Humahataw ang puso ko. Nakapila kami sa likod kasama ang mga katrabaho kong guro. Isa-isa na kaming pinapakilala ng aming principal sa harap ng mga bata. Orientation kasi ng mga bata kung kaya kasali rin sa program ang faculty members. Sinasabi ng aming principal ang kung ano ang hawak naming asignatura, seksyon, at kung anu-ano pa.
Sobrang lakas nang kabog ng puso ko.
Bakit?
Ang una kasing ipinakilala ay ang kaibigan kong sa school na ito rin nagpractice teaching. Sobrang lakas ng sigaw para sa kaniya. Halatang paborito at gusto siya ng mga bata. Totoo naman. Kawili-wili naman talaga ang kaibigan kong iyan.
Kinakabahan ako na baka sa dalawang buwan ko ng pagsasanay, wala sa aking may gusto. Baka wala akong naimpluwensiyahan. Baka hindi kasing lakas o lumapit man lang ang lakas ng sigaw ng mga batang ito kay Sir Herson, sa sigaw nila sa akin.
Kung gano'n ay mag-iisip-isip na ako kung nasa tamang landas ba ako ng propesyon.
Hindi ko naman ito gusto, hindi ba?
Hayyy, why am I gaslighting myself?!
Ako na ang susunod. Ramdam na ramdam ko ang bilis nang takbo ng puso ko. Sobrang lakas. Ramdam na ramdam ko rin ang pagpapawis ng mga palad ko at paa ko.
When it's my turn, when my principal started saying...
"Dito rin siya nagpractice teaching..." He literally became audible after that line because of the loud cheer of the students.
Hindi ko naintindihan kung ano ba ang accomplishments ko na sinabi ni Sir Gonzales dahil nalunod ng sigaw ang boses niya.
"Binibining Felicidad Rosas!" Ayon na lamang ang aking naintindihan.
Sa oras na ito, naramdaman kong nagbigay din ako nang malaking impluwensiya sa kanilang buhay.
Hindi ako nagkulang.
Hindi ako magpapalit ng propesyon.
Bb. Rosas
YOU ARE READING
Anong Kwento Mo?
RandomAng kabataan ang malalakas humiyaw nguni't walang nakaririnig. Ang mga kabataan ang sumisigaw upang maintindihan pero hindi maunawaan. Ang mga kabataan ang laging nasisisi nguni't ang nais lang naman nila ay sila ay pakinggan. Ayan ang reyalidad na...