. Yung wiling mag sakripisyo at maghintay. Yung taong kahit ano mangyari hindi ka niya hahayaan mag-isa. Alam mo ba ang pagiging mahalagang parte sa buhay ng isang tao ay isang bagay na pwede mong tawagin na "kayamanan". Kapag ang isang tao ay mahalaga para sayo, handa mo ipakita sa kanya kung gaano siya kahalaga sa pag respeto mo sa kanya, sa pagbibigay ng importansya sa oras at nararamdaman niya. Napaka swerte mo nga kung mahalaga ang turing sayo ng isang tao. Kapag kaya niya maglaan ng oras para makasama ka. Yung hindi siya naghahanap ng rason para lang hindi ka niya samahan. Kasi yung taong yun hindi ka niya hahayaan masaktan, yung taong yun hindi niya hahayaan mawala ang tiwala na ibinigay mo sa kanya kaya kahit anong mangyari hindi niya hahayaan mauwi sa limot ang mga pangako na binitawan niya. Hindi ba masarap kasama yung taong pwede mong makausap kahit anong bagay, masaya man o malungkot. Yung makikipag palit ng bag sayo para lang hindi ka mabigatan. Yung okay lang madumihan yung kamay niya basta malaman lang na malinis ang uupuan mo. Yung kaya niyang magbading badingan mapatawa ka lang. Yung sa lahat ng trip magkasama kayo kahit pagtawanan kayo ng ibang tao, ok lang kasi sanay naman kayo magkasama. Yung tanggap ka kung sino ka at tanggap ka kung ano ka. At higit sa lahat alam at ramdam mong mahal ka. Kaya pag minsan sa buhay mo nakilala mo tong taong to, wag mo siyang hayaan mawala. Kung tunay na pagmamahal talaga ang hanap mo, sa kanya mo talaga yun mararamdaman.

Pero paano kung yung taong yun ay hindi mo naman talaga gusto at ang turing mo sa kanya ay hanggang kaibigan lang? Anong gagawin mo?

Sana kapag ganun sabihin mo sakanya kaagad. Sana wag mo lang siya hayaan mag effort ng mag effort at gamitin ang oras niya para lang sa isang pangarap na hindi niya pwede makamit. Sana isipin mo kung karapat dapat ka ba sa attensyon at oras na nilalaan niya para sayo. At sa pagmamahal na pinapadama niya. Kasi sa mga mata niya IKAW ang nararapat na tao para sa kanya. Sa mga mata niya karapat dapat kang makasama niya, sa tingin niya hindi masasayang ang lahat ng effort niya para lang sa taong tulad mo. Kasi siya napakahalaga ang turing niya sayo. Kasi siya alam niya sa sarili niya na mahal ka niya. Alam mo ba kung bakit importante ang bagay na ito? Kasi ito lang ang magagawa mo para sa kanya lalo na kung hindi mo siya gusto, ito lang yung bagay na magagawa mo para maipakita mo sa kanya na may respeto at pakelam ka sa kanya, ito lang yung tanging paraan para mabawasan yung sakit na mararamdaman niya. Kasi kung alam mo naman sa sarili mo na hindi mo siya gusto bakit mo pa siya hahayaan umasa? Bakit mo pa siya hahayaan maniwala sa isang pangarap na tanging siya lamang ang nakakakita? Oo masakit kapag nang-reject ka ng isang tao pero hindi ba mas masakit kapag sa tinagal tagal ng paghihintay mo wala ka rin naman pala mapapala. Kahit naman kasi anong mangyari ngayon man o bukas mo pa sabihin sa kanya masasaktan at masasaktan mo pa rin siya. Alam mo kung bakit? Kasi mahal ka niya.

Pero kung nasabi mo naman na dapat sabihin sa kanya at hindi pa rin siya tumigil, dun mo siya pwedeng hayaan sa mga pinaggagawa niya. Kasi kahit anong mangyari at least ginawa mo na yung parte mo at ginawa mo na yung nararapat at sayo na mismo nanggaling ang salitang "Hindi kita kayang mahalin na higit pa sa isang kaibigan.."

Nakakalungkot lang na marami lang talagang tao na hindi nila kaya tanggapin sa sarili nilang hindi sila gusto ng taong gusto nila at hindi sila mahal ng taong mahal nila. Kaya kahit anong mangyari patuloy at patuloy pa rin silang umaasa. Pero hayaan mo na, kasi ang tao nagbabago lalo na kung paulit ulit na ang nangyayari sa buhay nila. Kahit gaano ka pa ka sigurado sa posisyon mo sa buhay niya. Kapag siya ay bigla nakaramdam ng PAGOD at nakaramdam ng WALANG PAGPAPAHALAGA kahit isa ka pa sa mahalagang tao sa buhay niya magagawa ka niyang tiisin para lang malaman mo na "Iba kapag nawala siya".

"Sana huwag mo siyang hayaan umasa sa isang pangarap na siya lamang ang nakakakita, kung hindi mo gusto ang isang tao sabihin mo sa kanya ito kaagad huwag mong hayaang lumipas ang oras na lagi lang siyang nandyan, nandyan para lang umasa nandyan para lang masaktan."

—-

cmpt MPU //Try ko ulit gumawa ng wattpad story. Binura ko yung dati ko kase sobrang corny talaga niya tbh. 14yrsold palang ako nung ginawa ko yun haha sana magustuhan niyo 'to. :) Vote or comment for suggestions, para may guide ako kung itutuloy ko 'to or hindi. Hahaha enjoy!! *meow*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I JUST WANT TO BE WITH YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon