Please correct my grammatical errors if I'm wrong. Mas ayos po yun sa'kin!
_____
"T-Tito, bata po 'yan, parang awa n'yo napo." pinipilit kong palakasin ang loob ko dahil natatakot ako, isang maling kilos o salita ko ay maaring mapa-hamak ang anak ni Dos.
"Shit." mariing usal ni Third sa aking likuran.
"Ibaba n'yo ang mga baril na dala n'yo kung ayaw n'yong sumabog ang ulo ng bata na 'to." humihikbi si Miracle dahil sa takot, she's fragile para sa gantong klase ng sitwasyon. Hindi na ako magugulat kung may isang masakit na mararanasan si Miracle.
"Isa! ihahagis n'yo o sasabog ang utak ng bata na 'to."
"Tangina. Hindi magugustuhan ni Dos na makita ang anak n'ya sa ganitong sitwasyon."
Tama sila, hindi kakayanin ni Dos kung mawawala sa kanya si Miracle.
"Ako kapalit n-ng bata, Tito." mahinang usal ko. Narinig ko ang mura nila na tila ba hindi gusto ang desisyon ko, wala silang magagawa dahil ito lang ang alam kong paraan para makatas si Miracle.
"Madali naman akong kausap, Tulian or should I say Princess Mischa Polina. Ibibigay ko sa mga kaibigan mo ang bata-"
"Ako... k-kapalit ni Miracle at ni Volt." putol ko sa kanya kaya napa-ngisi naman ito.
"Dalawa kapalit ng isa? Masyado naman yata akong lugi sa hinihiling mo." napa-pikit ako ng mariin deahil wala akong ibang maisip.
"Ang bata kasama si Volt kapalit ng anak mo." narinig kong aniya mula sa aking likuran. Nan-laki ang mga mata ni Tito dahil mukha hindi n'ya inasahan na hawak ng Rivera ang anak n'ya.
"Iharap n'yo saakin ang anak ko ngayon din. Bibigyan ko lamang kayo ng isang oras para dalhin dito si Luna. Siguraduhin n'yong walang kasamang pulis kong ayaw n'yong dalawang sabog na ulo ang makita n'yo." masyadong mautak si Tito.
"Sa ganitong paraan moba talaga gustong makuha ang palasyo...ang trono? Handa kang pumatay ng mga inosenteng tao para lang sa palasyo. Buhay kapalit ng trono? Paano mo pamumunuan ang isang bansa kung isa kang mamatay tao, hindi dahas ang kailangan sa lahat ng bagay. Pwedeng daanin sa usapan ang lahit, hindi sa sakitan at sa gulo. Kapatid ka ni Papa at alam kong mabuti karin kagaya n'ya, kinakain kalang ng inggit kaya mo 'to nagagawa, Tito." tumingin ako kay Tito at nakita ko ang pagba-bago ng expression ng mukha nito. Ang kaninang nakaka-takot na awra nito ay napalitan ng lungkot.
"Hindi mo ako naiintindihan, Tulipian!" sigaw nito at saakin na tinutok ang baril dahilan para mapa-singhap kaming lahat.
"P-pwes ipa-intindi mo saakin, Tito. Nagawa mong ipa-patay si Lolo dahil masaydo mong minama-dali ang pagpa-pasa ng korona, ipinapatay n'yo si Ate dahil sa kanya ibibigay ang palasyo. Kinuha n'yo at pinag-malupitan si Mama dahil s'ya ang Reyna. Muntik ng mamatay si Papa dahil sa inyo. Marami ng buhay ang nawala dahil sa inyo ng anak mo. Sabihin mo saakin, Tito, ganitong pamumuno ba ang nais mong gawin sa Russia? Papatay ka dahil hindi mo...hindi n;yo makuha ng anak mo ang gusto n'yo. Papatayin n'yo lahat ng tututol sa inyo? Alam kong may konsensya kapa sa katawa mo, Tito. May oras kapa para mag-bago. Maaaring hindi para sayo ang pamumuno dahil may mas magandang bagay ang naghi-hintay sayo." mahinahong paliwanag ko sa kabila ng takot na nararamdaman ko.
"Umpisa palang pinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko sa anak ko ang magandang buhay, isa na sa pangako ko ang gawin s'yang prinsesa o prinsipe ng palasyo, pero nasira 'yon dahil ama mo. S'ya nalang palagi ang mahal ng Hari. Inigaw saakinj lahat ng ama mo! Simula palang ay saakin na si Mikah pero kinuha n'ya saakin ang babaeng mahal ko. Ako dapat ang mahal ni Mikah at ako dapat ang ikakasal sa kanya kung hindi sumingit ang hari at ang ama mo. Sinira ng ama mo at ng kapatid mo lahat ng plano ko para sa magiging anak ko! Sinira ng pamilya mo lahat ng pangarap ko!" sigaw nito saakin at pina-putok ang baril sa taas , napa-atras ako napa-tingin kay Miracle na walang humpay sa pag-iyak.

BINABASA MO ANG
Rivera Series2 : Bad Encounter (COMPLETE ✅)
Romance|| EXPLICIT MATURE CONTENT!! || || WARNING ⚠ R 🔞 || ||UNEDITED|| 𝙳𝚘𝚜 𝚁𝚒𝚟𝚎𝚛𝚊 𝚡 𝚃𝚞𝚕𝚒𝚙𝚒𝚊𝚗 𝚅𝚎𝚐𝚊𝚜 Hindi ko alam na aabot ako sa punto ng buhay ko na luluhod ako sa harap ng babaeng mahal ko. Handa akong maging mababa makuha kolang...