Kayganda pagmasdan ang iyong mga mata
Kagaya nang buwan na nasa langit
Lumiliwanag sa madilim Kong Buhay
Nagbibigay kasiyahan sa Puso Kong matagal nang nalumbay
"TAPOS ka na bang tumitig?" parang 10 seconds pala kaming nagkatitigan sa isa't -isa, dahil sa tanong niyang ito, ay umayos agad ako nang tayo. At iniwas ang tingin ko."Ah.. eh s-sorry" nakatingin siya sa akin, na animo'y hindi niya alam ang sinasabi ko. Nakalimutan Kong hindi nga pala uso ang English sa panahong ito.
"Ah. Paumanhin" pagtatama ko sa sinabi ko, napadako naman ang tingin ko sa kasuotan niya at base dito isa siyang hukbo. Kasi nakasuot siya nang sundalong kagaya nung nasa picture sa history class ko. Napadako naman ang tingin ko sa Mukha niya, may itsura siya at makikita mo talagang siya'y may lahi nang banyaga.
Nagtataka naman siya kasi parang hinuhubaran ko pagkatao niya dahil sa titig ko. Kaya napaiwas agad ako nang tingin, tumalikod naman siya at nagpatuloy sa paglalakad. Amfee niya naman kung minamanyak ko siya Diba? Hmmpp ......
"Wait?.. " tumigil ito at lumingon sa akin, naka poker face lang Mukha niya. Tch tch mukhang masungit ang Lolo niyo. Pero kahit ganun ay bakit lumilitaw pa rin ang kapogian nito? Stop Feliz!
"Hindi ko kasi alam ang pabalik sa bahay nila Miguel." Ikinakunot nang noo niya nang sabihin ko ang pangalan ni Miguel.
"I mean... Ah ano... S-Senior Miguel. Pwede mo ba akong samahan?" Hindi ito nagsalita bagkus ay nagpatuloy ito sa paglalakad. Kaya sumunod nalang ako sa kanya."Susunod ako sayo ha, " hindi parin siya sumagot.....
Walang nagsalita sa amin habang naglalakad, dahil hindi na ako nakatiis ay nagsimula na akong magsalita....
"Ah.... Isa ka bang soldier?" Tanong ko sa kanya, na mas lalong ikinakunot nang noo niya. Padilim na rin ang paligid. Kaya mukhang nakakatakot kung mag-isa ka lang baka may mga ligaw na uso dito or kaya wild animals.
"Ah.. ano sundalo." Marahan naman siyang tumango... at itinuon nalang ang tingin sa harap. Base sa tindig niya mukhang madalas siya mag work out. Pati ba naman yan Feliz na observe mo?"Taga dito ka ba?" Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. Rinig na rinig ko naman ang tunog nang barel niya na natatamaan nang kanyang belt.
"Oo" maikli nitong salita. Ano ba ang Lalaking ito tipid naman magsalita. Panis ata laway nito.
"Isa ka bang sundalong pilipino?" Sa history class namin ay may mga sundalong pilipino kasi na nagsusuot nang kagaya nang uniform nila, at yun ang sinasabak nila sa labanan at hahayaang mamatay. Ang mga Espanyol naman ay nasa kwartel lamang.
"Hindi" wow Isang sagot sa Isang tanong. Galing.
"Isa Kang Espanyol?!" Nagtataka naman itong nakatingin sa akin, lagi nalang ba siyang magtataka sa akin? Yung totoo ngayon lang ba siya na ka meet nang babaeng nagsasalita sa kanya?
Magtatanong Sana ako sa kanya kung kaano-ano niya si Miguel nang......
"Felicia!" Narinig Kong tawag ni Ama sa akin
"Gabriel!" Tawag ni Miguel sa Lalaking Kasama ko.Lumapit naman ako Kay Ina, Ama at Ate Florida, na nakatayo sa tapat nang pamamahay nila Miguel.
"Saan ka ba nagtungo?" Nag-aalalang tanong ni Donya Josephina
"Ah.. galing po ako sa hardin" mahina Kong Sabi, mukhang mapapagalitan pa ako sa harapan nang sundalong ito."Magsabi ko kung saan ka pupunta, hindi yang aalis ka nalang bigla." Eh.. nagsabi Kaya ako yun nga lang napalayo ang paglalakbay ko hihihi.
"Pero-" Natigil naman ako nang magsalita si ama
BINABASA MO ANG
Amor en la lluvia
Historical FictionHistorical period Alert! Isang babaeng nangarap nang buong pamilya, masaya at tanggap siya. Ngunit pagmulat ng mata niya ay hindi maintindihang lugar ang bumungad sa kanya. Isang makalumang lugar, panahon ang nakikita niya, siya ay bumalik sa sinaun...