Chapter 1: A Great Start

23 4 2
                                    

Megan's PoV

June 16. Wow, first day pala ng pasukan ngayon. Ang bilis naman ng panahon. Parang kahapon lang, nag-eenrol pa ako dito for first year, pero ngayon, sophomore na ako. Time sure flies by.

Pagkatapos kong gawin ang ritual ko tuwing umaga (maligo, magbihis, kumain), naglakad na ako papuntang school. Yeah, nilalakad ko lang school ko kasi nasa harap lang ng bahay namin yung school na pinapasukan ko. HAHAHA! Ang awkward nga eh. Nakatira ako sa tapat ng school. You might even be asking, "Why not 3 blocks away na lang away or something para hindi awkward?" As much as I would like to, pero hindi pwede. Yung bahay kasi namin, from my great grandfather pa yun. It's so old but it stand strong against countless floods, typhoons and earthquakes that hit my place countless times. Yeah, ni-isa walang binago sa bahay namin. Yung bahay kasi namin yung tipong haunted house tingnan sa labas, pero Jollitown naman pala sa loob. Masyado kasing colorful sa -

"ID mo."

Ano ba naman yan. Wait, nakarating na pala ako dito sa school? Ganun? I immediately get my ID from my bag and faced the guard with a big smile on my face. "Eto na po."

Pagpasok ko sa university, ang tahimik naman. Parang hindi pang first day of class ang aura dito. Super quiet. Para tuloy pang -

"Terr!" sigaw ng isang babae.

Nilingon ko yung sumigaw at si Audrey pala yun. Kasama niya sina Diana, Chrystyn at si Joseph. "Oh my gee terrs! I miss you all so much!" sabi ko kina Audrey, Diana at Chrystyn. "Halinga kayo dito at bibigyan ko kayo ng power hug!" Lumapit naman sila at binigyan ko sila ng isang napaka-higpit na yakap.

"Ahm terr?" singit ni Chrystyn.

"Ano terr?" sabi ko habang nakayakap pa din sa kanila.

"Si Joseph? Di mo ba bibigyan ng power hug?" nakangiting sabi niya.

"Hindi na! I'll just give him a hi-5 later, diba Jo?" natatawang sabi ko kay Joseph. Si Joseph lang kasi ang lalake sa barkada. And when I say lalake, lalake talaga siya. Walang bahid ng pagdududa.

Ngumiti lang si Joseph sakin. Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanilang tatlo. "Terrs, ano yung first class niyo?"

"Writing in the Discipline. ORC 17," sabay nilang sagot.

"OH MY GEE!" Napatili at napatalon ako sa kasiyahan na aking nadarama. "Classmates tayo, mga terrs!"

"OH MY GOSH! Let's sit close to each other mga terrs ha, para you know na," natatawang sabi ni Audrey.

"Sige go! Ahm, let's go na to our class terrs, baka ma-late pa tayo, first day of class pa naman," sabi ko sa kanila.

"Okay!"

Habang papalapit na kami sa classroom namin, may narinig kaming boses na tila ba'y kumukuha sa atensyon namin.

"Oy! Antayin niyo naman ako," nahihingal na sigaw ni Carmie. Hindi pa rin siya nagbabago. Palagi pa rin siyang nali-late. Pero sige lang, matalino naman siya eh.

"ORC 17. Writing in the Discipline is my first class mga terrs. How about you?" hingal na hingal na tanong niya samin.

"Oh my gee terr! Classmates tayo terr!" tuwang-tuwang sabi ni Audrey. Hindi siya nakatiis at niyakap pa niya si Carmie. Super close talaga sila, pagpasenyahan niyo na.

"Dali na terr! Baka ma-late pa tayo at baka wala na tayong seats sa front," nag-aalalang sabi ni Chrystyn.

Pagdating namin sa classroom, we look for any vacant seats. Magkatabi sina Diana, Audrey at Carmie. Kami naman ni Joseph at Chrystyn ang magkakatabi. Moments later, dumating na yung professor namin. Maganda siya at parang si Kris Aquino kung magsalita ng English. She continued with giving us her requirements when suddenly,

Not Your Typical Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon