Zachary's POV:
I'm casually eating with Yoshi. Bigla nalang siyang may tinanong, kaya naibuga ko sakanya yung kinakain ko.
“May boyfriend ka na ba, Lynn?”
And.. yes, I gave the wrong reaction. He wasn't prepared by that expression of mine. Bakit ba niya tinatanong? Ano naman kung meron?
“Sorry, sorry!”
Inabot ko sakanya yung panyo ko. I felt bad, I'm fucking screwed. I didn't know what to react. Nakakainis naman kasi, hindi ko na rin alam kung ano na kami, ano ng turing niya sakin.
“No, it's okay. But what's with the sudden reaction?”
“Uh, nagulat lang. Sorry ulit.”
Bakit nga ba ganun yung inasta ko? Ineexpect ko ba na magiging kami? Tangina, sobrang labo, gulong gulo na 'ko, Bryce.
“Hindi mo pa sinasagot tanong ko.”
Sabi niya naman at umakto pa na parang nagtatampo. Akala ko naman nakalimutan niya na yung tinatanong niya, 'di pala.
“Wala akong boyfriend, pero may nagugustuhan ako.”
Hindi ko rin alam kung bakit yan ang naisipan kong i-sagot sakanya. And.. if you're wondering, bakit may kaibigan akong lalaki na kababata ko pa. Well.. he saved my life back then. Kung wala siguro siya nung time na 'yon, wala na rin ako sa mundo. Tinatamad akong mag-kwento, sa susunod nalang siguro.
“Oh, okay.”
Respond niya at biglang umiwas ng tingin, weird. Meanwhile, I saw a familiar guy standing far a bit next to our table. Bryce. Nung tinignan ko siya, para bang nakakita ng manananggal. He was shook. Seems like he's spying on someone, could it be? Ewan ko. Wala akong pake kung ano mang ginagawa niya rito.
Okay, fine. I still care. Pero putangina, hindi ba parang niloloko ko nalang yung sarili ko? To think na may pag-asa ako sa isang tulad niya? Sino nga ba naman ako para patulan niya. Ordinaryong istudyante lang naman ako, wala namang ispesyal sa 'kin. Mali ba na nakilala ko siya? Dapat bang kalimutan ko na siya? Tangina, Bryce. Bakit mo 'ko binabaliw ng ganito.
“Uh, Lynn..”
“Oh?”
“Una na 'ko.”
Oras na ba? 12:13 palang naman, ah? Tsaka hindi pa niya nauubos yung pagkaing nasa plato niya. Eh ano namang pake ko, gusto na ngang umalis ng tao, eh.
“Maaga pa naman, Yosh. Tsaka ubusin mo muna yang nasa plato mo, oh!”
Umiling naman siya at sinabing busog na. Nagdahilan siya na may quiz pa daw sila, at kailangan niyang magreview. Hindi ako naniniwala sa reason niya, nakakapagtaka lang. Pwede naman siyang magreview kasama ako? 'Yun nga 'yung ginawa namin nung isang araw, eh! Lagi niya 'kong kasamang nagrereview.
“Zach, can we talk?”
It's Bryce. I'm not mad at him, nagagalit ako sa sarili ko. Alam ko namang wala akong tyansa sakanya, pero nagpumilit pa rin ako. Hindi ko siya kayang iwasan, wala naman siyang ginagawang masama. Ako lang talaga 'tong assumera. Kasalanan ko rin naman.
“Oo naman.”
“About that scenario, you heard that right. Pero dati 'yun, I was just explaining things to Tasha.”
I hate this feeling! Tsaka bakit ba siya nag-eexplain? Ano ba kami? Wala naman kami, ah. Nakalimutan niya ata?
“Wala akong pake, Bryce. It's your life, I should care about my own.”
Tama ba 'tong ginagawa ko? Para namang naging kami, kung maka-asta ako. Walang kami, at walang magiging kami. Mali ako sa parteng umasa ako. Gosh, this is getting so emotional, ano bang gusto niyang i-parating?
“You're the one I love, Zach. And you're the only one I will.”
This sucks, how the heck should I react? I'm clearly speechless. You're making me crazy, Bryce.
“Torpe ako. But I managed to conquer it because of you.”
When did he become so gentle? Is he usually like this when he likes someone? Ganito rin ba siya no'n kay Stella? Putangina naman, Bryce.
“I missed you. Ilang araw mo 'kong hindi pinapansin. Kumakain ka ba sa tamang oras? Nakakatulog ka ba ng maayos?”
“Na-miss din kita. Hayop ka!”
Sabi ko naman at hinampas ko siya. Tumawa siya, natawa na rin ako. Tama ba 'tong ginagawa ko? Unti unti niya nanamang nakukuha ang tiwala ko. Lagi nalang bang ganito, ano na ba talaga tayo? Umaasa ka rin bang magiging tayo, o pinapaasa mo lang ako?
Napakaraming tanong na gumugulo sa isip ko, pero hindi ko magawang tanungin ng deretsyo sakanya. Natatakot ako, na baka masaktan lang ako. Natatakot akong malaman, ang totoong intensyon niya sa akin. Baka ginagawa niya lang lahat ng 'to para makuha ang loob ko, tapos iiwanan niya 'ko bandang huli.
Ang hirap mong intindihin. Pero iniintindi kita. I don't really know when I started to like you, pero bahala na. Let me just go with the flow, and get this over with. Hayaan ko nalang na mismo ang tadhana, na dalhin ako sa dapat kong marating.
Hindi ko na alam kung anong nangyari, nagulat nalang ako nang marandaman ang labi niyang marahang dumikit sa labi ko. I can feel the softness of his lips. His kiss is so passionate. Ginantihan ko ang halik na ibinigay niya. Sandali lamang at bumitaw na ang labi niya't humiwalay sa labi ko.
“I love you most, Zachary.”
His soft and gentle voice even made it more sweeter. He kissed me again, sa noo naman. And he hugged me tight. I hugged him back as respond. Kailangan ko bang mag I love you back sakanya? Nahihiya ako.
“I love you more, Kuya Xav.”
“Gago, kinikilig ako.”
Ang cute niya, tangina! I'm bad at expressing my feelings. He's my first and greatest love. Sana magtuloy tuloy. I'm grateful that I met him, sana naman hindi na 'to maagaw pa sa'kin. Tama na 'yung mga sinapit ko.
“Can I court you, Flynn Zachary?”
My heart flattered as I heard those words came out. Of course I said yes. Siya na 'yan, bakit ko pa kailangang tanggihan, ito naman yung gusto kong marating. I guess I finally made it to my destination.
Is this the happy ending that everyone's talking about? They say, true love doesn't have an ending because true love doesn't end.
--
BINABASA MO ANG
Whispered Promises
Romansa(ON-HOLD) / (UNDER-EDITING) Happy 1.6k reads, AGCMP Readers! Certainly glad that this story is still gaining reads, despite not dealing with updates, and despite this story being on hold, I appreciate these tiny gestures of your support. Thank you...
