Ang storya natin ay Isang bangungot sa akin
Hindi ko gugustuhing mabalik sa piling
Nang Isang masamang tao
At walang Puso."Felicia, ipinabibigay nang iyong ama... Sana naman ay patawarin mo na siya" pumasok si Donya Josefina sa aking silid at iniabot niya ang libro.
Si Don Rafael ay napakabait na ama sa dalawang magkapatid na Sina Florida at Maria Felicia. Si Felicia ang paborito niyang anak dahil maalam ito at magislaw. Pareho rin sila nang paboritong ulam ang adobong manok. Si Felicia rin ang anak na ayaw niyang mawala sa Buhay niya.
Nakahiga ako ngayon at walang pinapansin kahit sino sa kanila. Ang akala ni Don Rafael ay nagtatampo ako sa kanya dahil hindi niya tinulungan ang mag-ina. Pero ang totoo ay bago sa akin ang pagmamahal nang isang ama.
Lumabas na si Donya Josefina nang hindi niya makuha ang sagot sa akin, naisip ko naman ang nangyari kanina.
Ganun ba kalupit ang isang Gabriel Alonso?
Nagawa niyang patayin na walang halong pag-alinlangan ang pamilya na iyon.Bumangon na ako at pumunta sa office ni ama sa panahong ito ay ibang-iba si Don Rafael sa Daddy ko Kaya hindi nito deserve ang malamig na pakikitungo.
Kumatok ako nang ilang ulit...
"Pasok" rinig kong tinig ni ama sa loob nang office nito.
Huminga ako nang malalim bago pumasok, pinihit ko ang pinto at pumasok na.
Nakaupo naman si Don Rafael habang may binabasa. Inangat niya ang ulo niya at ngumiti ito sa akin, Kaya napangiti na rin ako.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at hindi ko alam Kong anong sasabihin sa kanya. Hindi ko naman na experience ang kumausap sa isang ama, dahil hindi naman ako pinapansin ni Daddy dati.
"Hindi ka na ba galit sa akin?" Tanong nito sa akin. Kaya lumingo ako.
"Kailanma'y hindi ako nagalit sayo A-ama" Sabi ko na ikinangiti nito.
"Alam ko naman na hindi mo ako matitiis aking anak, o siya alam ko ang iyong gusto, nakahanda na sina Ate Florida mo sa labas nang Bahay." Dahil sa kasiyahan niya ay gusto niyang ibigay ang gusto nang kanyang bunsong anak na si Maria Felicia. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito...
Si Maria Felicia ay ang pinakamagandang Binibini sa nayon nito, maraming binata ang gustong pakasalan ito. Ngunit Wala pa sa isip nito ang mag asawa. Tuwing nagtatampo ito sa kanyang ama ay lagi nitong hinihiling upang mawala ang tampo niya ay ang makapunta sa bayan at manood nang mga benta at theatro sa bayan.
"Sige na!" Lumabas naman ako at Nakita ko si Ate Florida na Kasama si Angelita at Isa pang lalaki.
"Oh nariyan na si Felicia, alam Kong sobrang saya niyang puso mo." Nakangiting Sabi ni Ate Florida sa akin.
Hinila niya naman ako upang, sumakay sa kalesa, pinagitnaan naman ako ni Ate Florida at Angelita."Alam Kong nagtataka ka't iba ang kalesa ang sasakyan natin ngayon. Si Manong Adolfo ay sasama kay Ama papunta kina Kapitan Hidalgo"
Hindi naman ako nagtataka eh, excited pa nga ako kasi hindi pa ako nakapunta sa bayan sa panahong ito.
"Oo nga pala't kina Heneral Gabriel ang kalesa ito, at yan naman si Tonyo ang Kanyang kutsero."
BINABASA MO ANG
Amor en la lluvia
Historical FictionHistorical period Alert! Isang babaeng nangarap nang buong pamilya, masaya at tanggap siya. Ngunit pagmulat ng mata niya ay hindi maintindihang lugar ang bumungad sa kanya. Isang makalumang lugar, panahon ang nakikita niya, siya ay bumalik sa sinaun...