TU:U50

165 12 3
                                    

" Papa! " Sinalubong ko ng yakap ang tatay kong hindi ko inaakala na buhay pa.

Araw-araw kong pinagdadasal na sana ay makita ko pa siya. Si papa na lang kasi ang nag-iisa kong pamilya bukod sa mga kaibigan ko. Naiwan kasi namin ang mga cellphone namin sa bahay nila Ion noong nagkagulo, wala tuloy akong means para macontact si papa. 

Napabuntong hininga ako at tumingin sa floor na katapat ng kwartong ibinigay sa amin. Maraming tao roon, ang sabi ay mga importanteng tao raw na makakatulong sa amin. Andoon din sila Kuya Rein at Kuya Patrick kaya hindi naman ako masyadong nag-ooverthink. Nakabalik na pala sila sa pinuntahan nila.

" It's good that you're alive, Clyde. My son " Niyakap ako ni papa pabalik kaya nabalik ako sa wisyo. My father is a doctor, a very genius one at that. Sa pagkakaalam ko ay sa Medical city siya residente, he's probably escorted here. Medyo may katandaan na si Papa kaya hindi ko naisip na makakaligtas siya mag-isa. Kaya naman gabi gabi rin akong nagdadasal para sa kaligtasan niya, daig ko pa nga ang nagnonobena araw araw masiguro lang na madidinig ni Lord ang prayers ko.

And I'm glad he's alive.

Iniupo ako ni Papa sa kama, " Did you have a hard time? do you feel sick anywhere? " Umiling ako at tumingin sa mga kasama ko. " Okay lang po kami, Pa. Siguro dapat bumalik na kami sa kabilang kwarto para makapagpahinga ka. Maggagabi na e, may bukas pa naman " Napansin ko kasing parang pagod at puyat siya. Ano naman kaya ang pinagkakaabalahan ni papa rito?

Tinitigan niya ako sa mata bago marahang tumango, " Okay, you guys should also rest well "

Ngayon ko lang kasi nakita si papa, inilagay kasi kami sa quarantine para masiguro na hindi kami infected. Hindi naman kami nagreklamo lalo na nang dahil sa nangyari sa bus. Because we got careless, we lost people.

Nakakaawa nga rin si Kirby, dalawang kasama niya ang nawala sa kaniya sa isang iglap. Hindi naman niya kami kinakausap dahil masyado siyang tahimik at ilap.

" Tara na, Clyde " Sumunod ako kay Rui palabas, matamlay na ngumiti sa amin si Sia dahil sa kabilang kwarto siya kasama ang mga bata at si ate Ries.

Nagkaniya kaniya kami ng pwesto sa loob. Maski si Rui ay hindi masyadong nag-iingay. Malungkot din naman ako dahil sa nangyari kay Patricia, pero pakiramdam ko ay dapat ko ng tanggapin na magiging madali lang ang mawalan ng kasama. Kasi kung hindi, malulugmok lang ako.

Magugulat ka na lang, wala na sila.

I should move forward. Kumuyom ang kamao ko. Mas okay na hindi ako maattach sa kanila. Dapat lang na hindi kami close ng mga kasama ko, dahil sobrang sakit kapag kinuha na sila.

Nag-iwas ako ng tingin sa mga taong kasama ko sa kwarto at tumingala na lang sa kisame. Parang imposible naman ng iniisip ko.

Hindi ko namalayan ang oras, nagulat na lang ako nang may kumatok sa kwarto para sabihing maghahapunan na. Ang emergency room na nasa ground floor ay ginawa naming canteen, dahil hindi pa nalilinis ang mismong canteen ng ospital. Sobrang dami raw kasing zombie ron, at ayaw nila Lieutenant Mark na isugal ang buhay ng mga kasama niya, at maging ng mga survivor sa oras na hindi nila magawa ng maayos ang trabaho nila. Maigi daw na obserbahan muna ang mga ito at baka sakaling magpakita ng kahinaan. Yung mga naunang survivor din dito ay wala rawng sapat na lakas para gawin 'yon.

Umupo ako sa sahig matapos matanggap ang rasyon kong isang bowl ng lugaw at bote ng tubig. Ibinigay din kasi nila Kuya Rein ang mga dala naming pagkain, kaya malugod kaming tinanggap ng base na 'to.

Tumabi sa akin si Rui at Killia, kaming tatlo rin ang magkakasama sa kwarto. Sila Kuya Rein din at Kuya Patrick pero wala pa rin sila. Mukhang umalis nga ulit sila kasama ang mga bagong dating e. Si Kirby rin na hindi ko alam kung nasaan.

The Undead: UprisingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon