Chapter 24 *Move On*

29 1 0
                                    

Kyla's POV

“I really appreciated your effort but.. I really think you should give up. Wala kang pag-asa sakin. Masasaktan lang kita." Sabi ni Kyrelle. Kita ko kung pano masaktan si symon pagkasabi nya nun...

“Kyrelle... Kyrelle hindi. Hindi diba? Hindi to totoo? Hindi pwede. Kyrelle mahal kita!" Sigaw ni Symon. Nasasaktan sya. Halata.

“Symon please! Ayoko nahihirapan lang ako! Nasasaktan tayong parehas!" Sa ngayon makikita mo na may galit si Kyrelle. Pero mas nangingibabaw dun ang sakit na nararamdaman nya.

“Kyrelle, ano bang mahirap intindihin sa mahal kita?! Ipaglalaban ko yung pagmamahal ko sayo! Hindi! Hindi kita susukuan! Hindi ko gawaing sukuan ang bagay o taong mahalaga sakin!" Nagiiyak ngayon si Symon at ang mas nakakabigla pa, lumuhod na sya sa harap ni Kyrelle. Nagmamakaawa.

“Kyrelle please, kahit isang chance lang para maging tayo ibigay mo. Hinding hindi ko yun sasayangin. Mahal na mahal kita please.." nagmamakaawa sya habang nakaluhod. Si Kyrelle naman nakatungo lang. Pero hindi nakatingin kay Symon.

Sa halip na sagutin ni Kyrelle si Symon ay tumalikod sya at tumakbo palayo. Ramdam naming lahat na gusto nya munang mapag isa sa ngayon. Nilapita ng mga kabarkada nya si Symon at tinapik sa braso. Si Erick at Lui naman, nakaupo lang sa tabi pero alam kong nasasaktan din sila para sa kaibigan nila. Ayaw lang nilang ipakita. Siguro mamaya magkakasama yang tatlong yan pareparehas iiyak.

Nang wala nang katabi si Symon, lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa upuan sa tabi nya pero di ako nagsalita. Inintay kong sya ang mag-open. Kilala nya naman ako eh.

“Ang ganda ng plano mo noh? Nasaktan lang ako. Ahahaha.." I can hear bitterness in his voice. Haaaayy..

“Yun nga yung maganda dun eh. Nasaktan ka kaagad." Sabi ko naman sakanya.

“Maganda? Ha. Masokista ka ba? Lahat nalang ng tao sinaktan mo eh. Ang galing mo lang. Hanga na ako sayo. Alam mo ngayon gusto kong magalit sayo pero di ko magawa kasi iniisip ko nalang na baka gusto mo lang gumanti nung nasaktan kita. Tama ako diba? Ganti lang ang hanap mo? Pwes hindi na kita kailangan sa buhay ko. Kaya kong gawin lahat ng gustuhin ko na wala ka. Hindi ka importanteng tao."

Nasaktan ako. Ang sakit ng lahat ng sinabi nya. Hindi ba nya ako naiintindihan? Out of anger, hindi ko alam kung pano, pero nasampal ko sya. Mukang nastun sya. Kaya bago pa ulit sya makapagsalita. Nagsalita na ako.

“YOU'RE SO STUPID!! HAVEN'T YOU NOTICED WHAT I'VE BEEN TRYING TO DO IS ALL FOR THE SAKE OF YOUR LOVE?! INISIP KO BA KUNG MAY MASASAKTAN AKONG IBA BAGO KO IPAGAWA SAYO YUNG MGA PINAPAGAWA KO?! NASASAKTAN AKO HINDI MO BA YUN NAISIP?! NA SA TUWING PINAGAGAWA KITA NG MOVE AKO YUNG NAHIHIRAPAN NA IENTERTAIN SI NICK AT ILAYO SYA KAY KYRELLE! YOU FOUL LOATHING UGLY LITTLE COCKROACH! I LOATH YOU! YOU DON'T NO HOW OTHERS FEEL!! YOU DON'T KNOW HOW I FEEL! SO DON'T SPEAK AS IF YOU KNOW EVERYTHING YOU PROUD UGLY BASTARD! Now, let me tell you kung paano naging maganda yun. Dahil nasaktan ka kaagad!! Hindi na nagtagal ang pag-asa mo! Kung nagtagal edi sana lalo kang nahulog! Lalo kang nasaktan! Are you just plain stupid or what?! Kung hindi kaagad sinabi sayo ni Kyrelle na wala kang pag-asa edi sana naasa ka parin ngayon! Ang tanga mo lang na hindi mo naisip yon! And one more thing..."

