Para sa aking mga mambabasa,
Hindi ko pinangarap maging guro.
Tatay ko lamang ang pumili nito para sa akin.
Ayaw ko talaga nito, e.
Ang pangarap ko ay maging isang doktor. Kaya lamang, sa kalaunan ay naisip kong gusto ko lamang ito para sa puting uniporme.
Hindi nagtagal ay nalaman ko talaga kung anong gusto ko...
Gusto ko maging manunulat. Maging malayang manunulat.
Gusto kong magsulat ng karanasan ng mga taong makakasalamuha ko o kaya ang karanasan ko mismo.
Kaya lamang, huli na ang lahat.
Enrolled na ako sa kursong pinangarap sa akin ng tatay ko.
Titiisin ko na lamang. Tiniis ko. Kaya ko naman maging manunulat kahit na hindi ako kumuha ng Creative Writing bilang programa. Balita ko ay mayroon naman daw ganoong kurso sa programang pinili ko.
Sa tatlong taong ginugol ko sa pag-aaral ng Edukasyon, nalulungkot ako.
Parang hindi ako natututo.
Parang hindi masaya.
Parang ayaw ko na.
Aaminin ko, ginusto ko nang sumuko.
Naisip ko pa, wala na ngang pera sa pagtuturo, hindi pa ko masaya. Mabuti pa yung iba na hindi man ito ang pinangarap nila, pero siguradong panalo ka naman sa mga oportunidad at sahod.
Nakakalungkot naman!
Pero alam mo ang nakakatawa?
Hindi ko ito ginusto pero bigla kong minahal.
Totoong mamahalin mo ang isang trabahong mahirap dahil sa mga taong nakakasama mo.
Nung nagfield study at practice teaching ako, doon ko natutuhang mahalin ang propesyon ko dahil sa mga bata! Sa mga batang tumatawag sa akin ng "ma'am".
Alam mo bang may interview na dapat ako sa isang eskwelahan na gusto ko pero bago ang interview ko pinili ko ang school na kung saan ako nagp-practice teaching.
Bakit?
Hindi dahil sa paaralan, kung hindi dahil sa mga mag-aaral.
Gusto ko silang makitang magtapos. Gusto ko nandoon ako sa araw ng kanilang pagtatapos.
At sisiguraduhin kong nandoon nga ako.
Gumagalang,
Binibining Felicidad Rosas
YOU ARE READING
Anong Kwento Mo?
RandomAng kabataan ang malalakas humiyaw nguni't walang nakaririnig. Ang mga kabataan ang sumisigaw upang maintindihan pero hindi maunawaan. Ang mga kabataan ang laging nasisisi nguni't ang nais lang naman nila ay sila ay pakinggan. Ayan ang reyalidad na...