Chapter 1

68 8 23
                                    

Chapter 1

Natapos kaagad ang morning class namin. Inaasar naman ako ng mga kaklase ko dahil sa ginawa ko kanina.

Math is literally a mental abuse to human.

"Kaya idol ko 'tong si Reigan, eh. Kayang kaya tayong tubusin sa exam," gamit ang braso ng kaklase ko, binangga niya ang balikat ko at bahagyang itinulak ako.

"Akala ko ako lang ang magpapasalamat, plakadong zero talaga iskur ko kung nagkataong naitapos ang exam,"

"Hindi siguro nakatanggap ng lambing si Sir kaya nagpa exam ng hindi tinuro," umay na umay ang ekspresyon ng mukha nila.

Pati 'yung matalino sa class namin nahirapan din ata, hindi rin daw siya nakapag-aral about sa exam, tapos biglaan pa.

Kakagaling lang namin ni Rothei at Bj sa mess hall, hindi na nga ako nakatulog dahil sa pangungulit nilang ikwento ko lahat kung anuman ang nangyari kahapon.

"Paano ka nakauwi kahapon? Late ko nang nabasa chat mo," Bj took a sip of his juice.

"Ako rin, may inutos kasi si mommy kaya hindi ko na check kaagad 'yung chat mo." ani Rothei.

While looking for my lab coat in the locker, sinagot ko naman sila, "Sumakay ako ng jeep."

"Ay malamang sa malamang, Teh! Alangan naman gumapang ka pauwi?" sarkastikong sagot ni Bj.

Kanchaw nanaman aabutin ko sa dalawang 'to, "Nag wantutri ako," mahinang sambit ko.

Mabilis na naisara nila ang locker nila at humarap sa bawat gilid ko, "Totoo?! Nag wantutri ka?"

"Walang wala na nga kasi, tsaka gabi na rin 'no, mahirap din kung sa terminal ako magpagabi,"

"Hindi ko ma-imagine!" Rothei was laughing really hard. "Tumalon ka ba?"

Umiling ako. Muntik na akong tumalon, lakas ba naman makabulong ng utak ko.

"Aping api ka talaga kahapon, ah." Bj spoke.

"Nadala ko 'yung malas ni Jassen," ako naman ngayon ang sirang-sira ang ekspresyon. Parang nanggigigil pa ako sa paghablot ng coat ko.

"Dzuh! You tried pa kasi sa 'panget pero loyal' Oh, ano ka ngayon?" Bj's being snooty, "Napasukan ng tae 'yung utak mo, the moment na pinatulan mo 'yon. Maganda ka, Rei, pero beh, gawin ding higher higher ang standards."

Nakita ko naman na sumasang-ayon si Rothei sa sinabi ni Bj.

"Walang nawala sa akin, tsaka sinadya ko ngang ibaba standards ko para sa kaniya, nakisabit na nga lang," plaka ko.

"Sabagay, pera lang naman meron 'yun. Walang manners, walang mukha, wala pang respeto, sinalo ang ulan galing kay satan." komento pa ni Bj. "He's aware naman din na pera-pera lang, kaya siguro naghanap 'yon ng ibang mashootan niya ng kati kasi hindi ka nagpagalaw,"

Kaya nga. 'Yun ang sinabi ni Jassen, binabaliktad pa na kasalanan ko kasi hindi ako nagpagalaw sa kaniya. Nakakasuka. Kahit magrason pa siya ng isang milyon, cheating is cheating. At kahit pa naman siguro kung naging gwapo siya, automatic na relationship end ang gagawin ko 'no. I won't tolerate that shit.

Ano 'yon? Na cheatan tapos ako pa magmamakaawa na tratuhin ako ng tama?

Ang daming isda sa dagat ika nga.

"Look at me," hinapit ng mga kamay ko ang pisngi ni Bj. Bahagya siyang napayuko dahil may katangkaran siya.

"Look at me, J! Mukha ba akong magpapakiss sa amoy suka? Mukha ba akong magpapatira sa lalaking pati ata balat ay walang hilud?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 09, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

White Hue of Underwater (PDA Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon