Chapter 21

26.6K 1.3K 525
                                    

“Do not worship any other god, for the LORD, whose name is Jealous, is a jealous God.” – Exodus 34:14

--

Chapter 21

Angel Loise

His kisses are violent… hungry… and mad. Napaatras ako at bumunggo ang tagiliran ko sa counter dahil sa malakas na atake ni Jandro at gulat ko na rin sa ginawa niya. 

Malamig at basa ang kamay niya. Pero habang tumatagal ay nanonoot ang balat niya, unti unti kong nadama ang init dito. 

He parted my lips and entered his tongue inside my mouth. Namilog ang mata ko. My breathing drawback and my chest pounded rapidly as he explored me with intent meanness.

His lips were hard and aggressive. Through his tongue, I tasted cigarette and mint. Pero panandalian lang naglaro sa isipan ko iyon. His lips became more demanding. He is seeking for my respond that I didn’t give. He took my mouth again and again then he stopped the storm. Tumatama ang mainit niyang hininga sa ilong at bibig ko. 

Malamlam ang mata niya. Parang pagod sa ilang araw na trabaho pero hindi iyon. My lips are partly opened. “Bakit ka nandito, Jandro?” I muttered nervously. Shakingly. Tumatama ang dibdib ko sa kanya dahil sa malakas kong paghinga. 

Pinapaliguan ako ng kanyang mata. Wala itong ibang nakikita kundi ako. Walang ibang tinitingnan kundi ako. Walang ibang binibigyan ng pansin kundi ako. 

Ako lang. 

Pinagdugtong niya ang mga noo namin. Nakabuka pa rin ang kanyang labi at hingal. 

“Hindi ko na kaya…” 

I closed my eyes. Uminit ang dulo ng mga mata ko sa hindi ko malamang dahilan. 

“Hindi mo na kaya ang alin, ha?”

Humugot siya ng hangin. Dinilat ko ang mata at tiningnan niya ako nang may pagtangis. 

“Hindi ko na kayang hindi naririnig ang boses mo… Ang hindi ka makausap kahit sa text… Ang hindi maamoy ang bango mo… Ang hindi marinig ang tibok ng puso mo…”

“Stop!”

Umiling siya. “Ang hindi ka makita… Ang hindi ka mahawakan… Ang hindi ka maangkin… Ang hindi ka mahalikan…”

“Stop talking!”

“I love you! I fucking… love you!”

His teeth gritted as he stared at me with anger and frustration. Para siyang hindi nakakatulog nitong mga nakaraang araw. At tila iiyak na sa tindi ng galit. 

Hinapit niya ako sa baywang. Tinitigan ko siya. Para akong papel na pwede niyang lukutin, tiklupin at pilasin anumang oras. Pero alam ko ring hindi ko siya kayang pigilan kung hindi ko gagamitin ang lahat ng lakas ko. 

Mainit ang palad niya sa pisngi ko. Pinunasan niya ang luha ko. Hindi ko na mapigil ang pagnginig ng labi ko habang nakatitig sa kanya. 

“Mahal pa rin kita, Angel. Mahal na mahal. Hindi nagbago ang nararamdaman ko sa ‘yo. Mas tumindi pa,”

“P-pero bakit? Matagal na tayong tapos!”

Mariin niya akong tiningnan. “Sa tingin mo makakatulong iyon, ha? Sa tingin mo kaya mong patigilin ang pagtibok ng puso ko? Hindi mo nga kayang pigilan akong mahalin ka!”

“Sinasabi mo lang iyan kasi nakita mo ako ulit. Baka hindi pagmamahal iyan. Baka galit lang.”

Sumiksik ang harapang parte ng katawan ko sa kanya nang higpitan niya ang hapit sa baywang ko. Bumulusok sa galit ang hanging lumalabas sa kanyang ilong habang nakatunghay. 

Mark My SkinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon