Page 8

19 4 1
                                        


Para Sayo

Tulad ni George, alam kong ang pag-ibig ay isang sugal ngunit sa akin hindi ka tataya nang mag-isa. Sa halip ay tataya tayong magkasama, ilalaban nating dalawa.

Ngunit sana sa oras na kapuwa na tayo dehado at tingin natin ay wala na tayong pinapanalo, sana manatili ka pa rin sa tabi ko. Samahan mo pa rin akong hanapin ang mga bawat paano, hanggang sa ating mapagtanto na matalo man tayo pareho ngunit ang makasama natin ang isa't isa ay sapat na upang ang lahat ng "hindi na natin kaya ito" ay mapalitan ng "buti na lang tumaya tayo"

Ilalaban kita tulad ni George, ngunit sana ay unawain mo rin ako ng sa tulad ni Primo.Dahil kapag sinabi kong mahal kita, ang ibig ko ring sabihin ay "ilalaban ko hangga't kaya" kung hindi man palarin, ay sanay magkatagpo tayo, dahil ang kaisa-isang hiling ko sa Diyos ay mapasakin ka, at makasama hanggang sa pagtanda.

Mahal kita.


-ken


8th Page

poems that I wrote for herStories to obsess over. Discover now