Recess namin ngayon. Kasama ko ang aking mga kaibigan dito sa nag-iisang canteen sa building namin. Nakahiwalay kasi ang tinatawag na honor's class sa main campus ng school. Bale nasa kabilang panig kami ng daan at dalawang palapag lang ang building namin na may tig-dalawang classroom ang bawat plapag.
"Waaah! Mamimiss ko ang school natin pagkagraduate!" sabi ng isa kong kaibigan na si Joan.
"Oo nga. Magka-college na tayo!" sabi naman ni Cherry.
"Magkakahiwa-hiwalay pa tayo ng school." sabi ni Joan sabay pout.
"Yaan mo na, once in a while magkikita-kita na lang tayo." sabi ko naman.
"Oy, malapit na magtime. Pasok na tayo." yaya nung isang kaklase namin.
Pumasok na nga kami sa loob dahil Math na ang susunod na subject at isa sa mga rule ng teacher namin eh pagnauna siya sa pagpasok o pagtapak sa loob ng room kaysa sayo, late ka na at may parusa ka, depende sa trip nya. Pwedeng ikaw lang magquiz, ikaw ang magdi-discuss, o ikaw lang ang sasagot sas lahat ng tanong niya. Pero si Ma'am ang pinakagusto ko sa lahat ng naging teacher ko.
Pumunta na kami sa designated seats namin. Bale nasa second column ako third row. At ang nasa likuran ko ay ang tatlong pinakakinahuhumalingang mga lalaki, hindi lang sa building namin kundi sa buong school. At isa roon ang crush ko, si Stapphon. At nasa likuran ko lang siya.
"Uy, hindi ka ata lumabas para kumain, brad?" tanong sa kanya ni Brian, yung nasa kanan niya.
"Naabutan ko yan may ginagawa, rather may sinusulat sa notebook ni ehem." sagot ni Luis, yung nasa kaliwa.
"Aba, aba, aba... lebel ap na si Koya. Nangingialam na ng gamit ng iba. Ano bang isinulat, Brian?"
"Ewan. Di ko nakita, eh. Lakas nga ng pakiramdam. Papasilip pa lang ako, naisarado na yung notebook. Di ko tuloy na basa ang madamdaming pagtatapat." sagot ni Brian sabay tawa.
"'Lol! Tigilan nyo nga ako. Daig niyo pa mga babae sa kaingayan nyo." singit ni Stapphon na halatang naiinis na.
"Woooh... gagraduate ka lang sa tiyope university ganyan ka na. Samantalag dati..."
"Oo na, oo na. Tumahimik na lang kayo. Nandyan na si Ma'am." sabi na lang niya.
Ayun, dumating na nga si Ma'am na as usual, ang dala lang ay chalk. Magaling yan si Ma'am eh. Graduate ng UP, cumlaude. At saka ang lesson namin kuhang-kuha niya kaya mas napapadali sa amin ang pag-intindi.
Nagdiscuss na nga si Ma'am. Lahat kami nakikinig kasi rule niya na after niyan magturo saka siya magpapakopya sa amin.
"Woooh... gagraduate ka lang sa tiyope university ganyan ka na. Samantalag dati..."
Hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang sumingit sa akin ang sinabing yun ni Brian... Ibig sabihin... may... may gusto na siya? Ouch. Bigla na lang akong nalungkot sa naisip ko, kahit alam ko namang walang wala akong pag-asa sa kanya.
Pero, di ba? Kahit naman alam mong wala kang pag-asa sa isang tao, once na may feelings ka sa kanya, hindi maiiwasang masaktan ka kapag may dahilan. At hindi mo maiwasang maisip na sa tamang panahon, magkakapareho kayo ng nararamdaman... di ba?
Maybe it's the price to pay for loving someone who wouldn't catch you when you fall. Kasi kahit na anong gawin mo, kung ayaw niya sayo, ngumawa ka man ng todo-todo, lumuha ng pako, maubusan ng dugo, hinding hindi niya matutugunan ang damdamin mo. Anong magandang gawin? MOVE ON. Bakit? Ang move on ba ay para lang sa mag-ex? Hindi. Dahila ng pagmo-move on ay ginagawa at karapatang gawin ng kahit na sinong taong nasaktan—minahal ka man o hindi.
