01

26.3K 567 240
                                    

DISCLAIMER: If you feel offended, kindly please exit na lang? This is purely fictional. If you don't like it, then go away and leave this story alone.

~•~•~•~

Angel


"Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo...
Mapasaamin ang kaharian mo...
Sundin ang loob mo...
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan mo kami ngayon...🎵"

Eto ang kasalukuyang ganap sa loob ng St. Joseph Cathedral. Nasa harapan ako ng malaking altar nakapwesto katabi ang dalawa kong kapatid na madre na sila sister Theresa at sister Elizabeth. Ang kuya naming si father Matthew ang nagsisilbing pari ngayon, habang yung bunso naming si Peter naman ang tumatayong sacristan nito.

Puno ng tao ang simbahan, at karaniwan sa nag-aattend ay mga babaeng estudyanteng may malaking crush kay kuya Matthew at Peter. Hindi na ako nagtataka dahil palaging ganito ang kinalalabasan sa tuwing sila ang nagmimisa sa cathedral.

"Angel, huwag mong kalimutan sindihan ng kandila yung altar natin mamaya sa bahay pag-uwi mo, ha? Matatagalan pa kami ni Theresa dito sa simbahan dahil may spiritual reading pa kaming gagawin." pabulong na tugon sakin ni Ate Elizabeth matapos ang kanta.

"Opo, ate." magalang kong sagot.

"Huwag mo ring kalimutan mag rosaryo mamaya. Saka basahin mo din yung librong ibinigay sayo ni Father Christian kahapon. Makakatulong yun sayo."

Tumango ako saka nag concentrate sa misa.

Magdadalawang taon na akong Aspirant sa Monasteryo ng St. Joseph Cathedral. Ito ang pinaka unang stage para maging isang ganap na madre. This period is a time of discernment intended to help young women like me to make our personal decision regarding about God's plan for us. Ang purpose sa stage na'to ay mag-provide ng necessary formation para sa mga babaeng nagbibigay ng signs of religious vocation na maging isang alagad ng panginoon with purity of intention.

Ilang buwan mula ngayon ay magiging Postulant na ako. Ito yung stage kung saan ini-introduce sa amin ang life with Christ, love of the Virgin Mary, examination of conscience, practices of piety, silence and discipline, knowledge of the charism, life and activities of the Institute and community life ect.

Desidido ako sa buhay na tinatahak ko ngayon. Lumaki ako sa isang reliheyosong pamilya at nakasanayan ko nang palaging diyos ang inuuna. I don't feel any regret of my decision because I could feel that God is calling me to the religious life. Masaya ako sa naging choice ko. And I'm more than willing to spend my years studying and participating in the monastery and become a devoted server of God. Bata palang ako, nagpapakita na ako ng interest na maging katulad nila Ate at Kuya. Na-witnessed ko yung journey nila kung sino man sila ngayon at gusto kong sumunod sa yapak nila at maging katulad nila. That's why nandito ako upang tuparin ang pangarap kong yun.

Matapos ang isa't kalahating oras na misa ay nagsi uwian na ang lahat. May ilang nagpa-iwang church attendees para mag mano kay kuya Matthew. Most of them are girls. Natawa nalang ako dahil bakas sa mukha ng mga ito ang kilig. Lumapit ako sa kinaroroonan ng altar para haplusin ang rebulto ni Mama Mary. Sunod kong nilapitan ang Puong Nazareno at iba pang rebulto para haplosin din ang mga ito.

"Angel, sasali ka ba sa Spiritual Reading namin mamaya?" rinig kong tanong ni Mother Superior sa akin. Nilingon ko ito at magalang na nginingitian.

"Hindi muna sa ngayon, mother. Tatapusin ko pa kasi yung bible verse study ko e."

"Ah sige, pero bukas sumali ka sa Eucharistic prayer namin, ha? Mas maganda kasi kung sama-sama tayong lahat sa araw na yun."

Sanctuary Island  (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) REPUBLISHED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon