Chapter Five

10 2 0
                                    

"How's life there, my dear best friend, Amor?" Gab called her early in the morning.

That friend of hers has a hobby of waking her up early in the morning with a different ways.

"Bakit hindi mo man lang sinabi na ganitong trabaho pala ang papasukan ko? Parang nabigyan ako ng libreng tirahan at pamumuhay eh. Kung paglilinis ang pag-uusapan, mukha namang maski mga dumi ay mahihiyang tumapak dito. Sa pagluluto at paglalaba naman mukhang gagawin ko lang iyon para sa sarili ko dahil madalang lang naman daw umuwi si West dito. Ang sabi niya ay umuuwi lang siya dito para matulog." Dismayado ang tono na ani Aurora Amor na nagpahalakhak sa kaibigan sa kabilang linya.

"Bakit parang dismayado ka, sis? Miss mo agad?" Humalakhak nanaman ito na ikinasimangot ni Aurora Amor.

"H-Hindi ah. Huwag ka ngang imbento dyan." Suway niya sa kaibigan.

"Naku, naku! Ang swerte mo nga eh. Isang Genovese? My gosh! Alam mo ba na halos himatayin ako nang tumawag siya sakin–"

"Tumawag? Sa'yo?"

"Ah, wala-wala. Sige, I'm hanging up na, sis. Bye!"

"Teka–binabaan ako?" Napakamot sa kilay si Aurora Amor dahil sa inasta ng kaibigan.

KAHIT napakaaga pa ay naligo na ang dalaga.

Napakasarap sa pakiramdam gawa ng napakaganda ng gising at maayos ang tulog niya.

Binalot niya ng tuwalya ang sarili bago lumabas ng bathroom.

Nakagawian niya na ang pagtutuyo muna ng buhok bago magbihis. Akmang uumpisahan niya ng tuyuin ang buhok nang may marinig siyang tunog galing sa labas ng guestroom na inuokupado niya.

Mahigpit na hinawakan niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan at walang pagdadalawang isip na lumabas ng guestroom.

Wala na ang tunog na narinig niya kanina lamang ngunit may naamoy siyang kakaiba na hula niya'y galing sa kusina.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang may makitang nakahain na pagkain sa dining table.

"Goodness gracious..."

Agad siyang humarap sa likod niya nang marinig ang pamilyar na boses.

Akmang tatakbo siya pabalik sa guestroom para magbihis nang madulas at mabitawan niya ang tuwalyang nakabalot sa katawan. Dahil doon ay napapikit siya at napatili, hinihintay na bumagsak sa matigas na sahig ngunit hindi ganoon ang nangyari. May matigas at mainit na mga braso ang sumalo sakanya.

"H-Hala!"

Pikit-matang tinakpan ni Aurora Amor ang pribadong parte ng katawan. Sa harap at ang nasa ibaba.

Pakiramdam niya ay maiiyak siya anumang segundo.

"I'm not looking. Go, get your towel."

Nagpapasalamat siya at mukhang wala namang nakita si West. Nakaiwas at nakapikit rin ang dalawang mata nito.

Agad na inayos ni Aurora Amor ang sarili at mabilis na tumakbo sa guestroom.

Anong nangyari Aurora Amor?

Napaupo siya sa kama at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay.

"Hindi ka kasi nag-iingat!" Tinuktukan niya ang sarili ngunit agad din na nagsisi nang mapalakas iyon. "Nakakahiya... Paano ako haharap sa kanya nito?" Pagkausap pa niya sa sarili.

Hindi na siya nag-abalang magtuyo ng buhok. Nagbihis na lamang siya, tanging paa, kamay at ulo lang ang kita. Balot na balot.

Ilang minuto na siyang palakad-lakad sa tapat ng pinto. Kagat-kagat ang kuko sa daliri. Hindi malaman kung lalabas ba o hindi.

Enigma Series 1: West GenoveseWhere stories live. Discover now