Chapter 19 *Bestfriend*

26 3 2
                                    

Kyla's POV

Gabi na. Hindi ko magawang makatulog dahil iniisip ko ang lahat ng pwedeng mangyari sa ginagawa ko. Sa mga gagawin ko. At sa mga ginawa ko. Maraming masasaktan. Maraming magagalit. Pero.... hayy. Hindi ko alam. Dapat ko pa bang ituloy? Dapat ko na bang itigil? Tama ba ang ginagawa ko? May mangyayari bang makakatulong sakin?? Ewan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
WUSHUUUUUUUU!!!!!!!! “Lintik yan. Hindi ako makatulooooooooggg!!!!!! Waaaaaahhhh!!!!!"

Shit. May pasok pa bukas eh. Alas dos na ng madaling araw!!!!

At dahil hindi ako makatulog, hindi rin ako magpapatulog! Bwahahahahahahahaha!!!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
Anong gagawin ko? Sikretong malupit!
Bwahahahahahaah!!!

*Ring Ring Ring*

Yep may tinatawagan ako. I hope sumagot.

*The number you have dialed is out of coverage area. Please try your call again later. The number you have dialed is out of------*

Bwisit na operator yan! Hindi naman sya yung hinahanap ko ah?!!?!?! Bakit sya yung sumagot?!?! Tch. Pati ba naman operator pakielamera na?!?! C'mon!!! Kailangan ko ng kausap!!!!

Isa pa. Baka hindi na yung etchapwerang operator ang sumagot....

*Ring Ring--*

Yes! Sumagot na sya sa pangalawang ring!!! Sa wakas nagising!!! Yey! May kausap na ako!

“Hello?"

“Friendshiiiiippp!!!!"

“Kyla? What the fuck? Anong oras na?"

“Ssshh ang aga aga nagmumura agad to! Alas dos ng madaling araw."

“Shit. Friendship... to be honest inaantok talaga ako. May pasok pa bukas-- mamaya pala.... bakit ba?"

“Ah... eh... ih... hindi pa ako nakakatulog eh... kailangan ko lang ng kausap.. please friendship?? Pagkatapos nito... wag ka na matulog. Magluto at maligo ka na para pumasok.. kasi siguradong late na tayo matatapos ng pag uusap okay?????"

“Okay.... bakit? Anong problema??"

“Kasi friendship... nagdadalwang isip na ako dun sa plano eh."

“Bakit naman? Okay nga eh..."

“Eh kasu friendship... pwedeng may mali. Hindi... parang may mali... Kaya parang ayaw ko na."

“Kung kailan naman nasimulan mo na...?"

“Hay Ian Emmanuel Alcantara... alam mo bang ang tanga ng bestfriend mo? Boba kahit kailan. Hindi nagiisip.... haaaaayy..."

“Oo. Ang tanga mo nga. Ano ba kasi ang nagpipigil sayong ituloy ang pagiging kupida mo? Konti lang naman ang role mo ah? The rest... si Symon na ang gagawa.....
.
.
.
.
.
.
.
Teka. Teka.....

Sino ba talaga ang gusto mong panain sa sitwasyong ito? Si Kyrelle para kay Symon? O si..... Pao para sa'yo?"

Haayy... eto nga eh. Ewan ko kung sinong uunahin ko.

“Friendship ayun nga eh. Hindi ko alam. Pagkatapos nung ginawa ko kay Nick ano na? Ewan na diba? Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pinakaplano ko!!"

“Bakit ba kasi?"

“Natatakot ako na may masaktan."

“Ayun. Lumabas din. Tanga. Kakambal ng magmahal ang masaktan. Kung hindi masasaktan, hindi ka nagmamahal. Kapag nagmahal ka, siguraduhin mong kasunod na nya ang masaktan ka. O kaya, makasakit ka. Hindi ba?"

“Oo nga. Eh ang kaso, hindi ko alam kung sino ako. Kung ako ba ang masasaktan? O ako ba ang makakasakit? Hindi ko alam kung alin dun ang ganap ko. Kaya hindi ko maihanda ang sarili ko sa sakit na pwede kong maranasan. O sa konsensya na papatay sa akin kapag nakasakit ako."

“Alam mo ba Kyla na ngayon ko lang napagalaman na sobrang tanga mo pala. Kapag ibang tao ang nanghihingi sayo ng advice.. ang galing mo. Kapag ikaw naman na ang may kailangan, nasaan na ang utak mo?? Nawawala!.... syempre, hindi mo alam kung alin sa dalawang yun ang ganap mo. The future is a scary place. Hindi mo alam ang maaaring mangyari. At lalu nang hindi mo pwedeng paghandaan. Kasi lahat ng nasa future ay surprise. Parang surprise quiz lang ang buhay! Hindi mo pinaghandaan, pero nagpatuloy ka parin sa pagsagot. Isipin nalang natin na... kaya ibinigay sa'yo ni God ang pagsubok na iyon... dahil kaya mo. Dahil alam Nya na alam mo kung paano yun lagpasan at makakaya mo ang lahat ng mangyayari. Hindi ibibigay sa iyo ni God ang pagsubok na iyan kung alam Nyang hindi mo kaya. Kaya Nya ibinigay sayo ang idea na tungkol dyan sa pagiging kupida mo ay siguro dahil ... masyadong busy na si God sa pagtetrain sa bagong kupido nya dahil pinagretire na nya yung orig. Nasa iyoang powers ng Cupid temporarily. Ganun nalang ang isip mo! Wag kang nega."

“Aaaww... friendship you're so sweet."

“Sa hinaba haba ang kinaseryoseryoso ng sinabi ko, ayan lang ang respond na makukuha ko? Alangya naman Kyla wala kang kwentang kausap."

“Joke lang friendship! Okay okay.... I get it. Alam ko na. Naiintindihan ko na. Pero.... may isa pa akong tanong..."

“Oh? Ano yun?"
.
.

.
.
.
.
.
.
“Paano kung..... hindi magwork yung plano?"

Ayan. Ayan ang pinakatanong ko. Paano nga ba? Hindi ko alam ang mangyayari. Sabi nga ni Ian, the future is a very scary place.

“Just go with the flow. Kung ano man ang mangyayari... tandaan mo nalang na you did your best. Hindi ba? Wala ka namang magagawa kung hindi gusto ni God ang gusto mong ending diba?"

“Oo nga. I'll just endure the moment till it lasts."

“Right. Ganun na nga. So.... ano na?"

“Ayun na nga. Thank you friendship lagi kang nandyan!! I love you na talaga!!"

“Yeah. I love you too. So..... ano nang susunod mong gagawin? Sa plano???"

“Bwahahaha.... yun nga.... hahahahah!!!!! Eto....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
To be continued.

Ayan na po ang update para sa aking readers! Kung meron man! Wahahaha. Ngayon lang ulit ako nakapagupdate eh... nagkasakit ako last week tapos nagsimula narin ang pasukan last June 1 so... siguro weekly nalang ang update... patu dun sa A Bestfriend's Secret linggo linggo nalang din... so... ayan na po! Happt reading and thank you!!

False HopeWhere stories live. Discover now