"Ano ba talaga? Gusto mo ba ulit, o hindi na?"
Ano nga ba talaga?
"Gusto mo ba ulit, o hindi na?"
Gusto ko ba ulit?
o ayaw ko na?
Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Hindi ko alam kung mayroon pa ba o wala.
Dahil ang mga tibok ng puso ay muling bumibilis, ang aking mga mata na singkit ay biglang lumalaki, aking mga palad ay namamasa sa tuwa't kaba tuwing nandiyan ka, ang aking pisngi na lalong namumula sa tuwing naka ngiti at naka tingin ka.
Sana ikaw na lang palagi.
I wished that you were mine.
Wished.
One day, How I wished na kinikilig ako sa 'pag sabi niya ng "galing ah" sa'kin pero the sparks was not there.
Hinihiling ko ang mga pa puri at mga asar na iyong binibigay sa tuwing ikaw ay matutuwa sa akin, sana meron akong nararamdaman muli.
Naka move on na ba ako?
Or...
Hindi?
Pero bakit parang hindi ako nakaka ramdam ng kahit ano tuwing nakikita ko siya? tuwing nakaka usap ko siya? tuwing sa kami ay nagkakatamaan ng tingin?
Bakit hindi ako masaya na wala na?
Na wala na akong nararamdamang pagka bilis ng tibok ng aking puso.
Ang aking mga singkit na mata ay munting lumiliit para ngitian ka, pero wala parin talaga eh.
Ang mga palad ko na hindi na namamasa dahil sa kaba.
At ang aking mga pisngi na natiling kulay rosas, at hindi na... mapula.
Bakit hindi ako masaya na wala na akong nararamdaman na kislap sa aking mga mata sa tuwing ikaw ay aking natatanaw?