C

88 4 0
                                    

"Hurry up, Nari! Hindi school ang maghihintay sa'tin", pagpapamadali sa'kin ni Hannah kaya naman agad-agad akong bumaba. Muntikan pa nga akong mapasubsob sa hagdan.

"1 minute!", I yelled habang inaayos ang sarili.

She immediately stood up once she saw me. Kinuha niya sa'kin ang bag at saka isinikbit ito sa kaniyang balikat. Ako naman ay sumunod sa kaniyang lumabas habang bitbit ang susi ng kaniyang motor.

Inayos ko ang collar ng kaniyang uniform at saka nilagyan ng clip ang kulot niyang buhok. Sumimangot tuloy ang mukha nito.

"You sure that you didn't forget anything?", paninigurado niya habang isinusuot ang helmet sa'kin. Ako naman ang nakanguso.

Tumango ako sa kaniya nang nakasimangot. Nang-aasar kasi. Last month, parehas din kaming nagmamadali para sa klase tapos nung nasa kalagitnaan na kami papuntang school ay saka ko lang nalaman na hindi ko pala suot yung id ko. In the end, late pa rin kami sa first subject namin.

Buti nalang ngayon ay hindi masiyadong naging sagabal sa'min ang traffic at wala rin akong nakalimutan.


"You're taking Zaza's class?", salubong sa'kin ng ilan sa mga kaklase once na mailapag ko yung bag sa tabi ng upuan ko.

Grabe, hindi manlang ako pinaupo muna.

"Yep, why?", kinikilig na nagtinginan ang dalawa sa narinig bago nagtilian.

"Kumusta siya magturo? Maganda ba siya sa personal?"

"Mabango ba siya?"

"Ano first impression mo? Nabading ka na ba?"

Nabibingi na ako sa tanong nila at hindi ko na alam kung ano yung itsura ko. Hindi ko naman inasahan na ganito pala kasikat itong si Azalea.

Napansin ata nilang nananahimik lang ako kaya medyo nahiya sila at saka hinintay akong magsalita bago sumagot.

"She's a great dancer", tipid kong sagot. 

Halata ang pagkadismaya nila sa kanilang mukha sa narinig. Hindi ko naman malaman kung ano bang mali sa sinabi ko? Totoo namang magaling siyang sumayaw.

"Yun lang? Hindi ka ba nabading or what?", pang-uusisa pa nila.

"Nabading? I found her attractive, but not to the point where I'd wanna date her", I answered honestly.

Mas lalo silang natahimik. Maya-maya ay umalis na rin habang nagbubulungan.

"Tinanong mo pa 'yan e ang tagal na nila ni Hannah"

Hindi ko nalang pinansin ang ilan sa kanilang mga sabi-sabi at nagfocus nalang sa paga-advance reading. Sure kasi akong may pasurprise quiz yung next subject teacher namin.

"Psst!"

Masamang tingin ang ibinaling ko sa katabi. It was Tury. Once a stranger to me, but now became one of my best-est friend besides Hannah.

"Kumusta first week mo sa GGG?", mas lalo akong napasimangot sa narinig. Please don't tell me na isa rin siya sa mga fangirl ni Azalea sa campus.

"Hindi ako fan girl non, baliw", aniya na tila ba nabasa ang kung anumang nasa isip ko.

"It was fine. Theon was the one who's teaching me as of now since Azalea is still busy. I understand it though", paliwanag ko.

Tumango ang babae bago nagsalita muli. "I heard that she's in Thailand right now, competing. Was she on her own?", pagtatanong niya ulit.

"Nope!", I said while making the pop sound at the end.

Rhodenderon's Dancing Lily (Bada Lee)Where stories live. Discover now