Haunted University: Third Eye Sisters

150 3 0
                                    

© 2015 by MissHappilyEverAfter

All Rights Reserved

***************************************************************************************************************

[KATE'S POV]

"Kate! Tara! Libre na kita"

"H-huh?"

Hay. May kailangan siguro sakin to. Siya si Cassandra, ang most popular sa school. Campus princess kasi siya.

"Ang sabi ko, ililibre na kita ng lunch"

"Ano bang kailangan mo?"

"Gusto kong magkwento ka ulit ng scary stories mo tungkol dito sa school natin"

"Hay... Tatakutin mo lang naman sila"

"Yup. I have a brilliant plan."

"Sorry Cassandra, pero ayoko na ulit magkwento pa ng mga ganun"

"Sige na! Alam kong madami kang alam! 4th year high school ka na, and maraming nagsasabi na---"

"STOP! Just leave me alone!!!"

"Tara na Cassandra! Hindi ka dapat nakikipag usap sa mga weirdo" biglang dumating ang mga kaibigan ni Cassandra

"Yah, pwede naman tayong mag imbento nalang ng kwento"

Umalis nako, ayoko ng marinig pa ang sasabihin nila. Kasalukuyan kasi kaming nasa covered court. Sa hindi kalayuan, may nakita akong babaeng naka-itim na nakatayo sa second floor. Isa yun sa mga dahilan kung bakit umalis ako, alam ko kasing naririnig niya yun. Pero normal na para sakin ang makakita ng ganun. Minsan nakakasalubong ko sa daan, minsan nakakatabi ko. Pero hindi ko nalang pinapansin, dahil lalo lang silang lalapit sakin.

Ang weird ko ba masyado?

Weirdo na ang naging tawag sakin simula nung nangyari ang insedenteng yun. Isang insidenteng nagpabago ng buhay ko.

[FLASHBACK]

First year highschool...

"Sige na best! Ghost hunting tayooo!!!" pag aaya ko sa bestfriend ko.

"Ayokoooo!!!"

"Sige naaa!!! Sabihin mo, may nakikita ka na ba??!"

Siya ang best friend ko na may third eye. Pagdating kasi sa mga ganyang bagay, na-eexcite talaga akooo! Wala kasi akong third eye, at muula bata pa ako gusto ko ng magka-third eye! Parang ang saya kasi!!! Maraming may mga third eye na nagsasabi, na sana daw hindi nalang daw sila nagkaroon nun. Pero ako, gustong gusto ko. Mula bata pa ako, ni-minsan hindi ako natakot sa multo. Wala akong takot sa multo. Hindi ako takot sa kanila dahil hindi ko naman sila nakikita. Bakit ka matatakot sa isang bagay kung hindi mo naman alam kung totoo nga diba?

"Turuan mo nalang kasi ako kung paano mo nagagawa yan! Or baka niloloko mo lang akooo!!!"

"Sa palagay mo ba makukuha ko pang magbiro! Eh bakit ba naman kasi sa dami ng pwedeng makakita ng mga ganun, sa isang duwag pa talaga na gaya ko ang sinumpa!"

"Oy! Hindi kayaaaa! Gift yan! Gift! Ang swerte mo nga eh! Tara na nga lang kasi dun sa lumang library! Balita ko sa school nato, marami daw kababalaghan dun!!!"

"Ayoko nga! Mag isa ka!"

"Sige naaaa! Please???!! Hindi na ako muling magpapasama sayo ever again basta samahan mo lang ako ngayooon!!!!"

Kahit alam ko sa sarili kong lagi parin ako magpapasama sa kanya >:)

"Ok, basta eto na last hah?!"

Haunted UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon