Una't huling Pag-ibig

6 0 0
                                    

Kabanata Isa

Araw ng byernes makikita ang isang binibini na naglalakad sa hardin ng mga rosas,may iba't ibang kulay ito na siyang nagpapahanga sa binibini dahil narin sa taglay nitong kagandahan. Mas lalo siyang lumapit sa isang rosas na syang pinakapaborito niya,dahan-dahan nya itong hinawakan at nabigla na lamang sa kadahilanang natusok at tumulo ang dugo mula sa kaniyang hintuturo.

"Ayos ka lang ba,Binibini?"
Nagulat na lamang siya ng makarinig siya ng boses ng isang lalaki,sa pagkakatanda niya ay mag isa lamang siyang nagtungo sa hardin ng mga rosas,kaya't ganun na lamang ang gulat niya na sa kaniyang paglingon ay makita niya ang kaniyang pinsan.

"Dumudugo ang iyong hintuturo, Binibining Helena" Gulat na tanong ni Ginoong Martin,napatingin ako sa aking hintuturo at tuluyang umaagos ang dugo dito.

"A-ayos lang ako Ginoo. Gulat na tugon nito dahil sa biglaang sulpot ng binata. Hindi niya maunawaan ang biglang pag kabog ng kanyang puso dahil ba ito sa pagkagulat o may mas malalim pa rito?

"Masyado ka namang pormal Binibining Helena,Ayos  lang naman sa akin na tawagin mo akong Martin,magpinsan naman tayo Binibini." Natatawang saad ng binata.

"Pasensya kana Ginoo pero alam mo namang kakikilala lang natin kanina sa inyong tahanan." Nahihiyang saad ng dalaga.

"Ikaw ang bahala Binibini,pero kailangan muna nating gamutin ang iyong sugat,sandali lamang at hahanap ako ng halamang gamot."  Saad ng binata bago umalis.

Sa pag balik nito,dala-dala na nito ang sinasabing halamang gamot para sa dalaga.

" Binibini may gusto sana akong ipakiusap sa iyo, kung maaari sana kung may magtanong man sa iyo kung nakasama mo ako dito sa hardin ng mga rosas, maaari bang sabihin mo na hindi mo ako nakasama?" mahabang litanya ni Ginoong Martin.

" Gusto mo bang mag sinungaling ako, Ginoong Martin?, At bakit naman?"

" Ahh,ano kasi hi-hindi nila alam na hindi ako pumasok sa isang pagamutan." Kaya kung maaari sana huwag mong sabihin ha,mag pinsan naman tayo e." Sagot ng binata

" Sige,Ginoong Martin hindi ko na sasabihin,tinulungan mo naman ako, maraming salamat pala Ginoo." Sabi ng dalaga

"Walang anuman,Binibini, ang payo ko lamang sa iyo ay sana wag kang mgpadalos-dalos na ilapat ang iyong hintuturo sa rosas, kahit na napakaganda nito alam naman natin na ang rosas sa kabila ng kagandahan nito may tinatagong tinik na maaaring makasakit." Mahabang sabi mg binata.

Una't huling Pag-ibig Where stories live. Discover now