Sa loob ng maingay na paligid, sa maraming tao kahit saan, ang mga boses ng mga taong nag tutuwaan parito't paroon.

Aking mga mata ay sumusulyap sulyap sa mga taong nagkakatuwaan.

Pero isa lang ang ngiti na gusto kong hanapin.

Ngiti na gusto kong makita.

At sa tagal na parang taon na kitang hinanap sa puno ng tao sa kalagitnaan,

Ikaw ay aking nakita.

Nakita ko ang iyong mga mata na mausisa at tumitingin sa paligid.

Ang iyong ngiti na nakaka silaw at nag bibigay ng ngiti sa aking mga labi.

Nakakainis ka.

Sa loob ng dalawang buwan na hindi kita nakita, ako ay paniguradong hindi na kita gugustuhin muli.

Hindi na kita ngingitian.

Hindi na kita susulyapan.

Hindi na kita iisipin sa araw at gabi.

Hindi na rin kita iiyakan.

Ako ay naging sigurado. Naging sigurado ako na hindi ko na gagawin ang mga bagay na nakasanayan ko noon ng dahil sa'yo.

Pero nakita na naman kita.

Nakita ko na naman lahat ng mga nagustuhan ko sa iyo.

Bumabalik na naman ang damdaming itinago at tiniis ko ng labing-isang buwan, ng walang sinasabihan na kahit anino ng isang tao.

Itinago ko ang aking damdamin para ikaw ay masulyapan sa pang araw araw.

At akala ko naka laya na ako.

Akala ko lang pala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 10, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

😟Where stories live. Discover now