Chapter Six

16 1 0
                                    

Papunta na sila sa parking lot ng kaibigang si Gab pero hanggang ngayon iniisip pa rin niya ang mga binitawang salita ng kaibigan.

Napakalalim ng mga iyon.

Pakiramdam niya ay naging mangmang siya sa mga salitang namutawi sa bibig ng kaibigan. Hanggang ngayon hindi pa rin niya napoproseso ng buo ang mga iyon.

"Ihahatid na kita. Nabawi ko na ulit ang sasakyan at mga cards ko sa tatay ko. Sayang lang at wala tayong oras makapagchill man lang. Pagkagraduate talaga natin, paparty tayo ng bongga! Diyos ko, naistress na ako ha-hoy! Kanina ka pa parang wala sa sarili. Lutang ka girl?" Nagtatanong ang mga mata na binalingan niya ang kaibigan.

"Iniisip ko pa rin hanggang ngayon 'yong mga sinabi mo kanina. Ang lalalim kasi."

"Huwag mo ng isipin muna ang tungkol doon. Malilinawan ka rin sa oras na ikaw na mismo 'yong nasa posisyon ng nagmamahal. Tara na nga-oww!" Namimilog ang mata at bibig ng kaibigan habang nakatingin sa kung saan kaya sinundan ni Krizza ang tingin na iyon ngunit parang sinuntok ang bahaging puso niya sa nakita.

West is cupping a woman's face.

They were in such close proximity, and that had an impact on Aurora Amor.

"Genovese 'yon 'diba?" Some of their schoolmates said.

May mangilan-ngilang tao sa parking lot at nakikita ang eksena ng lalaking si West kasama ang isang babaeng mukhang medicine student. Ang ilan ay pasimpleng kinikilig ngunit ang iba ay dismayado dahil nakitang may kasamang babae ang lalaki.

"T-Tara lapitan natin," may pekeng ngiti na pag-aya niya sa kaibigan.

Hindi dapat ako apektado at lalong huwag kong kalilimutan na amo ko si West Genovese. Pagpapaalala niya sa sarili.

"Sigurado ka?" May pag-aalala na ika ng kaibigan ni Aurora Amor.

"Bakit naman hindi? Tara," nauna si Aurora Amor na lumapit na sinundan agad ng kaibigan.

"Uhm, hi?"

The awkwardness was palpable, and only Aurora Amor and Gab seemed to feel it.

Tinignan ng lalaki at ng babaeng kasama nito si Aurora Amor at ang kaibigan niya na may nagtatanong na tingin.

"Yes?" Nakasimangot na usal ng babaeng puro puti ang suot.

Medicine student, indeed. Base na rin sa name plate na nakakabit sa chest part nito. She's Janine Castro.

Bagay sila... Sa isip ni Aurora Amor.

"G-Gusto lang namin na... na batiin kayo." Tinitigan ni Aurora Amor ang lalaki sa mata. "Hindi ko alam na may kasintahan ka pala, West." Nakangiti na ika niya ngunit ang boses ay dismayado.

Si Aurora Amor ay medyo nababahala sa isang bagay sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata nito ngunit hindi niya maisip kung ano iyon.

Napakunot ang lalaki sa inusal ni Aurora Amor.

Talaga ngang may kakaiba sa lalaki. Iyong paraan ng pagtingin nito ay para bang naguguluhan.

"A-Ah pasensya na kayo. Nagkamali lang ang kaibigan ko." Hindi niya pinansin ang sinabi ng kaibigan. Hinila siya nito ngunit ang tingin ni Aurora Amor ay nasa lalaki pa rin. "Tara na, Amor. Ihahatid na kita."

"Wait... Aurora Amor?" Tawag ng lalaki ngunit huli na dahil isinakay na siya ng kaibigan sa sasakyan nito.

"That man-"

"Ayokong pag-usapan ang tungkol sa kanya, Gab. Sa susunod na lang natin pag-usapan." Putol niya sa sinasabi ng kaibigan habang nakatingin sa kawalan.

Narinig niya ang pagbuntong hininga nito.

Enigma Series 1: West GenoveseWhere stories live. Discover now