Roni's POV
nandito kami ngayon sa yacht dahil ito ang request ni Rory after the incident kaya naman pinagbigyan ko siya. Like what I said basta para sa anak ko gagawin ko ang lahat.
Naramdaman ko pa ang kamay ni Borj sa bewang ko kaya napasulyap ako sakanya
nasa gitna namin si Rory habang tinatanaw ang magandang view ng dagat
'para po tayong happy family' masayang sambit ni Rory kaya pasimple kong siniko ang kamay ni Borj pero tinignan lang niya ako saglit pero hindi noya inalis ang kamau niya sa bewang ko inaalalayan ba niya ako? Or baka tinatake niya yung chance para mag pa-fall? Baka he's being a gentleman lang kaya hinayaan ko nalang.
'diba po mommy?' tanong pa niya kaya pilit akong tumango nakita ko pa kung paano napangiti si Borj
'tito Borj' baling niya kay Borj kaya tinignan siya nito 'bakit po kayo nandito?'
'gusto ko kasing bumawi sa taong pinaka importante sa buhay ko' sabi niya tumingin siya sakin tapos ibinalik din kay Rory ang tingin
'sino po?' pag uusisa niya
'malalaman mo din' sabi niya tapos ibanaling ang tingin sa dagat maya maya pa ay nakita kong nakatulog na pala si Rory isinandal ni Borj yung ulo niya sa lap niya
tanging alon ng dagat lang ang naririnig namin paminsan minsan nararamdaman kong tumitingin siya sakin kaya hindi na ako nakatiis
'may sasabihin ka ba?' basag ko sa katahimikan ng hindi siya tinitignan
'I just wanna say thank you' sabi niya kaya nagtataka akong tinignan siya 'for letting me na makasama si Rory at ikaw' ito nanaman siya sa mga paganyan ganyan niya kaya iniwas ko ang tingin nakakaramdam nanaman kasi ako ng kakaiba sa loob ko
'ginagawa ko 'to para sa anak ko' sabi ko pinakiramdaman ko pa siya kung anong sasabihin niya pero sandali siyang natahimik
'naalala mo ba nung bago maging tayo?' tanong niya 'nandito din tayo same spot. 5 years noong pagbalik ko and now after 5 years nandito ulit tayo kasama na si Rory.' narinig ko pa ang mahinang pagtawa niya napangiti din ako pero hindi ko ipinahalata
'Roni, alam mo bago ako bumalik dito ang daming what if's sa isip ko. What if may iba kana? What if wala na akong babalikan?' isa lang yan sa mga tanong na gumugulo sa isip ko
'I told you before na ang pag uwi ko sa Pilipinas ang isa sa mga naging magandang desisyon na nagawa ko sa buhay ko at ngayon tama pa rin pala ang naging desisyon ko na bumalik dito.' hinayaan ko siya na mag salita nakikinig ako
'ito pala ang purpose kaya parang hinihila ako pabalik dito dahil hinihintay pala ako ni Rory..' nanatili akong tahimik nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin siya sa akin
'sorry dahil kailangan mong dalhin lahat ng responsibilidad ng ikaw lang, Roni.' may naramdaman akong basa sa pisngi ko 'sana ngayon na nandito na ako hayaan mo akong tulungan kita sa lahat'