Tatlo lang naman kasi yan: mahal mo at mahal ka, aba! Swerte mo! O mahal mo pero may mahal na iba. Ang masaklap pa, gusto rin siya! Boom panes ka! Pwede rin namang... mahal mo pero may mahal na iba, pero may mahal ding iba ang mahal niya. Magsaya ka, hindi lang ikaw ang kawawa pati na rin siya! Makakadamoves ka pa para maakit siya.
"Hoy, Sha! Kumopya ka na nga. Tulaley ka na naman dyan. Anyare, teh?" sabi nung seatmate ko. Di ko kasi katabi yung mga kaibigan ko.
"Oo nga, Sha. Dalian mo na kumopya. Buksan mo na yang notebook mo, dali! At may sasagutan pa tayo." sabi naman ni Luis.
Loka. Kung anu-ano na pala ang pinagsasasabi ko kanina. Yan tuloy. Argh! Pasensya naman daw! Broken hearted, eh.
Kinuha ko na lang yung notebook ko na nasa gilid ng upuan ko, mahilig akong maglagay ng gamit dun eh, at binuksan sa blank page... pero nagulat ako sa nabasa ko...
*****
Dear Sha,
Uh... hi! Ahm... I know it may shock you kasi hindi naman talaga tayo close kaya wala akong karapatang magsulat dito sa notebook mo. Pero... hindi ko kasi kayang sabihin ng harap-harapan kasi nahihiya ako. Oo, nahihiya ako kapag ikaw na ang nakikita ko.
Para sayo, ano ba ang salitang "torpe"? Yun ba yung hindi masabisabi yung feelings niya sa babaeng mahal niya? Yun ba yung kinikimkim na lang yung nararamdaman niya? Yun ba yung ayos lang na hindi matugunan yung nararamdaman niya? O yun ba yung walang lakas ng loob na kausapin man lang siya o gumawa man lang ng hakbang para makascore man lang?
Para kasi sa akin, ang salitang "torpe" ay "Stapphon Cruz" na hindi masabi-sabi sayo ang nararamdaman, yung makita ka pa lang, tumitiklop na sa kaba at bilis ng tibok ng puso, yung ngumiti ka pa lang nanlalambot na yung mga tuhod, yung tumawa ka lang natutulala na lang sa isan tabi. Pero naisip ko, last chance na to para masabi ko sayo ang nararamdaman ko. Baka kasi bukas, yung mga nagtatangkang manligaw saiyo, di na matakot as mga banta ko. Oo, marami sila kaya lang tinatakot ko HAHAH Sorry, selfish ako eh.
MAHAL KITA, SHARIAN MARIE AGUILAR. Hindi ko alam kung kailan o kung paano. Pero sabi naman nila, sa pagmamahal daw hindi mo malalaman kung kailan o kung paano, kasi pagtinamaan ka, yun na yun HAHAH Ang korni ko, langya! Pero uulitin ko, mahal kita. At GUSTO KITANG LIGAWAN. Pwede ba?
LOVINGLY YOURS,
STAPPHON <3 you
***
Oh shit.
**THE END***
SnA: Hellooooo!! Ang sayang magreminisce ng hayskul. Awh... but anyway, this one's just a fiction. Ang totoo lang dyan yung mga info about sa building, sa teacher, at sa subject tapos yung pangalan nung dalawang babae. Ayoko kasing gamitin ang pangalan nung mga lalaki kong classmates ng high school kasi ang papangit Lol. joke lang. Baka lang kako mag-isip sila ng kung anu-ano HAHAH.
Saka totoo yung pagsusulat sa notebook ko. Hoy, pero babae ang gumawa nun, ah? HAHAH Na shock talaga ako nung nakita ko yung sulat mo sa math notebook ko noon. Di ko pati na realize na kinuha mo yun. Anyway, natandaan ko lang yun kaya nakaiip akong magsulat nito. Thank you!
COPYRIGHT © 2015 by lovelySharian
This work is COPYRIGHT. NO PART may be REPRODUCED, COPIED, SCANNED, STORED in ANY RETRIEVAL SYSTEM, RECORDED or TRANSMITTED in ANY FORM BY ANY MEANS WITHOUT THE PRIOR WRITTEN PERMISSION from the AUTHOR.
This is a work of fiction.
Names, characters, place, and incidents are either product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual people, living or dead, events or places is entirely coincidental.
BINABASA MO ANG
The Notebook (One Shot)
Short StoryAno nga ba ang nilalaman ng isang notebook ng isang estudyante?