"Angel, sasama ka ba sa outreach program nila Mother Superior bukas?" tanong ni sister Josephine habang palabas kami ng Monasteryo. Kakatapos lang namin umattend sa naganap na Eucharistic prayer at palakad na kami ngayon sa simbahan para sa daily rosary of contemplation and intercession."Hindi ata, sister Josephine. Balita ko kasi mga Novice at Juniorates lang ang pwedeng sumama sa Batangas e." sagot ko.
"Oo, pero pwede mo naman pakiusapan sila Mother Superior. Mas maganda kasi kung nandon ka para makita mo rin kung ano ang ginagawa ng mga Novice at Juniorates doon."
Napa-isip ako saglit. Tama si sister Josephine, magandang ideya yun since gusto ko ring makita sila Ate Elizabeth at Ate Theresa doon. Pareho kasi silang novice. Aside sa Outreach program, magkakaroon din sila ng discussion tungkol sa Sacred Scriptures at Sacramental Theology. I wanted to know that dahil hindi sapat yung advance study ko tungkol sa topic na yan. I want to learn more.
"Sige susubokan ko pong tanongin sila ate mamaya kung pwede." saad ko.
Tumango si sister Josephine bago ngumiti. Pumuwesto na kami sa upoan paharap sa malaking altar at saka lumuhod. Sabay kaming nag sign of the cross bago tahimik na isinagawa ang pag-rorosaryo.
Buo ang concentration ko habang nagdadasal. Both of my heart and mind is at peace. Nagtagal ng dalawang oras ang pagdadasal namin at hindi ako nakaramdam ng pangangalay sa tuhod kahit dalawang oras na akong nakaluhod.
After the holy rosary, lumapit kami sa altar at hinaplos ang paa ng crucifix. Maya-maya pa'y nauna na si sister Josephine nagpaalam dahil maghahanda pa daw ito sa magaganap na Outreach program nila bukas. Tinangohan ko lang ito bilang sagot saka lumabas ng simbahan para mag-pahangin. May nakita akong ilang batang naglalaro sa may fountain side. Nagtatawan ang mga ito habang gumagawa ng flower crowns. Marahil naramdam nilang nakatingin ako sa kanila dahil lumingon sila sa gawi ko.
"Hello." I smiled at the kids.
"Ate Angel!" nag-uunahan silang lumapit sa akin at yumakap sa baywang ko.
"How are you, kids?" I adoringly asked. Masuyo kong ginulo ang ulo nila at ginantihan ng yakap. Ang mga batang ito ay ulila na at nasa St. Joseph Orphanage Homes nakatira.
"Okay lang po kami, Ate." halos sabay na sagot nila sakin.
"Nag attend ba kayo ng communion nyo kanina?"
"Opo, tapos na po."
"Very good." i smiled at them again making them all giggle. These kids loves my care and affection so much. Sa akin kasi mas close ang mga ito kumpara sa ibang Aspirants. Sinasamahan ko kasi sila paminsan-minsan sa communion nila kaya mas malapit ang loob nila sa akin.
"Ate Angel mas lalo ka pong gumanda ngayon." bola ng batang si Miggy. 11 years old na ito at nagtetraining bilang sakristan ng simbahan.
"Asus, inu-uto mo na naman ako e." biro ko.
"Hindi po kita inu-uto ate Angel. Nagsasabi lang po ako ng totoo."
"Sige na nga, kunwari naniwala ako." amused ko itong pinisil sa ilong bago nahagip ng dalawang mata ko si father Matthew. Saglit akong nag-paalam sa mga bata upang lapitan ito.
"Kuya." tawag ko sa atensyon nito.
"Angel." tumigil ito sa paglakad at lumingon sa kinaroroonan ko. I walked towards him.
"Sasama ka ba sa Outreach program nila Mother Superior bukas?"
"Oo, sasama ako. May magaganap kasing misa bago magsimula yung programa."
BINABASA MO ANG
Sanctuary Island (ɢxɢ / ɪɴᴛᴇʀꜱᴇx) REPUBLISHED
Lãng mạn~ COMPLETED/Editing ~ Angel and the five Demons, rawr