"Bilis tumakbo 'yon, parang kabayo. 'Wag mo na patulan," sabi ko.
"Bakit hindi papatulan kung may looks naman siya? Tapos mabilis tumakbo? Isn't that great, Jago? Rare sa mga babae na mabilis silang tumakbo! Hindi gaya ko..."
I rolled my eyes at Abi. I know how much Abi hates Genesis pero bakit... kinakampihan naman na niya ata?
"Bobo! Kaya nga walang perpekto kasi may asthma siya, bale wala rin 'yan kahit na sabihin mong mabilis siyang tumakbo!"
Inirapan niya ako at nilapitan si Genesis sa upuan niya. Ano kaya naman ang balak ng babaeng 'to kay Genesis?
"Pst! Jago!" sigaw ni Ian sa may gym habang kumakaway.
Malapit lang ang upuan ko sa may pinto ng classroom namin kaya makikita ko kung sino ang mga tao sa gym dahil hallway tapos gym na. But since Ian is waving his hand, agad ko siyang napansin sa may alambre, nakapatong sa stairs at kinukuha ang atensyon ko.
Tumayo ako at lumabas sa room upang siya ay lapitan. May distance parin since may alambre sa pagitan namin.
"Ano na naman ba 'yon?" irita kong tanong.
"Tara sa sports office! Samahan natin si Zade, magte-table tennis daw sila ng papa niya. Nood ka, tara!"
"Dude, maya na. Laro muna ako ng ml," simpleng sagot ko, nagsinungaling.
Syempre, hindi nila alam na may pagtingin ako kay Genesis dahil sikreto lang 'yon. Kinakahiya ko kasing crush ko ang isang gaya niya, gagi.
Bakit kasi si Genesis pa? Ang dami-daming babae, oh! Binully ko 'yan noong elementary kami tapos magiging crush ko nang mag-high school na kami?
"Tsaka nalang, Ian. Pakisabi rin pala kay Zade na hindi ako makakasabay umuwi, may gagawin din kasi ako."
"Okay, fine. I guess kaming dalawa lang na naman? Pansin ko minsan tumatanggi ka na sa amin, ha? Baka mamaya may pinopormahan ka na?" paghinala ni Ian.
"Hoy, inamo. At sino naman kung ganon? Mataas standards ko, dude!"
'Wag, i think magmumukha akong defensive. Fuck it, Jago. "You know my types, wala akong type dito sa school natin."
"Hindi nga? Si Abi ba? Since lagi mo rin siya kasama tapos maganda rin naman si Abi? Pwedeng... si Genesis din? I don't know, dude. 'Wag na nga, aalis na lang ako!"
Umalis na si Ian at pinanood ko kung gaano kabilis bawat pagyapak niya habang siya ay paalis ng gym. Well... you say si Abi? We're not close, siya lang kusang lumalapit sa akin. I don't like her as well, grade one pa lamang kaklase ko na siya at kilalang-kilala ko na pag-uugali niya.
So i can't fall for Abi, that's for sure. Aside from she's not my type, inaaway niya rin si Genesis. Tss, dapat ako lang umaaway sa kaniya.
I admit that me and Abi bullied Genesis before. But we ain't dating or whatever. Siguro similar lang na masarap siyang awayin. But one thing is for sure na kaya ko siyang protektahan without her knowing.
Pag akin lang, akin lang...
Pag laruan ko, laruan ko lang... walang pwedeng humalo kaya isa sa mga rason ngayon kung bakit ayaw ko kay Abi ay inaagawan niya ako.
***
"Jago... what's your type?"
Si Genesis...
BINABASA MO ANG
Formerly You, Genesis
RomanceNo other woman can match you. Even if all I have left is your body, I will not leave it. I will find your soul, no matter where it is in the world. I can handle these battles, for you and for us to live eternally. I can take everything back, my lov...