Hinihingal na ako. Baka atakihin nanaman ako ng Asthma ko. Naiiyak na ako.

“Never. Kong. Naisip. Na paghigantihan ka. Because my brain is not stupid enough as yours to think about that. And why would I take revenge in the first place? I already moved on. Being happy is my only best revenge. But hurting people just for vengeance? It never occured in my mind. Because I'm not stupid, unlike you."

Tuluyan na akong naiyak. Lumabas ako. Kailangan ko ng hangin. Hihikain ako. Baka mamatay pa ako dahil sa nangyari.

Hindi ko nalang pinansin yung mga kaklase kong nakapaligid samin. Iniwan ko dun si Symon na nakatungo lang. Hindi umiimik.

Sabi ko na eh. Walang magandang maidudulot ang plano kong to. Dapat talaga hindi ko nalang itinuloy in the first place.

Symon's POV

Ang bobo ko. Ang tanga tanga ko para saktan si Kyla sa mga sinabi ko. Hindi ko muna inisip ang mararamdaman nya. Hindi pa ako nagpasalamat sa pagtyatyaga nya sakin.

Pero mali parin. Hindi dapat ganito. Dahil kung ayaw talaga sakn ni Kyrelle, dapat nasabi na nya sakin kaagad bago pa man ako magtry na ligawan sya. Diba?? Hindi naman siguro nya ako gustong saktan diba? Sabi nya nga 'ayaw kitang saktan' so bakit ngayon nya lang sinabi?

Sa totoo lang para sakin, sa tingin ko lang ha, may pag-asa talaga ako kay Kyrelle. Hindi sa pagmamayabang ha.. tingin ko kaya nya lang nasabi lahat yun dahil naguguluhan sya. Mahal ko sya. Hindi ko sya susukuan.
.
.
.
.
.
.
dalawang araw na rin magmula nang magkasagutan kami ni Kyla. Nakahingi na ako ng tawad sa kanya at naguusap na ulit kami ng kaswal. Wala nang ilangan. Sinampal nya ako ng katotohanan eh. Kaso hindi parin ako naniniwala ng todo. Malakas ang paniniwala ko sa sarili ko eh haha.

Ngayon naman nagpapraktis nalang kami para sa regional ng Sabayang Pagbigkas. Kasali ako. Talented ako eh. Nakakapagod din eh kasama ko pa yung isa pang maingay na best friend ni Kyla. Sabagay... pag wala talagang nakausap sakin sya nakakausap ko. Haayy salamat sa kanya di ako naoOP sa grupo haha.

Nang matapos ang praktis namin, nakasabay ko si Ian pabalik sa room namin. Nakakwentuhan ko sya saglit. Ewan pero kumportable syang kausap. Kaya siguro naging best friend nung maingay na pusa.

Nang may nasabi akong di ko inaasahan. Dahil sa pagkakaalam ko, mahal ko si Kyrelle. Kaso.. uughh! Ewan!

Ian's POV

Nagulat ako sa nalaman ko. Akal ko si Kyrelle ang mahal ng nilalang na kasama ko ngayon. Hindi ako nakapagsalita so.. to cut the awkwardness, buti nalang, binago ni Symon yung topic.

Nang makabalik na kami sa room dismissed na daw. So umuwi na ako. Hindi ko parin malimutan yung nalaman ko.

‘hala..Ian. Isipin mo nalang na kunyari di ko yung sinabi ha?? Wala kang ibang pagsasabihan ha??'

‘oo naman. Pero totoo ba yun? Kung oo, congrats. Nakamove on ka kagad hahaha ambilis.xD'

Waaaaaaaahhh hindi ko kaya ito!!

Pagkauwing pagkauwi ko, hinanap ko kaagad yung phone ko at tinext si Friendship Kyla.

‘Oisst friendship may news ako reply ka daliii'

‘Ha? Bakit? Anong balita naman yan?'

‘Nakakapanloko si Symon friendship nakamove on na ata agad kay Kyrelle!'

‘Katangahan neto. Si Symon? Makakamove on agad kay Kyrelle? Lokohin mo Lelang Mo! Hahaha'

‘Tanga sa maniwala ka at sa hindi may itinitibok na iba ang puso ng gago! Or should I say, itinitibok parin?'

‘Anong kagaguhan yan? anla ewan ko sayo. Gege bye na inaantok ako'

Hindi na ako nagreply dahil paniguradong tulog na yun. Haaay.. kakaiba talaga pag pinaguusapan na ang first love...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

False HopeWhere stories live. Discover now