Chapter 13

22.6K 1.2K 410
                                    

“You shall not murder.” – Exodus 20:13

--

Chapter 13

Angel Loise

Everytime Jandro was with me, I always thought of Marina. She didn’t say anything about the scene she caught in the kitchen nor talk about it with me. Kapag nagkikita kami sa villa, nginingitian niya ako at tinatanong ang araw ko. 

One time, nasa sala siya nang umuwi kami ni Jandro. She is normal. Parang pang araw araw na eksena sa buhay namin ang nakikita niya. Parang hindi niya alintana ang nakita. Mas ako ang nababa-bother. Dahil kung ako ang girlfriend ni Jandro at nahuli ko siyang may kahalikang iba, magagalit ako. Pag uusapan namin iyon dahil hindi iyon basta bastang issue sa akin. 

Pero bakit iba kay Marina? O iba lang siya magdala ng problema. Maaari. Iba iba tayo ng pag iisip. 

But I will never do it again. Ever.

“So, ano ang label ninyo ni Jandro? Secret lovers?”

Sakay kami ng kotseng inupuhan ng kliyente para sa byahe namin papunta sa Casa De Segunda. Magkatabi kami ni Debra sa likod kaya panay ang tanong niya sa akin tungkol sa amin ni Jandro. 

Bumuntong hininga ako. Katatapos ko lang i-chat si Jandro. Nilitratuhan ko ang loob nitong kotse at pinadala sa kanya. Pinaalam ko itong byahe namin pa-Lipa. Sinabi ko sa kanya ang address pati ang sasakyang sumundo sa amin para wala siyang masabi. Kinuha pa nga niya ang plate number ng sasakyan at pangalan ng driver. 

Giniit niyang siya ang maghatid sa amin. Matigas akong tumanggi. Marami siyang trabaho sa farm para ipagmaneho pa kami. Pinagbilinan niya akong huwag sasakay sa kay Richard kung sakaling makita namin. Kundi… ewan ko ro’n! Hindi ko na pinakinggan ang pinagsasabi niya. 

“Hindi.”

“Walang label?”

“Wala kaming relasyon.”

“E, ano kayo? Bakit ang sweet sweet niya sa ‘yo? Ang sabi ni Gerry, gusto yata ni Jandro na makipagbalikan sa ‘yo, Angel. Totoo ba?”

Uminit ang mukha ko sa galit. “Hindi ko alam, Debra. Kung totoo man, hinding hindi mangyayari ‘yan.”

Umayos siya ng upo at humaba ang nguso. 

“Paano ka nakakasiguro? Hatid-sundo ka niya gabi gabi. Tapos nag uusap pa kayo sa phone sa maghapon. May video call pa. Ano ang tawag mo sa ginagawa niya? Nagmamagandang loob? Echosera!”

Bumulusok ang hininga ko sa ilong. “Ginagawa niya ‘yon kasi-“

Binili niya ako. Pero hindi ko kayang isambulat iyan kay Debra o kahit kay Heaven pa. Naiwan sa ere ang sasabihin ko. Kunot noo akong binalingan ni Debra. 

“May gusto pa siya sa ‘yo, Angel.”

“Isang malaking kalokohan!” diin kong tanggi. 

“Ay sus. Kahit si Gerry kitang kita kung paano ka tingnan ni Jandro kapag hindi ka nakatingin. Sige nga, paano kung, nang bumalik siya rito at nakita ka niya, e bumalik din ang feelings niya sa ‘yo, aber?”

Paano kung lust lang ang tugon niya sa akin? 

Nagkibit ako ng balikat. 

“Baka hihintayin lang niyang makapagbabangluksa ka bago ka niya salakayin.”

“Salakayin ka d’yan.” 

She giggled. “Pinaiwan ka niya sa villa kasi may tama pa siya sa ‘yo. Kita mo noong ihatid tayo ni Richard sa studio? Kung nagbubuga ng apoy ang butas ng ilong no’n, natusta na si Engineer. Buti na lang kumapit siya sa ‘yo. Pustahan? Inlababo pa sa ‘yo si Jandro mo.” sabay siko niya sa braso ko. 

Mark My SkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon