Patawad, Chicser

112 7 5
                                    


Dear Chicser,

Hello! Ako 'to! Si Tabs. Yung iniinis niyo noon? Or siguro di niyo na ako natatandaan. Well, ako si Caitlyn Reyes. Childhood friend mo Ranz.

Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko 'to uumpisahan. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa inyo. Sa grupo niyo. Sa mga tagahanga niyo.

Naalala ko pa nung naging fangirl niyo ako. Haha! Instant friends nga kami ni Owy nun eh. Alam daw niya kung ano yung nararanasan kong bullying dahil sa katawan ko. Chubby kasi. Pero imbes na ibully niyo ako, nagulat ako dahil kahit sinong fangirl, mahal niyo. Pero sana normal na mahal na lang sa fan noh?

Buong buhay ko pinangarap ko na magkaroon ng boyfriend na isa sa inyo; gaya ng pangarap ng iba pa. Napaka-assuming ko rin noh? Pero salamat, dahil sa pagstalk ko sa inyo, naging magkakaibigan tayo.

Ang saya na mapansin niyo ako! Mas lalo nung nag-offer kayo na maging bestfriend niyo ako! Naalala ko pa nga nung nagpasampal ako kay Cav para malaman kung legit lahat yun eh. Pero echos lang yun. Gusto ko lang maramdaman yung kamay niya. Hihi.

Grabe. Mas sumaya pa ako nung unti-unti niyo akong fini-feature sa mga videos niyo. Sinasama niyo na rin ako sa GTs niyo at sa close encounters kahit water girl lang.

Pero totoo ngang sa lahat ng happy moments, may kakambal pa lang lungkot lahat yun.

Simula nung naging close ako sa inyo, hindi nawala ang haters or bashers. Kesyo who's that fat girl with you daw. Ang saket. Nadagdagan yung bullying na naranasan ko.

Pero salamat kay Cav. Dahil isa siyang suki ng gym, he introduced me to fitness. Salamat sayo Cav. I owe my life to you now.

Nung nagtransform ako, may haters na naman kasi daw mukhang nakikipag-flirt daw ako sa inyo. Pero thank you ulit sayo Ranz kasi pinagtanggol mo ako. Yung sinabi mo na mas kilala mo ako dahil childhood friend mo ako. Ang saya ko! Kasi akala ko hindi mo na ako naaalala.

Sorry Ranz kung naging duwag ako na sabihin sayo na ako yung bestfriend mo noon. Sorry kung ganon. Gusto ko lang kasing malaman kung ikaw mismo yung makakaalala sa akin eh. #medyodemanding

Naging close lalo tayo at mas dumami yung supporters niyo. At sa hectic ng schedule niyo, pinago-opening act niyo na rin ang boses ko at talent ko sa gitara. Kada GT, ako yung introduction dahil konti na lang ang napapractice niyong sayaw dahil sa busyness. Kaya salamat.

Hanggang naging normal na ritual na parang kasama na ako sa group niyo. It was way more than I've ever dreamed as a fangirl.

Pero dumating ang araw na iniwan ko kayo.

Natatandaan ko pa nung may lumapit na talent manager sa atin at ang akala ko parang mas pasisikatin pa kayo. Pero no. Ako pala ang sadya nila. Ako at hindi kayo.

Nag-alangan ako na iwan kayo sa mga GT at career niyo. Na-attach na ako sa kakulitan niyo. Kaya naman mahirap para sa akin na tanggapin yung kontrata. Pero in encourage mo ako, Ranz. Salamat dun sa smile mo at simpleng Kaya mo 'yan!. Naganahan ako ng loob.

Gaya ng alam niyo ngayon, sikat pa rin ako. Maraming nagpapatugtog ng musika ko sa mga cellphone speakers nila. Maraming gumagamit sa mga kanta ko para ipansayaw. Kahit kayo, ginamit niyo. Pero bakit ganun? Bakit wala na akong paki sa inyo?

Doon ko lang narealize na yumabang na ako.

I'm sorry kung nalunod ako sa fame at riches. Hindi man lang ako nakabawi sa inyo. Wala man lang akong naibigay. Tapos Ranz nung in announce mo na gusto mo akong ligawan, nagulat ako. Pero marami kayong haters. At dahil sa laki ng ego ko, hindi kita pinayagan.

Napaka-engot ko at sinayang ko yun. Natakot akong mahiwalay sa fame. Duwag pa din ako. Patawad.

Dahil sa depression sa katangahang nagawa ko, I became one of those nasty singers. Partying every night. Doing drugs. Smoking. Though hindi ako nakipagrelasyon at halikan sa ibang lalaki. Dahil kahit papaano, alam ko pa rin sa sarili ko na mahal kita Ranz.

Kung anu-anong grupo at company ang humawak sa akin at mas sumikat ako. I was so depressed. Ayaw ko na. Nasasakal na ako. Gusto ko na ulit ng masayang buhay kahit simple lang. Gusto ko na ulit kayong makasama.

At a young age, I had a heart disease. Sayang. Kasalanan ko din kasi eh. Ang dami kong bisyo. Lahat linalaklak ko para lang hindi antukin sa tours. Eto na nagkakasakit na ako. One year to go and I will need a heart transplant. And I just wanted to die. Sawa na ako. Dumami na rin ang bashers ko dahil sa pagbasted sayo Ranz. I deserve death.

One month before my assumed death sabi ng manager ko nakahanap sila ng donor. Anonymous donor daw. Sayang. I never had the chance to thank him.

And so inoperahan ako. And it was successful. Nabuhay ako. And I promised to change the way I live. I resigned from my talent company dahil hindi yun ang music na gusto ko. Ang gusto ko ay makainspire ng ibang tao. Umalis ako dun at hinanap ang bagong address niyo Ranz. Pero bakit wala akong mahanap?

I searched Chicser on Google dahil miss ko na kayo at plano kong magprint ng banner para isurprise kayo sa GT niyo. Pero lubos kong ipinagtaka ng makita kong Chicser-a Philippine dance group/recording artists disbanded in 2017.

Parang nagmalfunction ulit yung puso ko. I read the article and it explained everything.

Chicser disbanded because of the controversial rumor that Member Ranz Ongsee donated his heart to Asian Sound Machine Caitlyn Reyes. This rumor was later on confirmed by the management and his parents blah blah blah.

Hindi ako naniwala dun at tinawagan ko ang number ni Owy na nakasave sa akin dahil silang dalawa naman ni Cav ang close sa akin.

At hindi na ako nagtaka kung bakit may halong galit ang boses ni Owy nung kausap ko siya. I quickly hang up and freaked out.

Akala ko magkakasama na tayo Ranz. Akala ko tayo na pagkatapos kong gumaling. Akala ko makakapahintay ka pa.

Patawarin niyo ako sa nagawa ko. Dahil sa akin may mga nagsuicide palang fans. Dahil sa akin nadedepress yung pàmilya niyo ngayon. Dahil sa 'kin wala na si Ranz.

Patawad, Chicser.

-Caitlyn

-:-:-

This is a work of fiction. Names, places, establishments and other mentioned are all product of the author's imagination. Nevertheless, this is still protected from plagiarism.

calamansii©

Thank you for reading! If you liked it, give it a vote and check out my other stories on my profile (calamansii) or follow me for a follow back!

Byee ©

Ella xx

Patawad, Chicser (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon